Chapter 2: Headliners

176 10 6
                                    

Chapter 2

22nd of May

Kapamilya Princess Avie de los Santos Lands a New Teleserye!

Nakita ko lang yang headline ngayon sa newspaper namin.

Ayon sa news article, si Izak Ferrer pa rin daw ang ka-loveteam ko, at kasama rin daw namin sina Calvin Jesus at Mynah Estrada. Which is true. Kasama nga namin sina Calvin at Mynah, at si Izak nga ang aking magiging ka-loveteam doon.

Sigurado ako na madi-disaapoint ang mga HarVie na fans kapag nakita nila yun. Yung mga fans namin ni Harry Madreta.

Actually, kami talaga actually ni Harry ang naunang nagkasama. Nauna kaming napares sa Kailan Ka Babalik, yung pinaka-first kong teleserye. Kahit na parang secondary cast lang kami, medyo marami-rami rin kaming nakuha na mga fans. Pagkatapos noon, yung MMK ko na episode. Maraming nagsasabi na doon daw talaga ako unang napansin ng madla. I agree, to be honest.

Siguro naaalala pa ng marami sa inyo yung isang episode ng MMK kung saan ako naging schizoprenic na teenager. Doon ko talaga unang nagamit yung lahat ng mga "skills" ko bilang isang aktres. Pero isa pa rin yun sa pinaka-memorable na mga projects sa buong buhay ko. Yun kasi yung unang beses na nakatrabaho ko si Miss Bea Alonzo, ang super idol ko mula nung pagka-bata.

Close na kami nun ngayon. Ate ko na siya. Wala lang, kwento mode lang. ;)

Pagkatapos nung MMK, nakakuha naman ako ng role sa isa nanamang show, pero sitcom na lang, at this time isa na ako sa mga bida. Imprints yung title, tungkol sa tatlong mga magbe-best friends na puros nerd at outcast sa eskwelahan. Alam niyo yung typical na youth-oriented show, yung mga light comedy lang, tapos maraming romance. Pero may mga seryoso rin na lessons, mostly about bullying, kasi nga puros sila mga "nerds" at "losers" kumbaga.

Siguro sa lahat ng mga projects ko, yun naman yung pinaka-masaya, kasi puros lang mga ka-age ko tapos sobrang bait pa ng mga tao, at siyempre nakakatuwa yung mga scenes na ginagawa namin.

Doon nauso yung AvZak, yung tandem namin ni Izak Ferrer. In fairness, nag-click naman kami, at nakakuha rin ng medyo malaki-laking fanbase. Actually, nung natapos nga yung show, nag-offer sila ng isang movie samin ni Zak, eh.

So anyway, pagkatapos ng Imprints, nakakuha ako ng movie, isang adaptation ng Beauty and the Beast, kaso lang may twist. Sobrang cool nga eh, kasi ginawa nila akong isang manananggal. Si Zak pa rin ang naging tandem ko doon, at in fairness, naging succesful naman siya. Doon ko lang na-realize na malaki-laki na rin pala ang aming fanbase. Naging box-office hit ang movie.

By that time, kilalang-kilala na ako sa mundo ng showbiz; marami na akong mga ine-endorse, ilang billboards ang nagpapakita ng mukha ko, at ilang magazines na ang nag-feature sakin. I was the newest, hottest face in the industry; I was the one to watch for.

Kaso lang, hindi ko namalayan kung gaano kalaki ang presyo ng pagsho-showbusiness. Kasama ng pagsikat ko ay marami ring mga bagay na nawala sakin. Mga taong nawala sakin.

Pagkatapos ng Halimaw, ilang buwan rin akong nag-lie low sa trabaho. Tinapos ko yung high school, kinailangan ko kasing tumigil sandali dahil sa sobrang busy. Siguro kasi hindi ko naman talaga iyon ginusto, at hindi ko rin in-expect na magiging ganito ang buhay ko. Siguro dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari, na hindi ko na namalayan kung ano ang narating ko at kung anong mga nangyari sa akin.

The realization just simply hit me, and it all came crashing down.

Ilang buwan rin bago ko tinanggap yung next ko na role sa isang indie film.  Tungkol iyon sa isang  babaeng obsessed sa kanyang hitsura, na kahit ano na lang ginagawa niya para pagandahin ang sarili niya. Sobrang heavy nung movie na iyon, maraming mga scenes na hindi pang-bata. Nakakatakot nga, eh, kasi alam mong totoo yung mga pangyayari sa pelikula.

Si Harry ang kasama ko noon. Sa totoo lang, nasiyahan nga ako na siya ang nakasama ko, kasi nakaka-miss rin naman siya. Marami rin kaming pinagsamahan, at medyo nakalimutan ko na rin kung gaano ka dali ang makitrabaho at makisama sa kanya.

And then, siguro mga three months ago, nakakuha ako ng tawag galing sa handler kong si Ate Mars. Nakakuha ako ng offer sa isang teleserye, na ako ang leading lady.

Siyempre, dahil hindi ako baliw, kinuha ko yung offer. Ilang linggo din nilang pinagtalunan ang issue tungkol sa kung sinong magiging leading man ko. Ilang linggo silang nag-debate, nag-research, at nag-isip kung sino ba ang mas magandang choice para sakin.

Siyempre ako, nandoon lang, tahimik na nanonood. Wala kasi akong tiwala sa sarili pagdating sa mga ganun. Besides, I don't think my opinion would count very much.

In the end, si Zak ang nanalo. Pero apparently, may isa pa daw lalaking makikisama, isa sa mga bagong talents na na-scout ng management. Hindi ko pa siya nakilala, ni pangalan di ko alam. Pero supposedly mabait naman daw, at marunong pang kumanta.

Anyway, how bad could he be? Siguro naman kung ang management ang pumili sa kanya, hindi naman siya ganun ka sama.

Yeah.

Right.

--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--

Hindi ako makatulog, kaya naisipan kong magsulat na lang muna. Para at least may dahilan ang pagpupuyat ko.

Ala una na ng madaling araw, pero hindi pa ako pagod. Sigurado akong pagbabayaran ko rin 'to  bukas-slash-mamaya kasi may shoot ako para sa isang magazine, tapos may story conference pa pagkatapos.

It's another one of those days again. Alam niyo yung tipong kahit na anong gawin mo, kahit na uminom ka ng isang litro ng mainit na gatas, kahit na gaano kapagod ang mga mata mo, hindi mo kayang matulog?

Nakakainis nga eh. Kailangan ko nang matulog. Kaso hindi ko kaya.

Hindi ko kasi mapigilang mag-isip.

Confession time: takot ako. Kinakabahan.

Bagong teleserye, eh. Teleserye. Primetime. Madalas kasi, mga heavy drama yung pang-primetime. Yun yung mga pang-pamilya na shows, o di kaya para sa mga taong mahilig sa drama.

Mas more on love story yung sa amin. Feeling ko nga pang-movie yung plot, eh. It wasn't something that was traditionally done on TV. Lalong-lalo na sa primetime. Hindi pa ako pinayagang na sabihin yung plot, pero masasabi kong this time, kakaiba nanaman yung character ko. Hindi yung typical na mga babaeng nakikita niyo.

Pero most of all... kinakabahan ako sa mga makakatrabaho ko.

Magki-click ba kami ni Izak?

Makukuha kaya namin ang mga atensyon ng mga viewers namin?

Magiging successful ba ang tandem namin?

Tapos may isa pang lalaking isasali nila. Anong magiging kalabasan nun? Pano kami maaapektuhan? Sino yung lalaki?

Posible kayang... siya yun?

Tsk tsk, Aveline. Wag ka nang mangarap. As if naman magka-interes yun sa showbiz...

Ewan ko ba. Masyadong maraming mga bagay ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ko mapigilan ang mag-wonder. Sobrang dami ng mga pwedeng mangyari.

I'm scared of all of them.

Especially the ones that I'm hoping would come true.

--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--

Hayoooooo! Wow. Sorry sobrang tagal ng mga UD ngayon. Waleys, eh. Medyo mahina pa powers ko. XD

Try ko na mas mabilis matapos yung susunod. More or less kasi, alam ko na kung anong mangyayari. At kung hindi man, well... yeah. :D

And! Survey: yung mga "teleserye" at "movies" na pinagbidahan ni Avie. Kumusta yun? Tingin niyo ba dapat ko yung isulat? :P

Also: sa mga old readers ko. May isang story na ibabalik ko. Get excited. :D

So... yeah. Yun lungs. Vavaaay! :)

On The RiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon