Chapter 4: Newspaper clippings.

94 6 4
                                    

Chapter 4: Newspaper clippings

 May 28th

Mahilig ako magbasa ng news–kung bakit, hindi ko rin alam. Halos lahat naman ng mga news sa newspaper, puros mga negative. May binagyo/binaha/nasunugan/insert tragedy here. Puros mga negative na mga bagay, sobrang sakit sa puso.

Kahit na world news, depressing. May crisis sa ganitong bansa. Mga protestang nauwi sa karahasan sa isang nasyon. Mga taong namamatay sa gutom. Puros negative lahat.

Sabi ko naman sa inyo, diba? Nega ako. Na ewan ko kung bakit.

Pero anyway, habang nagbabasa ako, may napansin akong isang pangalan sa may entertainment section. Sobrang weird ng feeling, ang makita ang pangalan niya sa newspaper.

Love Triangle? Newcomer Benedict Sarmonte completes cast for upcoming kapamilya teleserye

Naka-attach doon ang mukha ni Ben, siyempre nakangiti ng malaki. Almost unconsciously, napangiti rin ako. Hanggang ngayon, naaapektohan pa rin ako ng kanyang ngiti.

Hindi ko na binasa ang article. Alam ko naman kung anong mga nakalagay doon, eh. Mga facts tungkol sa kanya, mga bagay na siguro ay hindi pa alam ng mga tao. Age, talents, kung saan nanggaling, kung paano na-discover. Parang ganun rin yung unang article na nasulat tungkol sakin, eh.

Naalala ko, nasa jeep kami nun ni Ben papuntang school. Nung panahong yun, wala pa masyadong nakakakilala sakin, kaya may oras pa ako pumunta ng school at pwede pa akong mag-jeep.

Binabasa ko yung newspaper ko, at bigla ko na lang nakita yung pangalan at mukha ko sa entertainment section. Isang bagay tungkol sakin: tuwing nasha-shock ako, natatahimik lang ako. Nanlaki ang mga mata ko, at nawalan ako ng kibo. Tapos ay kinalabit ko si Ben, tapos tinuro ko yung newspaper.

Langya yung lalaking yun. Pinagkalat pa naman sa buong jeep na may article ako sa newspaper. Ayun tuloy, nagsipag-tinginan yung mga tao.

Sobrang proud ni Ben sakin nung time na yun. Alala ko, ang laki laki ng ngisi niya nun. Wala siyang hiya na ipagkalat na ang girlfriend niya, nasa newspaper, nasa TV. Kahit na may iba akong ka-loveteam, sobrang support pa rin siya sakin. Lahat ng episodes ng mga show ko, pinapanood niya, at alam mong nanonood talaga siya kasi may sabay pang mga comment. He was the ultimate fanboy.

Maybe not the perfect boyfriend. Medyo seloso, paminsan makulit, palaging nagsasalita. Malaki bibig nun, eh.

Nakaka-miss rin siya paminsan.

Tingin niyo, anong nakain nun at pinasok niya ang showbiz?

Especially since yung pag-artista ko rin ang naging dahilan ng pag-break namin?

--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--

Nakuha ko na yung first script namin para sa Two Doors Down. June 3 magsa-start ang shooting namin, which is Monday next week. Kakatapos ko lang basahin yung unang episode.

Nakakaloka yung una naming scene ni Ben. Sa storyline kasi, kaming dalawa ang bully ng eskwelahan. Parang may pagkaintindihan kami, pero hindi rin naman kami kaibigan. Ayaw ni Manny sa kanya, pero may gusto si Jack kay Manny.

Ilang beses susubukang suyuin ni Jack si Manny, pero ang sagot naman ni Manny puros lang no. Ayaw na ayaw nito. Eh, paminsan, medyo mapilit si Jack, kaya ayun tuloy, nasisipaan.

Anyway, sa first scene naming dalawa, mag-aaway kami. Naglalakad si Manny, tapos tinawag siya ni Jack, tapos biglang tatanungin nito kung gusto ba nitong makipag-date. Si Manny naman, pakipot, kaya iirap lang at magwa-walk out. Pipigilan siya ni Jack. Mag-aaway. Ending, masasaktan si Jack sa... you know na.

On The RiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon