Chapter 3: Pessimism, words, and your new co-star

176 12 7
                                    

Chapter three: Pessimism, words, and your new co-star

May 24th

Gusto kong magkwento sa inyo. Para naman hindi kayo ma-bored.

Once upon a time, may isang mahiyaing babae. Sa sobrang mahiyain niya, halos wala na siyang mga kaibigan. Madalas ay hindi na siya pinapansin ng kanyang mga kaklase niya. Mag-isa lang siyang sa classroom tuwing break time, o di kaya ay nagbabasa ng libro sa library.    

Hindi siya isang tao na hilig mapansin. Mas gusto niyang nasa background lang, nakatago sa mga tao. Ayaw niya ng atensyon. Ganun siyang klaseng babae.    

Siyempre, dahil may babae, dapat, may lalaki rin. Equality, mga kababayan. Para masaya.    

Itong lalaking ito naman, more or less opposite ng babae. Mas kilala ito sa campus, dahil sa sobrang pagka-friendly nito. Halos lahat ng mga studyante, galing pre-school hanggang sa college students, kaibigan niya. Walang pili-pili. Medyo may pagka-politika nga, eh. Pwedeng-pwedeng tumakbo bilang presidente.    

(Spoiler alert: actually, nung Student Council elections, tumakbo siya bilang President. In fairness, napanalunan niya rin yung pwesto. Politika nga!)    

Anyway, dahil hindi ako magaling gumawa ng storya, cliché ang magiging meeting nila.    

Isang araw, nabunggo ni lalaki si girl. Eto kasing babaeng 'to, hindi tinitingnan ang dinadaanan kasi busy nagbabasa ng libro.    

Kaya ayun. BLAGSH! BOOM! KAPOW! Kayo na bahala maghanap ng special effects niyo. Basta nagkabungguan sila, ok?

Siguro dahil nagmamadali silang dalawa, medyo malakas yung impact. Ayun tuloy, nahulog si babae at si lalaki.    

At dahil mabait si lalaki, tinulungan pa niya si babae na tumayo.    

At dahil mahiyain si babae, isang napakahinang "sorry" lang ang nasabi niya. Pulang-pula na siya sa mukha, eh.    

Kinuha ni lalaki yung libro ni babae na nahulog rin sabay nila. Nang nakita nito ang cover ng libro, natawa ito.    

"Kaya naman pala. Sige, enjoy mo lang sina Frodo. Basta wag lang habang naglalakad. Delikado eh. Ha?" Nginitian si babae ni lalaki ng malaki.    

Siguro hindi niyo naiintindihan ng maayos, kaya ita-try kong i-explain ng maayos ang naging sitwasyon ni babae.    

To put it simply, may magic ang ngiti ni lalaki.    

Ito yung tipong ngiti na nakakatunaw, nakakakilig, nakakapagaan ng damdamin, nakakapagbigay ng energy. Yung tipong kapag nakita mo iyon, nakakalimot ka sa lahat ng mga problema mo. Yun ang ngiti na may mga therapeutic properties, pero may mga addictive properties rin.    

It was a smile that could light up the whole world if it wanted to.    

(Not literally)    

Na-speechless si babae, kaya tumango na lang siya. Pagkatapos ay umalis rin si lalaki.    

At doon nagsimula ang isang napakalaking crush na naging isang napakagandang relasyon na naging napaka-complicated rin.    

Happy endings? Di uso yun dito.

Happy endings are for dead people.

--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--.--

Ayokong iniisip na nagative akong tao.

Kaso lang, negative naman talaga akong tao. I always expect the worst outcomes in life. Hope for the best, expect for the worst, kumbaga.

On The RiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon