"Isipin mo"

3.2K 53 7
                                    

Kung sa paggising mo hindi kana mahalaga sakanya isipin mo nalang na kaya mo naman dati ng wala siya.

Kung sa paggising mo luha agad ang pumatak sa iyong mga mata isipin mo lang na kaya mo dahil kailangan mong maging matatag kahit na ang mahal mo ang dahilan nito.

At kung sa paggising mo nais mo ulit mahimbing dahil ayaw mong maramdaman ang sakit isipin mo nalang na nangyari ito dahil may nilaan ang diyos na magandang kapalit para sa iyo.

At kung sa paggising mo siya agad ang nasa isip mo, isipin mo ikaw ba?
Ikaw din ba ang nasa isip niya?

At kung sa bawat ngiti ay kapalit ang luha, isipin mo na siya ang unang bumitaw at hindi ikaw.

At kung sa bawat mensaheng natatanggap mo pinagdadasal mo na siya na yun isipin mo inaantay ka rin ba niya tulad ng pagaantay mo sakanya?

At sa bawat sakit na nararamdaman mo para sakanya isipin mo noong pinaglalaban mo siya pinaglaban ka ba niya?

Isipin mo na iniwan ka man ng walang sapat na dahilan isa lang ang tanging paraan bitaw na pag wala siyang pakialam dahil ikaw lang ang ang masasaktan.

SugatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon