Chapter 6: Walang hiya

34 1 3
                                    

Chapter 6:


ANO KA BA AVELINE LEISEL ANONG SINABI KO SAYO SABI KO IWASAN MO YUNG CHEESE STICKS OK IWASAN HINDI UBUSIN AYAN TULOY NAPAGKAMALAN KA.


Hindi, guys. Ganito kasi yun.


Hapon na yun. Meron na rin kaming mga eksenang na-shoot. Pati yung pagsipa sa "ehem" ni ehem. You know na.


Siyempre, 11 pa kami nag-lunch, tapos onti lang rin ang kinain ko. Gutom na ako noon. Kaya obviously, naghanap ako ng pagkain.


Pagtingin ko sa table, maraming food. Malamang. May cake, brownies, chocolate, kaso gusto ko yung medyo salty. Like maybe... cheese.


Tapos, may nakita akong isang tupperware. May cheese sticks.


At dahil may pagka-agag ako, hindi ko na tinanong kung sinong nagdala. Basta alam ko may cheese sticks at gutom ako at hinahanap-hanap ng katawan ko ang cheese sticks. So kumuha ako. At nung hindi pa ako nabusog, kumuha pa ako. Hanggang sa wala nang naiwan, kaya cake nanaman ang kinuha ko.


Tapos pumasok si Ben at si Zak. May pinag-uuspaan, something, I don't know basta on good terms sila sa isa't-isa. Nakita nila ako sa may table, kumakain ng cake. Langya si Ferrer tinawanan ako, sabi sakin na baboy ako. Eh kung baboy nga ako, walang magawa, gutom eh.


Anyway, pumunta rin sila sa table para kumuha ng food. Si Izak kumuha ng cake, kasi malakas yung sweet tooth nun eh. Eh si Ben, hinahanap yung peborits niya. Siya nga daw kasi ang nagdala nung cheese sticks, eh.


Yung cheese sticks na lumanding sa loob ng tiyan ko.


Oops.


Siyempre wala naman akong idea na sa kanya pala yun, noh. Natulog ako eh, kasi wala akong tulog kahapon.


So ano, anong gagawin mo kapag inubos mo ang dinalang cheese sticks ng kasamahan mo?


Well...


Parang ganito yung nangyari.


Ako: Hala?!?! Sayo pala yun?

Ben: Um... oo? Bakit?

Ako: Ehehehehe... sorry?

Ben: Ah, ikaw yung umubos?

Ako: SORRY!! AS IN SORRY TALAGA!! PLES WAG KANG MAGALIT DI KO NAMAN SINASADYA GUSTONG GUSTO KO LANG TALAGA NG CHEESE STICKS EH DI KO NAMALAYAN NAUBOS KO NA PALA SORRY SORRY DI KO SINASADYA PLEASE PATAWARIN MO NA AKO HUHUHUHUHU T.T 

(ok fine so medyo slightly exaggerated. Parang ganito talaga yung nangyari)

Ako: Ah, eh, naubos ko na eh. Sorry. Di ko naman alam na sayo pala yun. Sorry talaga ah. *peace sign*

Ben: Aaahhh. Ok lang, ano ba. Cheese sticks lang naman yun eh.

Ako: Ano, magpapabili na lang ako, para makakain ka rin. Favorite mo pa naman yun.

On The RiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon