=EXPERIENCE 16=

18 1 0
                                    

A/N: Here's a good pick of music for this chapter: 'Mahal na Mahal kita' by Sam Conception

Enjoy reading!

oooooo

Pagdating ko sa dalampasigan, napansin ko na wala siya sa lugar na kung saan ko siya iniwan. Pumihit-pihit ako at parang hinampas ang puso ko sa kaba nang hindi ko siya masumpungan. Binaba ko agad ang mga paperbag na hawak ko atsaka ako tumungo sa kotse.
Binuksan ko agad ang kotse para tignan kung nasa loob siya pero wala siya. Halos iluwa ko na ang ngalangala ko sa kakasigaw sa pangalan niya pero walang lumalapit o nagpapakita man lang na Mona. Bumalik ako sa puwesto ng mat kung saan ko nilapag ang mga dala ko.
Nagsisimula nang kumabog ng todo ang dibdib ko. Naiipit na ang baga ko. Halos hindi na mapinta ang mukha ko dahil nagsisimula na akong mataranta. Pero napatalon ako sa gulat nang may bigla tumusok ng tagiliran ko.
Pagharap ko, naabutan ko si Mona na tumatawa. Bigla na lang akong napayakap sa kanya ng mahigpit. Para akong nabunutan ng mga tinik sa dibdib, "saan ka nagpunta? Hindi ba ang sabi ko dito ka lang? Tinakot mo 'ko!" Kinakabahan kong ani sa kanya. Medyo tinulak niya ang dibdib ko at sinapo ang magkabila kong pisngi, "naki-ihi lang ako. Ang bait nga ng tagabantay do'n kasi hindi niya na 'ko pinabayad kahit limang piso kada gamit ang bayad do'n. Natakot pa nga yata sa 'kin no'ng una akong makita, eh," paliwanag niya. Pagbitaw niya sa pisngi ko, ngumiti siya. Dahil sa ngiti niya, kumalma na ang kanina kong kinakabahan na puso. Huminga ako nang malalim at hinawi ang buhok niya papunta sa likod ng tenga niya. "O, sige na. Bumili na 'ko ng pagkain natin. Kumain na tayo." Atat siyang naupo sa mat at binuksan isa-isa ang mga paperbag.
Pagkatapos niyang ihain ang pagkain namin, nanalangin siya at nagsimula na kami kumain. "Na-miss kong kumain ng ganito, Cookies," ani niya bago sumubo. "Talaga?" Tanong ko at tumango siya na parang bata. Bumili na lang ako ng Chicken with rice saka dalawang Ice tea. May isang paperbag kaming hindi binuksan. May laman 'yon na tatlong Egg pie saka dalawang C2 na binili ko sa katabing bakery ng Mcdo para kung sakali na magutom siya mamaya, may kakainin pa siya.

Pero mga ilang sandali, may lumapit sa 'min na batang lalaki na medyo punit ang damit, madungis at walang saplot ang paa. Hindi nagsalita ang bata pagpihit namin. Inilahad niya lang ang palad niya. Binaba ko muna ang kinakain ko. Binaba ni Mona ang pagkain niya at kinuha ang paperbag mula sa likod ko saka inabot sa bata, "kumain na ba kayo?" Tanong ni Mona sa bata. Pumihit-pihit ang bata. Inabot ni Mona ang hawak niya at inabot sa bata. Ngumiti si Mona saka kinuha ulit ang pagkain niya. Napatingin ako sa pagkain ko. Bago tumalikod ang bata sa 'min, tinawag ko siya, "Saglit, ading," nakaka-dalawang subo pa lang naman ako sa kinakain ko kaya sinara ko 'yung kahon na kinakainan ko at inabot sa bata. Napangiti 'yung bata at mahinang nagpasalamat. Halatang paos 'yung bata.
Sinundang-tingin ko siya at nakita ko siyang inabot niya agad sa tatlong bata na mas maliit sa kanya 'yung binigay ko. Mga kapatid niya siguro ang mga 'yon. Pagbuhat ng bata sa isang kapatid niya, lumakad na sila. Pagtingin ko kay Mona, nakangiti siya sa 'kin, "baka magutom ka mamaya." Sambit niya, "okay lang. Makita lang kita, busog na busog na 'ko." Napangisi siya sa banat ko saka ako tinulak ng mahina, "kahit na. Bumili ka ng pagkain mo. Ayaw kong malipasan ka. Magtatampo ako--sige." Sambit niya kaya tumayo na 'ko. "Bibili na lang ako ng lugaw do'n. Dito ka lang. Baka mawala ka na naman." Tumango siya at saka ngumuya. Bumili na lang ako ng lugaw. Hindi ko na pina-plastik kasi siya pang kalat. Sinabi ko na lang na malapit lang naman ang puwesto ng pagkakainan ko. Kinantyawan pa 'ko ng tindero na baka hindi ko daw isauli 'yong malukong nila kaya napakamot na lang ako sa batok ko. Pagbalik ko, nakita kong halos patapos na si Mona sa kinakain niya. Umupo ako sa tabi niya.

Nang matapos na kaming kumain, itinabi ko na ang mga pinagkainan namin. Nakaakap si Mona sa braso ko at tahimik naming pinagmamasdan ang nagninigning na alapaap na rume-repleksyon sa malikot na tubig-dagat. "Ang sarap talaga kumain 'no?" Tanong niya. Napangisi naman ako sa sinabi niya, "kung wala ka lang sakit--hula ko--ang taba mo," asar ko. Narinig ko lang siyang tumawa ng mahina, "mas gusto mo bang mataba ako?" Tugon niya. Tumango ako, "oo. Para may makurot naman ako sa 'yo." Ngumisi siya at siniksik niya pang lalo ang sarili niya sa 'kin. "Sige. Magpapagaling ako para tumaba ako nang may mapisil ka sa 'kin." Pareho kaming napabungisngis. Pinatong ko naman ang ulo ko sa kanya. "Alam mo, sa mataba o sa payat ka, okay lang sa 'kin. Basta lagi kitang kasama." Napatingala siya sa 'kin saka pinisil ang ilong ko. Nakangiwi ako hanggang sa bitawan niya na ang ilong ko. "Kanina ka pa bumabanat. Kinikilig na 'ko ng todo--alam mo ba 'yon?" Sabi niya kaya natawa na lang ako.
Mayamaya, naalala ko 'yung binili kong kwintas. Medyo umupo ako ng tuwid. "Sya nga pala," bumitaw siya sa pagkakahawak niya sa 'kin at tumingin sa kamay ko na patungo sa bulsa ko. Nang makuha ko na ang munting kahon mula sa bulsa ko, binuksan ko 'yon saka ako lumapit papunta sa likod niya. Binunot ko ang munting espada na nakatarak sa puso at nilagay muna sa loob ng munting kahon. Madali kong nabuksan ang maliit na lock ng kwintas na puso. Nang tumapat sa mga mata niya 'yung kwintas, narinig ko siyang napasinghap sa tuwa. Nang tuluyan ko ng naisara 'yung lock, humarap ako sa kanya at inayos ang buhok niya na nakapaloob sa tali ng kwintas. Kinuha ko naman ang kapares ng kwintas na suot niya at sinuot ko sa leeg ko. Pagkatapos kong makabit ang akin, tinignan ko ang kwintas na nasa leeg niya at napangiti, "sabi ko na nga ba. Nang nakita ko 'yan kanina, alam kong babagay 'yan sa 'yo." Hinawakan niya ang pendant ng kwintas at tinignan. Nang tumingala siya sa 'kin, ikinulong niya ako sa mga bisig niya. "Thank you, Jaylor!"

"Your welcome..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sumingit ang alingawngaw ng maingay na paputok mula sa kalangitan. Napatingin siya sa harap atsaka tumingala. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang makukulay at sunod-sunod na palamuti sa kalangitan. "Wow!" Napatayo siya sa sobrang mangha. Tumayo na rin ako at tumingala, "parang ngayon ka lang nakakita ng fireworks, ah?" Tanong ko, "oo. Ngayon lang uli," she said while she was still watching the colorful fireworks at the sky. She didn't notice that I'm only staring at her. Her smile was sweet and innocent. I can't believe that I made her happy than I've imagined. Additional thanks to the firework display although I didn't expect this either. Kumikinang ang liwanag ng kalangitan sa mga mata niya. Sana ganito na lang siya. 'She don't deserve to be lonely' That's what my heart is yearning for her.
Pero sa sobrang kakatitig ko sa kanya, hindi ko namamalayan na tinatawag niya pala ako. Hindi pa humuhupa ang mga firework display. "...kies? Bakit ka nakatitig sa 'kin?" Tanong niya. Napahinga ako ng malalim. Nagsimulang kumawala ang mga paruparo sa dibdib ko. At biglang bumilis ang pintig ng puso ko nang ngumiti siya. Hindi ko namamalayan na papalapit na ako sa kanya. Nang halos kalahating pulgada na lang kami mula sa isa't isa, hinawi ko ang buhok niya na pinaglalruan ng hangin para husto ko pang masilayan ang mga paboritong kong titigan na mga mata.
Naririnig ko na pahina na ng pahina ang mga paputok sa kalangitan. "Mona..." Dahan dahan kong nadadama ang paglapit ko hanggang sa dumampi ang labi ko sa malambot at maligamgam na bagay.

Halos ilang segundo akong nakapikit at hinayaan ang sarili na matagay sa sandali na 'yon bago ako lumayo sa kanya. "Jay, pwedeng pakisapak mo nga ako?" Napakunot ang noo ko, "o? bakit?" Pumihit siya at ngumiwi na parang naguguluhan, "baka kasi nananaginip lang ako." Sinapo ko ang kaliwang pisngi niya at tinignan ko siya sa mga mata. "Hindi panaginip 'yung paghalik ko sa noo mo 'no," nakangiti kong ani sa kanya. Nanliit naman ang mga mata niya at napakislot. "Hayun na nga 'yung problema, e. Baka sa sobrang kilig ko, nagkamali 'yung hahalikan mo. Baka dapat lips ko 'yung mahahalikan mo." Napamulat ako at napamaang, "ha?!" At tuluyan na akong bumunghalit. "Ang kulit talaga ng mga hirit mo, Chocolate ko." Ngumuso siya kaya hinawi ko ang ilong niya.
Tumingin naman siya sa 'kin, "sa ngayon, 'yan muna. Okay?" Nagbuntong-hininga siya at tumango. "Okay," at ngumiti siya na parang paslit. "Nanghinayang lang ako bigla. Napapanood ko kasi sa T.V na sa ganitong mga scenes e, kini-kiss ng boy 'yung girl sa lips. I just find it so romantic," kwento niya na parang batang kinikilig. Napangisi naman ako at tinaasan siya ng isang kilay, "at akala mo naman, gagawin ko 'yon?" Pinihit-pihit niya ang katawan at nag-puppy eyes siya sa 'kin, "it's embarrassing pero... oo. I'm expecting that you'll do that." Kinulong ko na lang siya sa bisig ko at tinignan siya, "you know, na te-temp ako na halikan ka minsan, e. But... I'm a gentleman and I need your permission before I kiss that sweet lips of yours."

"Wow. You know, your sweet. In a weird way." Napangisi na lang ako. "Like I told you before," kinabig ko siya bigla palapit sa 'kin and I held her chin up close to me, "that's my way to steal a maidens heart, sweet heart. Saka tama na ang english-an. Dudugo na ang ilong ko." Humalakhak siya sa sinabi ko at inilapit niya ang sarili niya sa dibdib ko. Kahit may mga tao akong napapansin na nakatingin sa 'min, dedma lang ako.
Habang yakap ko siya, naalala ko na naman ang usapan namin. Isang kontrata na naging totohanan. Naalala ko rin ang hiling ko sa kanya na tulungan niya 'kong enjoy-in ko ang buhay ko kung malapit na 'kong pumanaw.
Sa totoo lang, kinilabutan ako nang una kong sinabi 'yon dahil magsisinungaling lang ako kung hindi ako nangamba na baka tama nga siya at baka nalalapit na nga talaga ang oras ko. Pero ngayon, parang nagpapasalamat pa ako sa nangyari sa 'kin dahil simula nang dumating ako sa buhay niya, kung si Jessica ang tagabulabog ng umaga ko noon, siya naman ang naging tagasindak ng araw ko.
The way she annoys me, it makes me so amused and wanting more surprises from her. I can't imagine that in just a day that I met her, just a day we knew each other, just a day I courted her and just a day we hang out just the two of us, I admit to myself, she's the one I want to be with right now 'till forever. I don't care about the world now... Because we already made our own.

St.Vaskerville Memories: EXPERIENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon