Charlie's POV
Tapos na ang party at isa-isang umalis ang mga tao
Lasing na naman ako at kaya ko pa naman maglakad
Nakita ko si ivy at lumapit siya sa akin
"Si jane??? Nasaan si Jane?" Tanong ko kay ivy
"Nasa sariling mansion mo na siya hinatid ko pauwi" parang ang taray ng pagkakasabi
"Buti pa nga bumalik ako para sunduin kita kasi alam ko lasing ka na naman" dagdag pa niya
Inalalayan ako palabas ni ivy at siya na rin ang nagtawag ng taxi
Pumasok na kami at Umupo kami sa likod ng taxi
"Bukas ko nalang ibigay ang gift ko sayo.... enjoy a night with jane" parang masaya pa siya
Hindi lang ako umimik.... kasi na aalala ko lang ang nangyari sa amin ni ivy
Mga 30mins nasa mansion na kami ni ivy
Bumaba ako ng taxi
Nasa malaking gate na kami tinignan ko ang relo ko "11:08am"
Binigyan ko ng pera si ivy pauwi
"Sige, mauuna na ako" hindi bumaba si ivy kasi uuwi rin siya
Hindi na ako nakapagsalita dahil umalis na ang taxi at pumasok na ako sa loob
Ivy's POV
Habang umaandar ang taxi palayo sa mansion nina charlie.....
Dapat maka-isip agad ako ng plano
"Manong sandali lang may nakalimutan lang ako" binayaran ko ang driver at bumaba ako
Lumakad ako papunta sa mansion nina charlie, hindi naman gaano kalayo ang binabaan ko
******
Nasa masion na ako nina charlie at nakapasok na rin ako dahil kilala ako ng mga maid
"Hindi ako makakapayag na magkaanak si jane dahil mas hahati ang kayamanan ni charlie" sa isip ko habang hinahanap ang kwarto nina charlie
May naririnig akong ingay sa left side ng hall way
Pinapakinggan ko nang mabuti kung sino... magkadikit ang mga kamay ko at ang kanan kong tenga sa pinto
"Parang si jane yung nagsusuka?" Pinihit ko yung doorknob ng pinto
Nakita ko si jane nagsusuka sa toilet bowl, nagsusuka siya dahil hindi pa rin siya sanay sa pag inom
Tinitignan ko lang siya, gusto kong malaman kung ano ang susunod na gagawin niya
Pagkatapos ng pagsuka niya, nakatulog siya agad sa gilid ng bathtub
Braso niya nakapatong sa bathtub at yung ulo niya ay natapatong sa braso niya
"Sa ganitong sitwasyon mo, bukas ka na magigising" napalapit ako at binulong kay jane
Lumabas ako mula sa comfort room at sinarado ang pinto
"Kung nandito si jane, dapat nandito lang ang kwarto nila"
Naglakad ako ng sandali at may nakita akong kunting bukas ng pinto
Binuksan ko ng padahan dahan para sumilip
Nakita ko si charlie na nakahiga sa kama na wala sa ayos, nakatulog na rin ata siya
"Wow, isa pa ito, natulog na rin dahil sa alak.... ako lang ba ang malakas uminom???" Sa isip ko
BINABASA MO ANG
My Fiance has a Twin
Подростковая литератураHi I'm Jane Madepp, nanggaling ako sa isang mayamang pamilya nagkaroon lang ng problema kaya nagpasya ang mga magulang ko na fixed marriage ako sa isa pang mas mayaman na pamilya. Si Charlie Landers ay triple ang yaman nila kaysa sa amin, mayaman, g...