4 years later

13 1 0
                                    

Charlie's POV

Naka-graduate na kami ni Jane ng BSBA, tuwang tuwa kami kasi malapit na kami ikakasal sa first week ng June, kaya 2 months na lang at magiging Ms. Landerson na siya

Marami na rin kami pinagsamahan ni jane... akala ko hanggang awa na lang ako sa kanya pero minahal ko na talaga siya ...

Teka nga lang kailan ang first kiss namin???

FLASHBACK: Sa loob ng 4 years

Settings: Mt. Samat, Bataan

Nasa tuktok kami ng Mt. Samat. Kahit mataas ang sikat ng araw, malakas ang hangin, malamig kahit malapit sayo ang araw

"Charlie, nasa talampakan na tayo ng malaking cross, tignan mo parang na tayo tatabunan...." nakatingala si jane at parang matutumba na siya patalikod sa nakikita niya

Tama nga ang hula ko matutumba na siya at agad kong sinalo

"Tanga ka ba? Hindi yan mahuhulog sayo.... pero gusto ko ang pagkatanga mo" natatawa kong sinabi kay Jane

Napansin kong magkalapit ang mukha namin ni jane

Tinignan ko ang labi niya, Isip isip ko hindi kasi malambing si jane, hindi tulad ng mga ibang babae na yung tipong dikit na dikit sa kanyang boyfriend, yung kita yung cleavage, at yung aakitin pa yung boyfriend

Conservative kasi si Jane....

"Kung ayaw mo akong halikan, ako na lang ang hahalik sayo" agad ko siyang hinalikan....

Ang lambot naman ng labi niya at ang tamis pa. .

"Strawberry cake na naman ba kinain mo?" Pinatayo ko siya

Tumango lang siya

"Yes!!!! Sa akin lang ang first kiss ni jane. Wala kayong girlfriend na kasing lambot at kasing tamis ni Jane!!!!!!!!!!" Mula sa Mt. Samat ay sumigaw ako para malaman ng mga tao sa labas

"Ang ingay mo.. nakakahiya" sabay takip ni jane sa bibig ko

Ivy's POV

"Yes!!!! Sa akin lang ang first kiss ni jane. Wala kayong girlfriend na kasing lambot at kasing tamis ni Jane!!!!!!!!!!" -Charlie

"Ang ingay mo.. nakakahiya" -jane

Ang sarap magwala sa sobrang inis ko.... naagawan ako ng first kiss ni charlie

End of flashback....

Charlie's POV

Settings: Landerson's mansion

"CHEERS!!!!" -Lahat

"Masaya ba kayo sa Graduation Celebration natin???!!!" Sabi ko

"Oo!!!!!!" -lahat

Masarap makarinig ng nagtatawanan at naghihiyawan lalo na nalagpasan naming hirap sa pagpapataas ng marka sa kolehiyo

"Marami pa akong dalang maraming alak!!!!" Sigaw ni Ivy

"Hindi puwede sa akin ang alak" tumanggi si Jane

"You are not a child anymore to still obey your parents.... don't be a kill joy" sungit ni Ivy habang hinahamon si jane na inumin ang alak

Nagbubulungan na ang mga kaibigan namin

Kinuha agad ni Jane ang isang boteng alak at ininom na may kasamang tapang

Umubo si jane dahil beginner pa lang pa kasi siya...

Nagtawanan lahat sila pati na rin ang mga nagsasayawan

"Masasanay ka rin" sabi ni rex

Mamaya maya... nakainom na lahat at mga lasing na kaya mas ganado ang pagsasayaw

Ginawa na naming disco ang mansion ko... may mga spot lights at malalakas na speaker na pinapatugtug ng mga party songs at love songs pero random ang style kaya kalog kami lahat doon

Natapos na ang party at ako ay lasing na lasing na...

Umuwi na rin ang lahat ng mga ka-klase ko at ang mga kaibigan ko

Kami na lang apat nina ivy, rex, at jane.

Si jane isang boteng alak pa lang tulog na siya

Si rex slight lang... kaya pa niya niyang maglakad ng straight

"R-rex p-wede bang pakihatid si jane sa mansion nila?? Hindi ko na kayang magmaneho baka maaksidente kami" sabi ko

"Oo... ako na ang bahala sa kanya...." sabi ni rex

"Wag mo siyang pagsamantalahin.... magkakasiraan tayo" banta ko kay rex

Ivy's POV

"Wag mo siyang pagsamantalahin.... magkakasiraan tayo" - Charlie

".....P-pagsamantalahin...." sa isip ko

"Tama" bulong ko

"Grabe ka, ganon na ba ako ka-sama???" -rex

"Ihahatid ko lang kayo sa may gate, mamaya ko na ihahatid si ivy" lumabas na si charlie

Alam ko kung saan ang kwarto ni charlie dahil nakapasok na ako dito noon...

Flashback #2 sa loob ng 4 years

Nahanap ko rin ang mga documents nila

Napa-inhale ako sa gulat " A-ang daming cheque book.... m-may mga lupain din sila.... dito meron ding mga certificates of gold bar.... kapag naging asawa ako ni charlie, mapapasaakin din ito"

Dahan dahan kong binalik sa ayos ang mga iyon na para bang walang pinakialaman...

Naglakad ako ng palayo papuntang pintuan para makalabas na....

Paghawak ko ng doorknob, nanginginig ako, parang ako nakapatay ng tao sa nginig... "gusto ko ring magkaroon ng maraming maraming pera, mero mas masuwerte si jane dahil magiging asawa niya si charlie... g-gagawa ako ng paraan para mabaliktad ko ang sitwasyon..."

Blessing in disguise ang pagkaligaw ko dito sa mansion

End of flashback...

Hinubad ko ang necklace ko at nilagay sa sahig

Sunod naman yung sandals ko sa baba ng hagdan

Yung palda ko sa itaas naman ng hagdan

Yung upper dress ko naman ay nasa hall way sa tapat ng kwarto niya at pumasok ako sa loob ng kwarto niya para abangan siya....

Charlie's POV

Pumasok ako sa mansion namin

"Ivy???" Hinahanap ko si Ivy

Nakita ko sa sahig ang necklace niya

Pinulot ko, sunod naman may nakita din akong sandals sa ibaba ng hagdan... tumingala ako at may nakita na naman akong palda... umakyat ako habang nakakakapit sa gilid ng hagdan...LASING PA KASI AKO

(A/n: nakalimutan ko nga pala, sexy si Ivy pang FHM ang dating)

My Fiance has a TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon