[April's P.O.V]
Hay naku! nababadtrip pa rin ako sa nangyari kahapon.Nakakabwisit hindi ako nakapag lunch! . Monday pa naman yun...kakabwisit!!
ok pag tapos kong mag munimuni ay bumaba na ako at kumain ng almusal...kakain na ako ng madami baka hindi na naman ako makapag lunch.Sa tuloy tuloy kong kinakain yung almusal namin nag tataka sila mommy at papa kung bakit parang gutom na gutom daw ako?
"Anak , bat ganyan ka kumain talo mo pa yung taong isang buwang hindi nakakain"
"Pa, wag mo na ako istorbuhin..nagmamadali po ako ok?"
pag katapos kong mag almusal eh di ligo time,kung anong mga ka ek ekan ginagawa ko sa C.R katulad ng birit ng birit di naman abot kaya katol pa. Toothbrush. Pag katapos bihis na , hingi baon at larga na
Nag lalakad lang ako papuntang school habang naka headset siyempre boring wala kang kasabay.Si Gail? yung maanding bruhidang yun? Wala nag sasakya yun. Hayseu isa't kalahating tamad yun eh.Biglang may humawak ng balikat ko,napatalon tuloy ako
"Ay! PALAKANG PANGET!!"
"Grabe palakang panget talaga?!" lumingon ako at nakita ko si Paul...wait wait wait? bat siya pa ang may ganang magalit eh siya nga tong nanggulat sapakin ko na kaya tong ulol na to.
"Ikaw kasi, nanggugulat ka kaya ayan nasabihan ka ng Words of Wisdom ko. By the way, infairness ah hindi ka naligaw papunta dito, Paul?" sabay lingon at iniwan ko. Letse siya pabagal bagal mag lakad eh.
"Wait lang!!!! Antayin mo ko!!!" hay bwisit talaga kailangan isigaw? Mukhang pafod maglakad eh.
"Pwede wag kang maingay ha?! nakakairita kaya!"
"Ang sungit neto."
"Hanapin mo na lang pake ko sa North Pole pag wala dun nasa South Pole ay teka! oo nga pala di ka agad makakarating dun it will take years. Hahahaha" - pag bibiro ko
"Aba! ako ginaganyan mo ?" - sabi ni Paul habang palapit ng palapit sakin.
"H-hoy Paul! tigil tigilan mo ko ah!" - yun na lang nasabi ko.
Di ko mapigilan ang sarili kong mapatingin sa mata ni Paul. Nyeta ba't binayayaan ba to ng malabong mata? Ang ganda ganda ng pag ka dark ng mata niya as in parang black pearl.
"Masyado kang assuming, April. May gagawin lang ako" ahh ok ...sorry naman ang lapit kasi ng mukha niya eh.. EH?!!
"ANONG GAGAWI---- AWW!"
Hayseu. Yung precious noo ko. Huhuhu letse si Paul! pitikin ba naman ang Noo ko?
"ANO BANG GINAWA KO SAYO AT--- ARAY!! SUMUSOBRA KA N-- AWW!" - sa bawat mag sasalita ako pipitikin niya ako sa Noo ang saya ng life hindi ba?
"Wala lang. Uso eh. Nakita ko lang sa mga TV shows na ganito ginagawa kapag maingay yung tao" - Sabi ni Paul.
"Huhuhu ANG SAKIT KAYA! LETSE TO!" - Sigaw ko
"Hehehe, feeling ko ang sarap mong pag tripan eh. Ang ganda ng mga reaksyon mo eh. Hahahaha" - sabi ni Paul
"Edi Wow!. Nyenyenye pupunta na lang mag-isa sa campus bahala ka diyan. Maligaw ka sana. Bleh!" - sabi ko at nag tatatakbo na papuntang campus
Narinig kong sumigaw si Paul
"April. Sht! di ko alam yung daan HOY!!" hindi ko na lang siya pinansin at tumakbo na ako. Muehehe bahala siya eksdi.
Sa katatakbo ko di ko namalayan na nasa Campus na ako..pumasok na ako ng Entrance Gate at nakita ko andaming tao.Halos babae lahat.Sumingit ako sa mga nag kakagulong tao, hindi naman Flag Ceremony kasi tuwing Monday lang yun....ano kaya ang meron?
BINABASA MO ANG
The Royalties and the Nerds
Novela JuvenilMay mga group sa school na sikat na sikat sila'y tinatawag na the royalties anak mayaman at hearthrobs and queen of hearts pero paano kung one day isali ng isang kagroup nila ang mga transferees na tinatawag na mga nambubully sa kanila na mga Nerds...