Charlie's POV
Settings: Baguio city
"Nawalan sila ng preno at nahulog sila sa bangin, kumikilos na ang mga rescuer sa pagkuha sa kanila" sabi ng pulis
"May pag asa pa ba na buhay sila?" Nag aalinlangan na tanong ko
"Pasensya na... pero sa tingin ko hindi na sila buhay dahil mataas ang bangin na hinulugan" sabi ng pulis
Nanatili lang ako na mahinahon at naramdaman ko na hinawakan ni Ivy ang kanang kong kamay
Sakto naman na tumaas na ang mga walang buhay na katawan ng mga magulang ni Charlie sa pamamagitan ng makina na lever and pulley
Merong dalawang doktor at nurse na nag madaling pumunta sa kanila
Hinawakan ang pulso at saka umiling
Ibig sabihin wala na silang buhay
"Mom.. dad" gustong kong pumiglas sa mga pulis para lumapit sa mga walang buhay na katawan ng mga magulang ko
Ivy's POV
"Ang swerte ni Jane hindi siya nakasama sa trahedya" sa isip ko
Gagawa na naman ako ng bagong plano para sa kanya
Sa totoo lang nakakapagod na gumawa ng magandang plano
Kung mesa pusa ang papatayin mo
****************
Jane's POV
Na-discharge na ako sa hospital
Wala namang nagsundo sa akin
Mukhang ako nalang ang mag uuwi mag isa
"Galit ba si Charlie sa akin? Bakit natanggap niya na gawin ito sa akin?" Tanong ko sa sarili ko
Tumawag ako ng taxi para makauwi na
Sumakay ako at sinabi kung saan ako bababa
Sa kalagitnaan na biyahe ko may nakita akong familiar
"Si Rex????" Bulong ko sa sarili ko
"Sa tabi na lang po ako" sabi ko sa driver ng taxi
Kinuha ko ang wallet ako at nagbigay ng 200 pesos
"Sa inyo nalang po ang sukli " at agad akong bumaba dahil baka hindi ko maabutan si Rex
Tumakbo ako ng mabilis kahit naka high heels ako at wala ako pakialam kung nadapa ako dahil hindi naman ako buntis
"Rex!!!" Hinawakan ko ang balikat niya
Tumingin lang sa akin si Rex at lumakad ulit na parang hindi niya ako kilala
"Rex Sandali...... Rex...... teka. ....hintay. ..... ouchhhhhh!!!" Nadapa tuloy ako
Ang bilis ng lingon sa akin ni Rex
Pinuntahan niya ako agad, nagmamadali
Aba?!! May concern pa pala siya sa akin
"May sugat ka ba?" tinignan niya ang tuhod ko at hinawakan niya kung may nakakapa siyang gasgas
"Padalos dalos ka talaga, paano kung Malalag ang bata?? Patay din ako kay Charlie... buntis ka pa naman" sermon sa akin ni Rex
Naalala ko na naman yung tungkol sa pagbubuntis ko
Anong mukha kaya ang maihaharap ko kay Charlie?
Tinakpan ko ang mukha ko at umiiyak
*crying*
BINABASA MO ANG
My Fiance has a Twin
Teen FictionHi I'm Jane Madepp, nanggaling ako sa isang mayamang pamilya nagkaroon lang ng problema kaya nagpasya ang mga magulang ko na fixed marriage ako sa isa pang mas mayaman na pamilya. Si Charlie Landers ay triple ang yaman nila kaysa sa amin, mayaman, g...