Chassie's POV
Pinakain muna kami ni Mommy VV bago niya idiscuss yung sched niya. 8:30 pm na nga eh.
"Ok, so may bagong nagoo-ffer ng sched.. Guestings, mall shows, short film, commercials at M.C. 's ang offer sa inyo. Sa June.. blah blah blah" -mommy vv.
Shems, di ako makafocus sa sinasabi ni mommy VV. Naalala ko na naman kasi yung nakita ko kanina. Alam kong siya yun at alam kong napansin niya ko pero.. bakit di niya ko nakilala?
"Chassie!!" -mommy VV.
"Yes po!" -ako.
"Ano ba ? Ikaw ang leader dapat ikaw ang nakafocus dito.. May distraction ka ba ngayon kaya ka ganyan?" -mommy VV.
Lahat sila nakatingin sa akin. Shems, ano sasabihin ko ba? No no no no way! Bago ako mag-artista, kinalimutan ko na siya! Pero, seven(syete)!! nakita ko na naman siya at napaluha ako dahil di na niya ako kilala. Ibig sabihin wala na talaga siyang pakelam sakin from the start?
"Chassie!!"
"Ha? Oo! Bakit?" -napasabi ko na lang dahil sa gulat.
"Chassie.. Is there something wrong? Nakatulala ka na naman?" -mahinahong tanong ni Amileen. Tong probinsyana talagang toh, never pa nainis.
"Yea! Nakakapagtaka ka! Antagal mo kanina!" -I-Lee. Siya naman ang Koreana kong echosarang kaibigan =_=
"Wa-wala.. inaantok na po kasi ako.." -sabi ko with acting. Mukhang naniwala naman sila kaya napasabi na lng ni mommy VV.
"Ok sige, taposin na natin tong last discussion. Ang tanong, gusto niyo ba lahat toh? I-aaccept ko ba? For 2 months tong sched niyo.."
Nagkatinginan kaming tatlo. Si I-Lee, nagpout lang. Si Amileen naman ay nagkisap mata.. at ako? Itinaas ko ang kaliwang kilay ko at sabay sabay naming sinabi..
"YES!"
"Hahaha kayo talaga, naguusap sa mata.. oh siya oh Cherry, sayo muna tong sched ng tatlo, paxerox mo na lng kung kailangan nila Sally at hannah.." mommy vv. Binigay niya ang sched namin sa P.A. ko. Tumango naman yung tatlong P.A.'s namin.
After ng kung anong usapan nila, pinatulog na kami ni mommy Vivi. Kanya kanya na kami ng punta sa kwarto at natulog.
..
..
..Pero you know what? 11:40pm na , di pa ko nakakatulog =_= Nagbasa na ko ng libro, sumayaw-sayaw na parang tanga, nag twitter at nagsoundtrip pero.. wala eh, di pa rin ako makatulog.
Argh! Kabwisit! This song.. makes me remember of him.. Bakit ba kasi kinanta niya toh ?
[Count on me by Bruno Mars]
♬ If you ever found yourself stuck in the middle of the sea
I'll sail the world.. to find you~
If you ever find yourself lost in the dark and you can't see
I'll be the light.. to guide you~
..
We find out what we're made of~
When we are called to help our friends in need~ ♬
... and with that.. nag flashback sa utak ko lahat ng memories na matagal ko nang kinalimutan.. but I guess.. they miss me already, bumalik na silang lahat..
....
"Galing galing mo palang kumanta Meme!"-ako
"Syempre naman Dada! Oh bati na tayo ha?"-siya
"Luh? Ano ka chicks? Libre mo muna ko french fries!"
"IH! Sating dalwa kaw ang mayaman eh! Libre na lang kita 'Muncher'!"
"*pout* sige na nga!!--"
"Oh ayan! Nadapa ka tuloy! Halika nga rito! Pano kung may bubog pala dun?! Gusto mo bang magkapeklat? Edi sana sinabi mo para ako na lang ang su-- *nakurot ang pisngi* ARAY NAMAN!"
"Ang OA mo kasi! Sugat lang yan noh! *poker face* Lagyan mo na lang ng malunggay!"
"*kumuha ng malunggay at panyo niya* *dinikdik at nilagay sa sugat ko* Pano kung mas malala pa dito nangyare sayo? Kahit ba sa tuhod lang yan eh. Baka nakutsya ka pa! Gusto mo ba yun?"
"*iling* Yayaw(ayaw)! Sapakin kita dyan eh! Mas malakas pa ko sa kalabaw noh! *siga mode"
"Tss. Tumayo ka nga at idiretcho yang paa mo?"
"Hala! Toh naman joke lang!"
....
♬ You can count on me like 1, 2, 3
I'll be there~
I know when I need it..
I can count on you like 4, 3, 2
And you'll be there~
Cause that what's friends supposed to do..
oh yeah..
Ooooh oooooh yeah, yeah ♬...
And I end that night with tears in my eyes.
---------------KINABUKASAN--------------
Papasok na naman kami. Dumating na kami sa room. Umupo na kami sa aming repective seats. Nang makaupo ako bat ganun? I feel weird.. I look everywhere, masaya naman silang lahat.. It's like there's a thing missing.. What is it??
Habang nagiisip ako biglang may umupo sa upuan ni I-Lee.. yea.. pati yun di ko rin napansin agad.. ung bigla nawala si I-Lee at may guy na umupo.. wait-- what? A GUY?
"Hi Pretty one.." - The guy who make out =_=
"Sorry.. I'm not talking to strangers!" -ako.
"Hmm.. I guess you feel the same as what I feel~" -Siya. Wow ha? Kinanta pa talaga.. pero kaninong kanta kaya yun? But infareness.. ganda ng boses niya.
"Tss. You don't know about me!"-"Yes, I don't know about you, but I know what you feel!"
"What do you mean?" -ako. Oyt di ako kumakanta ha!
"*whispers* Come with me.."
------
Pumunta kaming gubat katabi ng Football field, tapos pinaglakad ako ng kaunti atsaka kami pumasok sa trunk ng puno. Nagulat ako nung makita kong may pinto ang trunk ng puno tapos may bumulaga saamin na hagdan.. pababa..
"Mauna ka na bumaba.. baka sabihin mo naninilip ako.." -siya.
K. Fine. Nakauniform nga kasi kami remember? Ako unang bumaba.. I don't know.. I just feel that I need to be here..
Nang makababa na kami, nagulat ako! Kasi ang engrande ng room na ito. Even the chandelier. It has Luxury stuffs. Pero di ko maimagine kung paano niya napasok lahat ng gamit dito?
"Now, look for my name.. pretty one!" -siya.
Wow ha.. ANG KAPAL.. ANG KAPAL KAPAL!!
"And why do I need to find your name?" -AKO. kaloka kasi eh! Oo naweweirdohan ako sa paligid ko pero mas weirdo pala tong kasama ko!!
"Just do it Pretty one!"
BINABASA MO ANG
My Beautiful Transformer
RomansHindi lahat ng expected mangyayari. Hindi rin lahat ng unexpected ay masaya. Pero di kaya masyado na tayong assuming para maghintay ng expected and unexpected things? Okay lang naman umasa pero wag sobra. Nagiging tanga kasi tayo. Hindi lang naman s...