T.R.N 2

248 3 1
  • Dedicated kay Jessie Catalla
                                        

April's P.O.V

Gumising na ako ng maaga ngayon kasi pasukan na. Ginawa ko na lahat ng mga ritwal ko sa buhay. Bumaba na ako para kumain ng almusal.

"Pa! asan yung almusal ko?"

"Ayan na nak! nasa harap mo na"

"Pa? tinapay palaman itlog?"

"Nak, mahirap ang buhay ngayon kumain ka na maraming nagugutom"

"So, Pa kapag kinain ko to mabubusog lahat ng nagugutom?"

Okay naman binugahan pa ako ng kape. Sira talaga tong si Papa

"Basta kumain ka na lang diyan"

Huhuhu light breakfast na naman itu. Ang sakit sakit sa pus---tiyan.

"Pa! tapos na ko, papasok na ko! Bye pa~"

At lumarga na ako papasok. Naglalakad ako guys ngayon por da pirs taym and poreber. Nang dumating na ako dun sa papasukan kong school aba at nag text si esfren.

"April, hintayin mo ako sa harap ng school gate. Kapag hindi mo ko inantay. PAPATAYIN KITA. MUWAAAHHH I LAB YOU <3 <3 <3" 

Oh di ba ang sweet sweet namin sa isa't isa. Letse sa sobrang ka-sweetan ang sarap i-ngudngod mukha niya sa pader pero siyempre joke lang yun.

(5 MINUTES)

Yes nemen pasukan na. Nakakabobong mag intay dito sa harap ng gate ng school na to. Leste asan na ba si Gail?

Tae kinalikot ko na lang yung cellphone ko. Nagselfie na lang ako. Alam ko namang Diyosa ako. Oo diyosa kasi engkanto at maraming kanto yung mukha ko. Okay nemen.

Pero  ang tagal ni Esfren madali pa naman akong mabagot. Papasok na talaga ako sa loob.

Tumingin tingin muna ako sa paligid. Teka parang pamilyar yung mukha na yun ah? Wait, siya ba si... EMEGESH kinikilig pantog ko. Nah hindi siya yun, nasa ibang bansa ang nyetang yun bakit dito mag-aaral yun?

Paul's P.O.V

Hay, ang sarap ng tulog ko ngayon kasi papasok na ako sa C.H.U at napag alaman kong doon din siya nag-aaral. Hay sarap ng buhay, buti na lang uuwi na kami dito. Salamat sa aking tatay.

Naligo na ako at sinuot na ang school uniform ng C.H.U at lumabas na ng bahay. Sht yung salamin ko.

"Mom! paabot po nung salamin ko. Kaya pala ang labo ng mata ko."

"Anak eto oh--pfffttt anak sigurado ka bang sa school ka papasok nakapajama ka pa oh!"

Pag suot ko ng salamin ko. SHT nakapolo nga ako ng C.H.U pero yung pambaba ko pajama akala ko pantalon nakuha ko pajama pala.

"Sht. sige mom aakyat lang ako!"

"ANG BIBIG MO PEDR--PAUL!"

"MOM! PAUL ANG PANGALAN NG ANAK NIYO!"

Nag madali na akong mag bihis. Bwisit bakit kasi biniyayaan ako ng malabong mata. Tinignan ko mukha ko sa salamin okay naman wala namang kakaiba. Ay yung I.D ko. Tinignan ko ulit sarili ko sa salamin ko, okay na walang kakaiba.

Bumaba na ako ng hagdan at lalabas na sana kaso tumawa na naman si Mom.

"Ano na naman Mom?"

"Sige pumasok ka ng naka-tsinelas, Paul"

"Ay, letse. Manang! pahanap nga po ng sapatos ko."

Nang iniabot sa akin ni Manang yung sapatos ko agad ko namang sinuot. Hephep may medyas na ako. 

The Royalties and the NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon