=EXPERIENCE 6=

37 1 0
                                    

"Rise and shine, Jay!" Isang hiyaw ang umaalingawngaw sa tenga ko pero tumagilid ako pakanan atsaka ko tinakpan ang ulo ko ng unan. Ang ingay, eh.

"Ah. Ayaw mo, ah." Rinig kong sambit ng katabi ko saka tumikhim. Mayamaya, "Bangon na!"

"Ack!" Napamulagat ako sabay nahulog ako sa kama sa gulat ko! Nahila tuloy ang IV ko! Itapat ba naman daw ang bunganga niya sa tenga ko?! Masakit 'yon, ah?! At hindi niya lang ako sinigawan, kinuyog-kuyog niya pa ako! Ilang saglit matapos akong mahimasmasan, unti-unti akong umupo saka tumayo para pagpagan ang likuran ko. Nahila tuloy 'yong IV ko. "Mona--sabihin mo nga, kailan ka pa naging bayolenteng alarm clock?!" Nakatayo na ako habang hinihimas 'yung braso ko. Ang sakit talaga! "Bakit?" Tanong niya nang tumingin siya sa akin ng may pagtataka. Nagbungtong-hininga ako. "Kasi simula nang mapunta ako dito, ikaw na lang lagi ang gumigising sa 'kin. At hindi lang gising ah, may kasama pang kuyog!" Napamaang siya at ngumiti k'onti. "Ah. Sinisigurado ko lang na magigising ka pa." Saka siya ngumisi. Ano daw?! Tinignan ko siya na parang alien word 'yung sinabi niya sa akin. "Mona, hindi pa ako mamamatay. Ang lakas-lakas ko pa nga o!" Pinakita ko pa ang matitikas kong biceps sa kanya. Napangiwi lang siya saka tumawa k'onti. "Iyon kasing isang naging boyfriend ko na naging pasyente dito dati eh, nang ginigising ko siya, hindi na siya magising-gising. Iyon pala, patay na." Hindi na ako nakapagsalita at pumasok na 'yong tagabigay ng pagkain namin.

Habang kumakain kami, napatingin ako sa kanya. Talaga bang nagka-boyfriend na 'to? Medyo mahirap paniwalaan kasi para siyang inosenteng-bata na kasing edad ni Jessica, eh. Saka kung makwento niya 'yong pagkamatay ng naging 'boyfriend' niya raw, para lang siyang nagkwento kung ano'ng kinain niya kagabi. At dahil masyado akong nginangatngat ng kyuryosidad ko, hindi ko na napigilang magtanong sa kanya. "Maalala ko, nabanggit mo kanina na nagka-boyfriend ka na, 'di ba?" Tumingin siya sa 'kin ng nakangiti, "oo." Napatingin ako pababa sa plato ko. "Ano bang sakit niya?"

"Bone Narrow depression. Stage 3." Ani niya saka sumubo. Napamaang ako. "Kaya naman pala, eh! Pero kailan naging kayo?"

"Gabi bago siya namatay."

"First boyfriend mo ba siya?"

"Yup."

"E 'di, hindi mo rin na-experience na magka-boyfriend? Kakasagot mo pa lang sa kanya no'ng gabi, ta's kina-umagahan--patay na?! Wala rin!" Tapos tumawa ako ng wagas! 'Di, joke lang. Mahinang tawa lang. Remember, kumakain kami. Baka mabilaukan ako, kaharap ko pa naman din si Mona. "Gano'n ba? E, paano ba magka-experience?" Napatingin ako bigla sa kanya. Inosente ba siya sa mga ganitong bagay? "Na-in-love ka na ba?" Bigla kong tanong sa kanya. "In-love?" Napakunot ang kanyang kaliwang kilay. She's really clueless. "Oo. Iyong kapag may nakilala ka o may nakita kang lalaki eh, maaagaw niya lahat ng lingap mo. Tapos habang nakatingin ka sa kanya, ang bilis-bilis ng tibok ng puso mo." Tinapat ko pa talaga 'yong kamay ko sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko 'tong sinasabi ko, eh. Napahaginit siya saka itinaas ang hintuturo niya pataas. "Oo! Parang love at first sight yata 'yang tinutukoy mo, eh. Tama ba?" Hindi naman pala siya ganon kainosente, eh. O siya, ilalakad kita kay Dio. NGSB 'yon, e. "Ganon na nga. Pero gusto mo ba talaga maramdaman kung pa'no ma-in-love at magka-boyfriend?" Kung baga sa anime, biglang nag'bling-bling' ang mga mata niya. "Sige ba!" Pero nang lalabas na sa bunganga ko ang pangalan ni Dio, bigla kong binawi 'yon. Parang... Mas gusto kong ako ang magpa-experience sa kanya ng gano'ng pakiramdam kaso hindi, hindi pwede. Pero bago ko pa mabawi 'yon, inunahan na ako ng magaling kong dila! "O sya, pwedeng manligaw?" Wala na! Napatingin sa 'kin si Mona. "Ha? Ahm... Iyon ba 'yung mga nagbibigay ng chocolate at nanghaharana sa bintana? Iyong ganon?" Ayna... Mali! Maling-mali! Pero nasabi ko na. Nangako na ako saka sa palagay ko, gustong-gusto niya talaga makaranas. At ewan ko kung ano'ng meron kasi parang ang hirap ng tumanggi. Hay nako! "Oo. So ano? Pwede?" She smiled back at me to the fullest. "Okay!"

St.Vaskerville Memories: EXPERIENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon