=EXPERIENCE 9=

35 1 2
                                    


     Bago kami lumabas ng hospital, tinignan muna ang condition namin at thank God kasi okay naman. Kitang-kita ko sa mukha ni Mona na sobrang sabik na siyang lumabas. E, mantakin mo naman ang dalawang taon na nakakulong sa Isolation room? Sino ba namang hindi malulungkot? Ta's sa tagal niya na nakakakita mismo ng namamatay sa harapan niya, mabuti at hindi siya na-trauma. Parang wala na sa kanya ang takot sa mga patay. Pag-alis ng mga IV namin, inalalayan kong makatayo si Mona at inabot sa 'kin ng isang nurse 'yung permission note at kinuha ni Mona ang maliit niyang dilaw na purse na hindi ko alam ang laman. Habang pababa kami, pansin ko na alam na alam na ni Mona ang pasikot-sikot dito. Halatang matagal na siya dito. Pagdating namin sa Entrance, napabuntong-hininga si Mona. Hinawakan ko ang kamay niya. Nang mapatingin siya sa 'kin, ngumiti ako. Ngiti na nagsasabing 'Don't worry. I'll keep you safe.' Pag-abot ko sa gwardya ng hawak ko na papel, binati siya ni Mona. "Hello po, Kuya Sen." Binati rin siya ng gwardya, "O, discharge ka na?" Pumihit ng ulo si Mona, "hindi po. Lalabas lang po kami ng kasama ko." Tumango na lang ako nang bumaling ng tingin sa 'kin si Manong. "Bakit? boyfriend mo?" At magiliw na tumango si Mona. Medyo nailang ako kasi ngayon lang ako natanong ng ganito. Dati kasi, kapag may sinasamahan akong babae, kapag tinatanong ako kung kasintahan ko, lagi akong hu-mi-hindi. Ngayon, may maisasagot na ako kapag tinanong ako. Ipagmamalaki ko pa siya. Ngumiti sa 'min si Manong bago tumawag sa telepono na hawak niya. Pagkatapos tumango ng dalawang ulit si Manong, pinagbuksan niya na kami ng pintuan. Bago kami makalayo, may pahabol pang habilin si Manong, "ingatan mo 'yang si Mona, ah. Anak namin 'yan dito!" Tumango na lang ako at pumihit sa nakangising si Mona.

Pagdating namin sa parking lot, nakita ko si Dio at Rod na nagbibiruan sa tabi ng motor ni Saimon. Nang hiniyawan ko ang dalawa, lumapit kami ni Mona sa kanila. Paglapit ko, nakipag-'fist-bump' ako sa kanilang dalawa. Mayamaya, hinawakan ko ang likod ni Mona, "Mga brod, si Mona. Mona, mga barkada ko. Si Rod atsaka si Dio. Nakita mo na sila noon kaso hindi ko sila napakilala sa 'yo." Yumuko at ngumiti sa kanila si Mona saka sila kinamayan. Inakbayan ako ni Rod. "Sabihin mo lang Mona kung niloko ka nito, ah. Uupakan namin 'to para sa 'yo!" Kantyaw ni Rod kaya tinulak ko nga palayo sa 'kin ang loko! Tumawa naman sila Dio at Mona sa ginawa ko. Napangisi lang si Rod. "Hindi ko siya lolokohin 'no!" Angal ko sa kay Rod. Mayamaya, napaturo ako sa motor ni Saimon, "Nasaan si Saimon?" Nagkibit-balikat si Rod. "Ewan namin do'n. Ilang linggo nang hindi pumapasok ang kumag. Tinatanong namin kay Twinky kung nasaan siya kaso hindi niya rin daw alam." Napakunot ako ng kilay na parang nagtataka. Nagsalita si Dio. "'ginamit ko 'yan papunta dito kasi nag-text sa 'kin si Rod na samahan ko daw siya na bumili ng guitar string saka ipapahiram niya daw sa 'yo 'tong kotse niya." Tumango ako. Kagabi ko pa pinakiusapan si Rod na hihiramin ko 'yung kotse niya. "Nga pala," inabot sa 'kin ni Rod ang hawak niyang susi ng Honda Civic na kulay itim. "Ingatan mo 'yung kotse ko, ah. Papatayin ako ni Daddy kapag nakita niya 'yan na may gasgas!" Pananakot sa 'kin ni Rod kaya inambahan ko siya. "Kaloko mo! Pero 'wag kang mag-alala, iingatan ko 'tong kotse mo. Salamat, ah." Pag-buzzer ko ng kotse, pinagbuksan ko si Mona ng pinto para maka-upo na siya. Pagsakay ko, pina-andar ko 'yong makina ng kotse. Dumungaw naman ang dalawa sa gilid ko. "Ingat ka dito kay Jay, Mona. Nang ko-corner 'yan!" Asar ni Dio sa 'min kaya tinaboy ko na palayo ang dalawa. "Wag niyo ngang tinatakot 'tong kasama ko. Hindi ako kagayan niyo. Mga berde ang utak!" Napabunghalit lang ang dalawa. Napatawa na rin kami ni Mona bago lumayo ang dalawa at nauna ng umalis sa 'min. Sa gitna ng ingay ng makina, nagsalita si Mona. "Marunong kang magmaneho?" Pumihit at tumango ako sa kanya. "May kotse si Mama sa bahay. Bihira kong imaneho 'yon pero tinuturuan kami ni Rod kaya minsan, kami na ang nagmamaneho nitong kotse niya kapag tinatamad ang kumag." Tumango-tango naman si Mona bago magtanong uli. "Saan tayo pupunta, Cookies?"

"Just hang in there and enjoy." Nginitian ko siya at unti-unti akong lumapit sa kanya. Nakita ko ang pamimilog ng mga mata niya. Narinig ko rin na napasinghap siya. Nang halos ilang sentimetro na lang ang agwat namin, napapikit siya. "C-cookies..." Bago niya pa matapos ang sasabihin niya, sumabay ang pagmulat niya sa papitik na tunog na mula sa seatbelt. "Don't forget to put your seatbelts on." Ani ko at lumayo ako sa kanya para ikabit na rin ang seatbelt ko. Napakurat-kurat siya bago nagsalita. "H-ha? Ah! O-oo! Oo! Tama!" Saka siya nagbuntong-hininga. Pumihit ako sa kanya. O? Bakit namumula na naman 'to? Napangisi tuloy ako. Ano'ng akala nito? Hahalikan ko siya? Pumikit pa kasi siya, eh. "Bakit, choco? Akala mo hahalikan kita?" Lalo siyang namula at lumingat. "H-Ha?! A-ano... Ahm..." Halata kapag kinakabahan siya. Utal-utal siya magsalita 'eh. Hindi ba, ganyan ang kinakabahan? "You're blushing. Don't worry, darating din tayo d'yan," kantyaw ko at natawa ako. Nakita kong napangiwi siya at bumagsak ang mukha niya. "Ewan ko sa 'yo, cookies. Dagukan kita d'yan, e." Napamulagat ako at mas lalo akong napatawa. "Sadista pala si chocolate ko!" At tumawa na ako ng mas malakas. Ngumuso si Mona. "Tara na! Binibitin mo naman ako, e. " Pagkarinig ko sa sinabi niya, pilyo akong napangiti. "Saan? Sa kiss?"

"Hindi. Sa date."

"O sya, ayokong pumangit ang pinakamamahal kong babae kaya tara na."

"Bolero." Patay-malisya niyang banat kaya napapihit ako sa kanya. Bolero pala, ah. Tumikhim ako at pinaliit ang boses ko. "Bakit ang gwapo mo?" Panggagaya ko sa boses niya noong tinanong niya sa 'kin 'yon noon. Napatingin siya sa 'kin saka napamulagat. Para siyang kuwago. "Teka?! Akala ko..."

"I heard that." At bumunghalit na naman ako kaya tuluyan ng napatili sa hiya si Mona. "Jay!" At tuloy-tuloy lang ako sa pagtawa hanggang sa pinaandar ko na ang kotse palabas ng parking lot. Ang sarap talaga asarin ni Mona. Nakaka-aliw ang pinta ng mukha niya. Hindi nakakasawang pagmasdan.

St.Vaskerville Memories: EXPERIENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon