Two months later... June somethingJane's POV
"Mommy, Feeling ko... parang may darating na alien at manggugulo sa kasal namin ni Charlie, para hindi matuloy ang kasal namin" lumalawak ang imahinasyon ko sa sobrang kaba
"Normal lang yan anak... noong kinasal kami ng daddy mo, akala ko nga may darating na bulalakaw at pagkakaguluhan ng mga media at para di matuloy ang kasal namin... dala lang iyon ng sobrang kaba" natatawang sinasabi ni mommy
Nakasuot ako ng wedding gown at nasa kotseng puti kami
"Ang galing anak, walang traffic parang planado... dapat mauna ka sa bride groom mo para maa-under mo siya" payo ni mommy
"Talaga!, pero pangit naman kung ang bride ang mauna" parang hindi pwede
"Bakit ayaw mo ba maa-under ang magiging asawa mo o gusto ko maunder ka niya?" Parang QA
Hindi nalang ako umimik... hindi talaga ako makakapag isip dahil sobrang bilis ng kotse
At ayon na nga sa simbahan na kami
"Maa-under mo ba siya o hindi..." paulit ulit na binubulong ni mommy, mga 10x na
"Opps.. mas nauna si charlie" mapabulong ako
"Parang siya pa ang excited" sa isip ko naman
Pumasok ako sa malaking simbahan
Malalaking pulang kurtina na natatakpan ang malalaking mga bintana, meron ding red carpet, sa aisle merong mga sky blue ribbon na may mga bouquet ng flowers ang naka-display at mamaya may magpapatugtug ng "here comes a bride"
****END OF WEDDING****
(A/N: Kinasal na po ang dalawa, Sorry talaga kasi hindi mahalaga yung wedding nina Charlie, because he belongs with the other woman. Salamat po talaga nang marami sa pag-unawa )
Palabas na kami ng simbahan, nakita ko si Ivy na bumaba sa kanyang grey na kotse at nakasuot siya na itim na dress parang nanggaling sa burol
Lumapit kami ni charlie sa kanya at lumapit din siya sa amin ng padahan dahan
Magsasalita na sana ako pero mas nauna siyang magsalita sa akin
Ivy's POV
"Late na ba ako? Sorry ha..." aarte lang ako nang kaunti... lalagyan ko pa na tunong umiiyak
Madaling maawa si Jane, syempre magbestfriend kami
"Bakit naka itim ka? Bawal sa kasal yung kulay itim" sinita ni charlie
"Yung kaibigan ko kasi nagpakamatay siya... nang dahil sa isang lalake mahal niya... nabuntis siya at hindi manlang sinuportahan ang magiging anak niya at iniwanan din siya.. kaya nagpakamatay nalang ang kaibigan ko" umiiyak na ako sa harapan nilang dalawa, syempre akting din
"Tama na yan... ilang oras ka na siguro umiiyak" Si Jane hinimas himas niya ang likod ko
"Alam kong susunod nito ay ang inyong honeymoon dapat may gawin ako" sa isip ko
"Ahmm... Jane pwede bang mamaya sa party niyo nalang ibigay yung gift ko para sa inyo?" Tanong ko nang maayos kay jane pero nalimutan kong umarte
"Oo naman, sige magpahinga ka lang muna, sa party na lang tayo kita" sabi ni jane
*******
Jane's POV
Settings: At the party
"Mabuhay sa bagong kasal" - lahat
Mas malalakas ngayon ang mga sounds parang pwede nang makabasag ng mga inumin namin
Yung mga ilaw naman patay-sindi parang pang club ang dating, kunting oras na lang hindi na ako virgin
"Sayaw pa more" sigaw ni Ivy na parang lasing sa gitna ng dance floor
Nakita ako ni Ivy nakasandal sa tabi at nilapitan niya ako
"Anong ginagawa mo? Kunting oras nalang hindi ka na virgin" ang totoo habang buhay ka na virgin (sa isip ni Ivy)
hawak hawak ni ivy ang isang baso ng alak at ibigay sa akin
"Payong kaibigan, kapag nagkaanak ka na hindi mo na ito magagawa, kaya uminom ka na nang marami" sabay bigay ng basong may alak sa akin si ivy
Inabot ko at nag isip "kung sa bagay, totoo nga ang sinabi mo"
Ininum ko ang alak at may inabot sa akin si Ivy
"Ito, ang regalo ko sayo" binigay sa akin ni ivy yung paper bag galing sa mall
Inabot ko ulit ang pinabibigay niya sa akin
Binuksan ko ang bag at kinalikot sa loob at kinuha ko pataas
Nagulat ako sa nakita ko at binaba ko nang mabilis kasi nakakahiya
"Suotin mo yan sa honeymoon ninyo ha" bulong sa akin ni ivy
"Nakakahiya naman" sabi ko
"20 yrs old ka na. Nahihiya ka pa" parang nagalit si ivy
(*sa kabila naman tayo*)
Charlie's POV
Binibigyan ako ng alak ng mga kabarkada ko noong college ako
"Sa huling party natin, gusto namin lubusin ang huling party natin dahil hindi namin mauulit ito kasama ka" sabi ng isa kong kaibigan
"Tama yon!" Sabi nilang lahat
"Mga imported yan kaya ubusin
natin, mahal ang tax na pinatong diyan" sinabi pa ng isa ko pang kaibigan"Oo na... oo na..." yun nalang ang sinabi ko dahil nalilito na ako
"Dapat magpakalasing ka... mas maganda ang babae kapag lasing ka" #Pychology
BINABASA MO ANG
My Fiance has a Twin
Novela JuvenilHi I'm Jane Madepp, nanggaling ako sa isang mayamang pamilya nagkaroon lang ng problema kaya nagpasya ang mga magulang ko na fixed marriage ako sa isa pang mas mayaman na pamilya. Si Charlie Landers ay triple ang yaman nila kaysa sa amin, mayaman, g...