=EXPERIENCE 22=

10 1 0
                                    

Halos mahigit isang linggo na ang nakakaraan mula nang pumanaw si Mona. Hanggang ngayon, nakatanim pa rin sa puso ko ang lungkot na sinapit ko nang kunin na sa 'min si Mona. Mas matindi pa ang sakit na naramdaman ko noon kaysa no'ng mamatay si Papa. At dahil sa nangyari, halos hindi ko na alam kung paano mabuhay. Halos hindi na ako kumakain ng tama. Hindi makatulog ng maayos sa gabi. Hindi nilulumbayan ng luha ang mga mata ko sa oras na nag-iisa ako. Halos nakatunganga ako parati na parang tungaw sa dating higaan ni Mona. Para akong sumabay sa pagpanaw niya. Hindi ko masisimulan na huminga sa isang araw nang hindi lumuluha. Halos maging permanente na ang pamamaga ng mga mata ko. Sabihin na nating lalaki ako--pero napakahalaga ni Mona sa buhay ko at hindi ko basta-basta matatanggap ang pag-iwan niya sa 'kin ng permanente.

At dahil napapabayaan ko na ang sarili ko, muntik nang mapunta sa kritikal ang lagay ko. Binibisita ako ng mga barkada ko pero hindi nila nakakasabay si Saimon dahil katulad ko, may pinagdadaanan din siya. Sa kabila nang pagkalumbay ko, nagpapasalamat ako at may mga kaibigan at pamilya ako na nasa tabi ko at handa akong samahan. Medyo nagsisimula nang gumaan ang loob ko makalipas ang ilang linggo. Pero hindi pa pala ako malalagay sa maayos dahil may mga bagay pa pala akong hindi alam tungkol kay Mona.
Habang abala ako sa pagtitig sa mga naglalarong ibon sa malalagong puno sa labas ng bintana, narinig ko ang kaluskos ng pintuan. Paglingon ko, nakita ko si Kuya Zack. "O, nangayayat ka, ah. Kamusta?" Sumagot ako na parang wala sa sarili, "magsisinungaling lang ako kung sasabihin kong okay na ako," napayuko si Kuya at bumagsak ang mukha, "I know. Condolence, Jay." Tumango lang ako. Sa totoo lang, wala akong gana na makipag-usap ngayon. Gusto kong mapag-isa. Nanahan ang panandaliang katahimikan sa pagitan namin bago siya nagsalita. "Nga pala. Jay boy, may hindi pa pala ako nasasabi sa 'yo. Kahapon ko lang nalaman 'to no'ng nalibing na si Mona." Napakunot ang kilay ko sa sinabi niya. Pinaupo ko siya sa tabi ko at tinanong ko kung ano 'yon. Inabot siya ng kalahating oras sa pagku-kuwento. Nang matapos sabihin ni Kuya sa 'kin ang lahat-lahat, pakiramdam ko, nautakan ako ni Mona. Dahil una, sabi niya, she just stayed at the hospital for 2 years, na hindi pala. Pangalawa, ang sabi niya, kulang siya sa dugo. Iyon pala, Cancer ang sakit niya. She's in the very critical stage. But all those things matter to me especially that I'm really down. Nang malaman ko 'yon, parang gusto ko na ring sumunod sa kanya. Pero naisip ko, I can't just do that without valid reason. Hindi 'yon sapat na dahilan para isilid ko ang sarili sa hukay. Bukod sa labag 'yon sa paningin ng Diyos, mabigat na kasalanan din 'yon.

Sinubukan kong bumalik sa dating normal na lakad ang buhay ko. Hindi naging madali pero salamat sa Diyos dahil tinulungan niya ako. I try my best to cheer up and I did succeed. Kahit alam ko sa sarili ko na may kulang talaga. After more than a week, gumaling ang infection ko at na-discharge na ako. At matapos ang isang buwan, ito ako ngayon sa bahay, inaayos ang mga gamit ko para sa pagpasok sa lunes. Kami lang ni Jes ang nasa bahay dahil umalis si Mama. Kinuha niya ang mga Star Gaizers na in-order niya galing pa sa Baguio. Sa kalagitnaan ng pag-aayos ko ng mga gamit ko, bigla kong narining na humiyaw si Jes mula sa baba, "Kuya! May bisita ka! Papapasukin ko ba?!" Napahinto ako sa ginagawa ko. Baka sila Rod 'yon. Halos isang linggo na 'rin ang nakalipas mula nang iligtas namin ang nanganib na puso ni Saimon, eh. Huminga muna ako nang malalim bago ako humiyaw, "Sige! Sandali lang 'kamo!" Alam kong maririnig ako ni Jes kasi nakabukas naman ang pintuan ng kuwarto ko. Agad-agad ko nang isinalansang ang mga gamit ko at inayos ko ang sarili bago lumabas ng kwarto. Pagkababa ko, hindi ang mga kabarkada ko ang nadatnan ko. Isang matandang lalaki na mga nasa 40+ na ang edad at naka-tuxedo ng itim na may dala-dalang attaché case. Kagalang-galang ang dating niya. Nang mapako ang tingin nito sa 'kin, tumayo siya at ngumiti k'onti. "Good morning, ihjo. Ikaw ba si Jaylor Ramzil?" Lumapit ako at inabot ang palad niya na nakalahad, "opo. Ako nga po. Maupo po kayo." Imbita ko sa kanya. Pagkaupo namin, tinawag ko si Jes at agad naman siyang lumapit sa 'min, "bunso, pakihandaan naman 'yung bisita natin ng miryenda, please." Tumango si Jes sa 'kin, "okay, Kuya." Nang pumunta na si Jes sa kusina, ibinaling ko na uli ang tingin ko sa bisita. Kung hindi ako nagkakamali, abogado 'to dahil sa ayos niya. Siya ang unang nagsalita sa 'ming dalawa, "kamusta na ang lagay mo, ihjo?"
"Maayos naman na po. Nga pala, sino po kayo? Puwede pong malaman ang pangalan niyo?" Tanong ko dahil hindi ko rin alam ang dapat itawag sa kanya. "Oh, sorry. I'm Attorney Guivara--Lance Guivara--ang family Attorney ng mga Traviala." Napakunot ako. Kahit kailan ay hindi ko pa siya nakita na bumisita kay Mona sa ospital. Napa-isip ako kung ano'ng sadya ni Attorney sa 'kin. "E, kung gano'n po, ano pong sadya niyo sa 'kin?" Diretso kong tanong kay Attorney dahil medyo kating-kati na rin akong malaman, e. "Nang huli kaming magkita ni Monaliza--ang kaisa-isang tagapagmana ng Traviala Group of Companies--ay nagpagawa siya ng kasulatan na if ever na mamayapa siya, mapupunta sa pangangalaga mo ang lahat-lahat ng ari-arian na namana niya." Pumintig ang mga tenga ko kasabay ang biglang pagmulagat ng mga mata ko.
'Ha?! Totoo ba 'to?!'
Nagugulumihanang tanong ng nagulantang 'kong utak. Habang nasa state of shock pa 'ko, may nilalabas na dokumento si Attorney na may Golden seal. Mukhang ito na siguro 'yung mga kasulatan na ginawa ni Mona. "Ito na ang mga ginawang Last Will ni Mona. Napirmahan niya na lahat ito at may seal of approval na rin. Pirma at thumbmarks mo na lang ang kulang, ihjo." Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Attorney. Ako? Maghahawak ng isang napakalaking kompanya? Anong malay ng isang high school student na tulad ko ang pagpapatakbo ng isang malawak na negosyo? Nagdadalawang-isip pa rin ako kung pipirmahan ko ba 'to--o hindi--dahil kung ano-ano ang lumilitaw sa utak ko na nagpapagulo sa 'kin.

Habang malalim akong nag-iisip, dumating na si Jes na may dalang tray ng miryenda na iniutos ko. Ilalapag na sana ni Jes ang tray sa lamesa nang may biglang umalingawngaw na tatlong malalakas na putok ng baril. Sa gulat ko, halos kasabay ko si Attorney na humandusay sa ilalim ng mga sofa kasabay nang paglaglaggan ng mga salamin--galing sa bintana na tinamaan ng mga bala--para makapagtago. Nakakalat na sa sahig ang bitbit na tray ni Jes. Nang wala ng sumunod na putok, dahan-dahan akong gumapang para hanapin si Jes. Nang makita ko siyang umiiyak na nakadapa sa likod ng upuan, agad akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya para patahanin. Naramdaman kong nanginginig siya dahil sa nakitang latak ng maraming dugo sa lapag. Tinignan ko si Jes at ang sarili ko kung galing sa 'min ang malapot na dugo. Wala naman akong tama. Maski rin siya wala. Nang maalala ko si Attorney, naghudyat agad ang isip ko na sa kanya nagmumula ang dugo. Tinanaw ko ang buong paligid. Nang makita ko sa Attorney, nakasandal ito sa paanan ng sofa habang hawak niya ang braso niya na duguan. Halatang namimilipit na siya sa sakit na dala nang pagkakatama sa kanya. Lalapitan ko na sana si Attorney nang may sumipa ng pintuan. Tinanaw ko kung sino ang garapal na pumasok. Isang lalake na naka-berdeng long sleeves. Moreno. Wala pa sa singkuwenta-mahigit ang tanda. Medyo may bigote ito at halatang sanay manakit. Pumihit-pihit ito sa loob ng bahay na ani mo ay may hinahanap. Nang mahagip kami ng mga mata niya, he worn a grin in his face. "Nakaabot ba ako sa pirmahan, Attorney?" Sarkastikong tanong niya na ikinahaginit ng katabi ko. "Greg! Ano 'tong ginagawa mo?!" Umiling lang ang lalaki sa kabila ng biglang pag-ungot ni Attorney dahil sa sakit na dala ng tama ng baril, "pinipigilan ang pirmahan--malamang." Nakaismid at mayabang nitong sagot. Pinipilit kong pigain ang braso ni Attorney para humupa na ang pagdudugo nito kahit k'onti pero mukhang ayaw huminto sa pag-agos ang pagdurugo ng braso niya. Natanaw ko na papalapit si Jes sa 'min pero pinihit-pihit ko ang ulo ko. Sinenyasan ko siya na diyan lang siya sa puwesto niya. Pagkatapos huminga nang malalim si Attorney, pagalit siyang bumaling sa tinawag niyang 'Greg'. "Kahit anong gawin mo--huli ka na!" Ngumisi na naman ng masama si Greg sa kanya."Anong huli?" Tanong nito. Bumwelo si Attorney bago nagsalita, "nakapirma na siya!" Biglang sambit ni Attorney! Napakunot ako! Hindi pa 'ko nakapirma doon! Ni hindi ko pa nga nababasa 'yong mga 'yon, e! Nagkibit-balikat ang lalaki at may hinugot na baril galing sa likuran ng suot nitong dark slacks. Sigurado ako na kung may baril siya, malamang, siya ang nagpaputok ng baril kanina. "Is that so? Well, wala rin naman kuwenta ang isang successor kung patay na ito, 'di ba?" Saka niya tinapat sa akin ang baril! Biglang nanindig ang buong sistema ko. Bumigat ang dibdib ko at pinagpawisan ako nang malagkit. Kahit gusto kong ipakita na hindi ako nadadala ng takot sa ginagawa niya, hindi ko pa rin maiwasang manaigan ng takot. Napalunok ako ng sunod-sunod.

St.Vaskerville Memories: EXPERIENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon