Chapter 1: Name issues

279 10 10
                                    

Chapter 1: Name issues

 19th May

Bago ang lahat, gusto ko lang po sabihin na napaka-close po namin ng aking Lola Agnes, at mahal na mahal na mahal ko po siya.

Pero hindi ibig sabihin na di ko pa siya napapatawad sa pangalan.

Aveline. Aveline, Aveline, Aveline.

I hate that name. Parang may identity crisis ang pangalan ko. Hindi siya sigurado kung Eveline ba siya o Avery. Hashtag medyo indecisive lang.

Si Lola Ags kasi ang nag-isip nung pangalan na yun, eh. Hindi ko alam kung saan dulo ng mundo niya yun napulot. But then again, kung ako Aveline, naging Adolfo at Aldwich at Adriel rin naman ang mga kuya ko. Siguro fair lang rin naman kaming lahat.

Anyway. Kung hindi niyo pa alam, ako si Avie. Avie de los Santos. I can't imagine you picking up this book for any other reason.

Alam ko naman na ang nag-iisang dahilan kung bakit ko nakuha ang chance na makapagsulat ng aking sariling autobiography (choss, ang sossy pakingan, enebeh kenekeleg eke) ay dahil sa isa akong aktres.

Ayokong sinasabi yun. Parang ang yabang kong pakinggan eh. Pero yun na nga. Aktres ako. Isang maswerteng aktres na nasa tamang lugar sa tamang panahon kaya nadiscover.

Kung hindi ikaw yung isa sa mga superfans ko na halos lahat ng detalye tungkol sa akin alam, siguro dapat sabihin ko muna yung mga basic facts tungkol sakin:

Full name: Aveline Leisel de los Santos

Nickname: Avie, Avs, Batang maliit (kung kuya kita)

Birthday: June 26, 1996

Age: turning 17, as of 06/4

Year sign: Year of the Rat

Zodiac sign: Gemini

Occupation: movie-watcher, tv-show addict, Doctor Who/Sherlock/Benedict Cumberbatch afficionado, professional procrastinator, nerdfighter forevs <3

Shet. Parang autograph book lang. Yung tipong pinapasa-pasa sa buong klase tuwing may lecture?

Anyway.

Aaaaaannnnd... naubusan na ako ng kwento. Ano nga ba ang mga bagay na kinukwento ng isang tao sa kanilang autobiography?

Sabi ng outline ko dito, childhood daw. Edi childhood.

Pero disclaimer: contrary to popular belief, talagang boring po ang buhay ko. Kahit na madaming chika at kontrobersya, atbp, wala. Boring ang buhay ko. Boring ako na tao.

So... yes. Childhood.

One word: madumi.

Sabi kasi nila mama, palagi raw talaga akong madumi nung bata pa ako. Everyday daw, may dumi sa mukha, sa paa, sa damit. Banned nga ang puti sa bahay namin eh.

Tatlo kasi ang mga boys sa bahay. Yung eldest, si Aldwich-Alle tawag namin sa kanya. 21 na siya, fresh graduate. As of now, ang trabaho niya, driver ko. Medyo wala pa kasi siyang nahahanap na trabaho eh.

Yung pangalawa naman si Adolfo. Nickname niya sa bahay Ado, pero tawag sa kanya ng mga kaibigan niya A.D., para daw "cool". Pssh. Hindi siya cool, ako na magsasabi nun. Ado, kung binabasa mo 'to (sure ako binabasa mo 'to) hindi ka cool. Anyway, isang taon lang agwat namin, kaya hindi ko na siya kinu-kuya. Ok na yung Ado.

Pagkatapos niya, ako, si Avie. Tapos yung last, si Adriel, 3 years younger sakin. Siya yung may pinaka-normal na pangalan sa aming tatlo. Parang anghel pakinggan. Pero sa totoo lang, si Adde yung worst sa amin. Pinakamakulit. Pinakamaraming trip. Pinaka... ewan. Basta. Siya yung pinaka!

Ayun. Yun ang tatlo kong mga kapatid. Ako ang nag-iisang babae sa apat.

Sapat na ata yung dahilan kung bakit palagi kaming madudumi nung mga bata kami?

Tamang-tama lang yung bahay namin. Hindi mansyon, pero hindi rin yung tipong one-room house. Share ng kwarto sina Mama at Papa, tapos sina Ado at Adde. May sarili akong kwarto kasi babae ako, pero di naman masyadong malaki. Si kuya Alle rin, kasi siya yung pinakamatanda.

May maliit kami na garden sa may likod ng bahay, and let me tell you, ang hirap maki-share ng isang maliit na garden sa tatlong mga makukulit na lalaki. Pero in fairness, nag-work rin naman. No choice eh. Either you make it work or you don't.

Isa sa pinakamahilig na gawain ng aking mga mababait na kapatid ay ang magtapon ng dumi sa akin. Madalas si Ado tsaka si Adde pinagtutulungan ako, tapos sisigaw ako, tapos maririnig ni kuya Alle, at siyempre sakin siya kakampi, para daw fair. Kaya ayun, palagi kaming nagkakaroon ng dirt fight sa labas ng bahay. Kawawa nga yung grass doon, eh. Walang green na tumutubo doon kasi ginagamit namin yung lupa para ammo.

Anyway, alam ko namang selos lang sila kasi ako yung prinsesa ng bahay.

Di nila keri beauty ko, mga ogag.

Aside from madumi, maingay rin ang bahay. As in, MAINGAY, sobra, di ko kaya. Milagro nga at hindi pa ako bingi ngayon. Sigaw kami ng sigaw sa bahay noon, actually hanggang ngayon, kapag kaming lahat present. Maraming mga asaran, mga away na di naman talaga away, bukingan, you know na.

Basically, kung ano man ang ine-expect mo galing sa apat na magkakapatid na sobrang close sa isa't-isa.

In short, ang family ko, masaya.

Si Mama, isang professor sa may university. Naaalala tumutulong pa kami sa kanya tuwing nagco-correct siya ng mga test paper. Pero isa sa mga perks ng pagkakaroon ng isang teacher na nanay, siya ang magiging tutor mo. Iwas gastos rin.

At hindi marunong magluto si Mama. Si Kuya Alle ang nagluluto sa bahay. Si Kuya Alle 

Si Papa naman, isang dentist. Dahilan kung bakit mapuputi ang mga ngipin ko. Kontrolado nga niya yung mga sweets sa bahay eh, tsaka nung 3 years old ako, talagang tatlong oras naming pinag-aralan ang tamang paraan ng pag-brush ng ngipin.

May pagka-strict rin si Papa, especially sakin, kasi ako yung only girl. Madali siyang mag-worry, tsaka paranoid ng onti. Pero labs ko pa rin yun, whatever happens. Siyempre, papa ko yun eh.

So... ayun. Yun ang family ko. Silang lahat ng nakatira sa bahay namin ngayon. Marami pa akong mga cousins + other relatives, pero mapupuno ang libro tungkol sa kanila kung hindi ikukwento ko silang lahat sa inyo.

Pansin ko lang guys, ah. Parang ang laki talaga ng mga pamilyang Pinoy. Pati yung mga pinsan ng pinsan mo, kilala mo pa rin. Somehow, konektado ang lahat sa isa't-isa. Paminsan nga, pati yung mga hindi mo pamilya, nagiging pamilya mo na rin. Siguro yan yung dahilan kung bakit masisiyahin tayong mga tao. Kasi kahit na anong mangyari, may mga karamay tayo. Malaki ang pamilya eh.

It's just a really nice feeling, knowing that you're not alone.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Hi bros. :) Musta school? Wala na kaming school dito. MWAHAHAHAHAHAHA. In yo fez. :P

Anyway, eto na siya. Sorry kung di masyado exciting + sobrang late na upload. Halos nakalimutan ko na 'to eh. Ehehehehehe...

Actually, puros lang talaga 'to kwento ni Avie, so... yeah. Bear with me na lang. Mas magiging interesting 'to pagdating ni -ehem- pramis. :D

Yun lang. Ahahahaah. Vavaaay!

On The RiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon