Coincidence part 2

64 3 2
                                    

Jane's POV

Tinitigan ko ang gate nila, malaki yung gate, medyo gothic ang style, mula sa malayo ay maaaninag mo na ang isang malaking mansion parang sa mga london or paris ang itsura,  maliban doon may fountain sa harapan nito na mayroon na statue na angel

Inalalayan ako ni charlie na umakyat sa hagdanan papuntang pintuan nila

Malaki yung pintuan nila,  yung tipong sa simbahan na magkabilaan ang bukas

Namangha ako sa laki ng bahay nila, pagpasok ko talagang parang ibang bansa yung design nito, may mga painting sa bawat ding ding na dinadaanan namin yung tipong parang museum ng paintings ang bahay nila

Bumungad naman sa akin ang isang napakalaking bilog na kwarto na may tatlong magkakaibang pinto, at may hagdanan sa gitna sabay nahahati papuntang kaliwa at kanan pagdating mo sa bandang taas, nakakamangha talaga ang bahay nila di ko akalain na ganito kayaman sina charlie....

"meron pala tayong bisita " sabi ng isang mahinahon na tinig

napatingin ako sa direksyon na pinagmulan nito at doon nakita ko ang isang magandang babae, maikli ang buhok at nakasuot na kulay tan ang dress nakangiti siya sa amin

" good evening po " bati ko

"Mom " bati naman ni Charlie

lumapit siya dito at sabay halik sa pisngi nito, napansin kong may binulong si charlie sa mama nito, maya maya ay sabay silang tumingin sa akin, ngumiti sila sa akin na para bang may nakakatuwang sinabi si charlie sa kanya

" Ma'am, handa na po ang gabihan " sumingit ang maid nila

"Jane halika na sa dining room namin " sabi ni charlie

sumama nalang ako.....

pagbukas niya ng pinto bumungad naman saakin ang pagkahabahaba na lamesa at sa dulo niyon ay may nakaupo na lalaki

"siya siguro ang papa ni charlie " sa isip ko

"oh, anak may inuwi kang babae,  sino siya? pwede bang ipakilala mo siya sa saamin ang Girlfriend mo? " natutuwang sabi ng papa ni charlie

"Dad naman, hindi ko po siya girlfriend, siya po si Jane, mahaba pong kwento kaya mamaya nalang kain mo na po tayo " sabi ni charlie

" Jane,  You are welcome here" bati ng papa niya

"salamat po sapag tanggap "

"basta wag kang mahiya tumuloy at kumain saamin ha. "

"opo "

kahit sinabihan ako ng papa niya ay talagang nahihiya pa rin ako, halos nakayuko na ako

umupo na ako kung saan magkatapat kami ni charlie at malapit sa papa niya

" heto, kumain ka lang wag kang mahihiya" habang hinahain niya ako ng pagkain

Tinignan ko ng malapitan ang papa ni charlie halos magkamukha sila,  maputi, kahit naka upo alam kung matangkad ito at syempre kahit parang may edad na ang papa niya, babyface ang mukha niya ang galing

ako nga hindi ko alam kung kanino ako nagmana sa mga magulang ko, maganda naman ako kahit wavy ang buhok ko at may salamin . hindi ko alam kung sino ang may side sa parents ko na may malabo ang mata. sino ba ako?  ampon ba ako? basta napaka dominant ng dugo ng mga Landers.......

basta kumain nalang ako ng tahimik kahit gutom na gutom ako kahit wala akong hapunan gutom na talaga, kakuha ko pang mag table etiquette

" charlie handa ka na ba sa darating na sunday? " sabi ng mom ni charlie

parang walang narinig si charlie, busy siya yata sa paghihiwa ng karne gamit ang kutsilyo..

natapos na rin akong kumain

Charlie POV

" charlie handa ka na ba sa darating na sunday? " sabi ng mom ni charlie

" here we go again " sa isip ko

nagbingi bingihan nalang ako pero nakita ko si Jane na tapos ng kumain kaya may chance ako  tumakbo sa usapan namin

"Jane hindi ba tapos ka na kumain " sabay tayo ko at pumunta ako sa kinauupuan ni jane at sabay hila sa kamay niya dahilan na napatayo siya

"Dadalhin ko na siya sa guest room " sabi ko sa kanila habang papalayo

Jane POV

"Ano bang nangyayari bakit kaya hindi sinagot ni Charlie ang tanong ng mama niya? "

lumabas kami sa dining room, dumaan kami sa pagkahaba habang hagdanan  papuntang guest room

pinapasok niya ako sabay sara ng pintuan tapos hinila ulit ako papuntang ibang pintuan pagpasok ko doon madilim....

tapos pina ilawan niya

"mamili ka nalang ng susuotin mo pangtulog " sabi niya

lumakad na ako paabante sa walk -in closet,  andaming magagandang dress formal man o bongga, completo sa kasuotan....

pumunta ako sa area kung saan nakalagay ang mga pang tulog

nakapili na ako kulay baby pink at spaghetti style....

"aalis na ako, matulog kang mahimbing ha,  sweet dream " sabi saakin na may maaliwalas na ngiti

(a/n : sorry,  ngayon lang nag update. this story remains on -going.   I finish what I have been started)

My Fiance has a TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon