First Move

14 1 0
                                    

Jane's POV

ONE WEEK LATER

"Ivy, bakit ka naparito?" Tinanong ko sa kanya dahil ang dami niyang dala

"Jane, pwede ba akong humingi ng pabor sayo"

"Bakit?? Ano yun??" Handa akong makinig

"Pinalayas kasi ako ng mga magulang ko, pwede ba ako makitira sa ninyong mag asawa?"

"O sige... pwde naman pero bakit ka pinalayas??"

"Dahil..... dahil....  buntis ako" mahinang sinabi ni ivy

Laking gulat ako sa sinabi niya

"Alam na ba ng ama niya na buntis ka?" Hay naku si Rex talaga

"Oo, pero hindi niya matanggap" umiyak na talaga si ivy

Ivy's POV

"Oo, pero hindi niya matanggap" puwede na talaga ako makatanggap ng best in actress award

Si rex ba ang iniisip ni jane na ama ng dinadala ko???

"Wala talagang pag asa si rex maging isang mabuting ama, ano bang gusto niya forever young?" Sinasabi ni jane habang nakatingin sa malayo

Tama nga ako si rex nga ang nasa isip ni jane dahil 3yrs. Naging boyfriend ko si rex until now

Jane's POV

"Halika na nga pumasok na tayo" niyayà ko si ivy pumasok sa loob

Settings: living room

"Charlie, si ivy dito na titira...  pinalayas siya ng mga magulang niya dahil buntis siya" sinabi ko kay charlie nang mabilis kasi aalis ako

"A-ano" parang paputol putul ang sinabi ni charlie

"Bahala ka na kay ivy... may pupuntahan ako" sinabi ko kay charlie habang palabas ng pinto

Charlie's POV

Naka alis na si Jane pero ang nakakainis lang ay nakangiti lang sa akin si ivy

Lumakad siya pero hindi ko alam kung saan siya pupunta

Hinawakan ko ang kanang braso niya nang mahigpit

"Ouch, charlie nakalimutan mo na ba na buntis ako"

"Wala akong pake kung buntis ka o hindi, ang alam ko ginagawa mo lang ito para paghiwalayin kami ni jane" mas humigpit ang hawak ko sa kanya

"Ano ba!!!???" Nalawala si ivy sa hawak ko

"Ilang beses ko sasabihin sayo na ikaw ang ama ng dinadala ko" lumapit siya sa akin

"Maski ako nagulat na nalaman ko na buntis na pala ako...." hinawakan ako sa balikat

"Bigyan mo ako ng panahon mag-stay dito... balang araw matatanggap mo at mapapamahal ka sa anak natin" hinawakan niya rin ang pisngi ko

Rex's POV

SETTINGS: Carnacion's Mansion

"Mr. Carnacion, hindi na ako paligoy ligoy pa... buntis si ivy at bilang isang tunay na lalake dapat panagutan mo ang ginawa mo" kung makapagsalita si jane ay parang isang pulis at ako naman ang inusenteng suspek

"Ano!!!???" Gulat na gulat ako... buntis si ivy??

"Sa sobrang respeto ko kay ivy, ni hindi kami nag sex... sa ibang babae ko lang ginawa iyon" seriously

"Dapat mo lang panagutan ang ginawa mo at pwede ba...ang babae hindi kami bubblegum kapag wala nang lasa idudura na lang kahit saan"  ang sama ng titig sakin parang mangkakain ng tao

Ngayon ko lang nakita si Jane na magalit nang ganoon, nakakatakot! !

Umalis na si Jane, dahil yun lang ang sasabihin niya

Agad ko naman tinawagan si Charlie sa nangyari

"Hello, charlie pwede ka bang pumunta dito. NGAYON NA! "

***AFTER AN HOUR***

"Rex, bakit mo ako patawag? " nakangiti pa si Charlie

Agad kong sinalubong ng isang malakas na suntok

Napahiga si Charlie sa sahig

At hinawakan ko nang mahigpit ang kuwelyo niya at sinabing "alam kong ikaw ang nakabuntis kay Ivy at ngayon gusto mo palabasin na ako ang ama"

nakatingin lang sakin Charlie

"Gawin mo na ang gusto mong gawin kahit patayin na ako" sabi sakin ni Charlie habang dumudugo na ang bibig niya

"Go to hell!!!!" Isa pang suntok na binigay ko sa kanya

Hindi ako nakapagpigil at sunod sunod ang binigay ko sa kanyang suntok habang nakahiga siya

Huminto ako sa pagsuntok dahil may sasabihin ako

"Kung tama ako, ginawa niyo yan yung pagkatapos ng graduation party nang hinatid ko si Jane sa mansion nila" hinila ko ang kuwelyo at dinikit ko si Charlie sa pader

"Alam kong alam mong si Ivy lang ang minahal ko tapos ano??? Sa isang gabi nagawa mo siyang agawin sa akin!!!!"

"Patawarin ako, Rex,.... ikaw lang ang bestfriend ko noon pa... simula nang umalis si Charles...." hindi ko na pinakinggan kung ano ang susunod niyang sasabihin nagsalita na agad ako

"Si Charles, kaya pala iniwan ka Charles, don't worry iiwan din kita.... hindi na ako makikita simula ngayon"



(A/N: Rex is no longer plays his role here.... he maybe commit suicide or migrate somewhere. ...... Charles is coming soon)



My Fiance has a TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon