=EXPERIENCE 1=

55 3 0
                                    

2 Years ago. Sunday morning.
 

"Hoy--Kuya! Kapag hindi ka pa bumangon d'yan--kakaladkarin na talaga kita! Bangon na!"

Matapos niyang humiyaw ay kinatog niya ng pagkalakas-lakas ang pintuan ng kwarto ko! Mukhang sinipa niya na nga yata, eh. Jeez! Nababanas akong pumungaspunas at napakamot sa tagiliran ko. Sa araw-araw na lang na nilikha ng Panginoon?! Ayna! Makabangon na nga! Baka hindi na sigaw ang abutin ko kapag hindi pa 'ko bumangon dito. Baka tapatan na 'ko ng megaphone sa tenga ng babaeng 'yon. Lokong-bata 'yon, tagabulabog ko araw-araw. Kahit walang pasok--sige pa rin ang gising niya sa akin. Pagkabangon ko, dumiretso agad ako sa C.R nang makapaghilamos na. Pagkatapos kong gawin ang dapat gawin, dumiretso na ako sa dining room. Nakita ko na nakahanda na ng umagahan si Mama. "Morning. Aba, mukhang madami-dami tayong pang umagahan, ah. Ano'ng meron ngayon?" Tanong ko habang papalapit ako sa lamesa at manghang nakatanaw sa pagkain na nakahain. "O, ihjo. Buti at gising ka na. Well, tulungan niyo 'kong mag-ayos sa garden mamaya. Mamayang hapon na tayo mag-sisimba. Okay ba 'yon?" Sambit ni Mama habang ummaayos na ako ng upo. "Cool! Afternoon mass! Tapos uuwi tayo na medyo madilim na? Kuya!" Biglang-pihit niya sa 'kin bago naupo sa tabi ko, "ilibre mo 'kong bibingka, ah!" Masiglang banat ni Jes kaso binasag ko. "No way. Sorry ka. Pi-nos-pone mo 'yung panaginip ko, eh. Nasa climax na 'ko no'n ta's bigla mo 'kong binulabog? Kaya walang libre-libre!" Dire-diretso kong satsat sa kanya. Totoo naman, eh. "Kuya naman eh! Sige na!" Pagmamaka-awa ni Jes habang kinukuyog niya 'yong braso ko, "iyak ka muna." Asar ko kay Jes kaya lalo siyang ngumiwi kaya humayaw na siya ng tuluyan. "Mama! Si Kuya--o!" Sumbong ni Jes kay Mama kaya lalo akong natawa. Narinig kong napabungisngis si Mama galing sa hindi kalayuan, "Jay, ako ang nagpagising sa 'yo kaya pagpasensiyahan mo na 'yang kapatid mo. Sumusunod lang siya sa utos ko." Paliwanag ni Mama bago siya naupo sa tabi ko. Tumango-tango na lang ako habang nagsasandok ng mabangong sinangag, "okay. Pasalamat ka at kapatid kita. Dahil kung hindi... alam na." Sabi ko kay Jes. Ngumiti naman siya sa 'kin. Ngiting tagumpay. Umiling na lang ako. Mababawasan na naman ang ipon ko. Pambihira. 

"Sorry, Kuya. Good girl lang ako kay Mama!" napa-iling na lang ako, "oo na--oo na. Good girl ka na. Ililibre na kita kaya kumain na tayo para maaga tayong matapos, okay?"

"Yes boss!" Saka siya sumandok ng langgonisa. Matapos namin manalangin sa pangunguna ni Mama, nagsimula na kaming kumain.

Pagkatapos namin kumain, tinulungan na namin ni Jes si Mama na mag-ayos sa garden. Ako ang nag-trim sa mga bushes. Habang si Jes naman, tinulungan si Mama na maglipat ng mga bulaklak sa mga paso na kabibili lang ni Mama sa flower shop kahapon. Kaso sa kalagitnaan ng ginagawa ko, umiral ang kaharutan ni Jes kaya mukat ba namang napag-trip-an akong batuhin ng putik sa likod?! Siyempre, ayaw ko namang magpa-talo, ah! Binato ko din siya ng putik! Nagpatuloy pa kami sa pagbabatuhan ng putik. Ni isa walang balak na magpatalo sa 'min. Kaso napahinto lang kami nang napansin namin na masama na 'yong tingin sa 'min ni Mama. Nanlumo kami kasi puro putik na 'yong buong garden. Grabe! Pero imbis na matakot kami, nang magkatinginan kami ni Jes, pasimple kaming napangisi sa isa't isa. kami tuloy ang pinaglinis sa buong garden. Aligaga kami ni Jes sa pagkilos nang matapos kami. Inabot kami ng mahigit isang oras sa paglilinis.

Pagkaligo namin, may natitra pa kaming dalawang oras para makapagpahinga. Naglaro na lang kami ni Jes ng PS2. Naglaro kami ng 'Tekken 5'. Natatawa ako kasi sa tuwing natatalo siya, pinapapalit niya 'yung Dualshock niya sa 'kin. Kaya minsan, kapag nayayamot na 'ko, nagpapatalo na lang ako, eh. Iba talaga kapag may hyper kang kapatid. Siguro kung lalaki lang 'tong kapatid ko, baka mas malala pa ang ka-hyper-an nito. Makalipas ang mahigit dalawang oras, nagtungo na kami sa kapilya. Isang Baptist church ang sinasambahan namin. Parang halos hindi ko namalayan na tapos na ang service kasi nagustohan ko ang topic ngayon ni Pastor. Pagpatak ng alas-singko ng hapon, uuwi na sana kami kung hindi lang naalala ni Jes ang bibingka niya. Sayang, hindi niya na sana naalala. Nag-park si Mama sa tabi ng kalsada sa tapat ng mga nagbebenta ng mga nakabasket na balot, nag-iihaw ng mga barbeque at ngaluluto ng mga bibingka. Bago ko buksan ang pinto sa kaliwa ko, tinapik ako ni Jes. Pareho kaming nasa backseat, e. "O, Kuya, bili ka na ng bibingka. Hintayin ka na lang namin ni Mama dito 'no?" At wala na akong nagawa kun'di ang pumayag, "opo na." Tumingin-tingin na nga 'ko ng gumagawa ng bibingka at may nakita naman ako. Hay nako, I can't help it. Paborito niya talaga ang bibingka. Buti na lang at hindi pa siya nagmumukhang bibingka. Ipinaglihi 'yata siya ni Mama sa bibingka, eh. Paglapit ko sa harap ng tinda ng isang ale, tumingin ako ng malaki-laki na bibingka. "Manang, magkano po isang bibingka?" tanong ko at pumihit saglit ang ale sa 'kin. Pinapaypayan niya 'yong mga niluluto niyang bibingka. "11 Pesos po ang isa."

"Dalawa nga po." Kinapa at nilabas ko na 'yung walet ko. Pero habang kumukuha ako ng pambayad para sa bibingka, biglang may nang-snach ng wallet ko! "Hoy!--Wallet ko!" Hiyaw ko sabay hinabol ko siya! 'Yong mga tao naman, kung makatingin sa 'min, akala mo nanunuod sila ng live na taping ng isang action movie. Nang medyo malayo-layo na kami sa mga tao at napunta kami sa isang medyo madilim na daan, salamat sa bato at nadapa siya! Tumakbo ako nang mas matuling para maabutan ko siya. Paglapit ko, kinuha ko na agad-agad 'yung wallet ko mula sa kamay niya saka ko ibinalik sa bulsa ko. Pero lalayo pa lang ako do'n sa snatcher, hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil pagkatapos akong makadama na parang may bumaon sa itaas ng balakang ko, dumilim na lang bigla ang paningin ko hanggang sa naramdaman ko na bumagsak na ako sa malamig na sahig.

St.Vaskerville Memories: EXPERIENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon