In His Bed 2 ✔

18.2K 164 4
                                    

Jade on the side...

Flashbacks...



Jade's POV







Nung mga panahon na 'yun, si Lucas at Liam nasa 3rd yr. na, ako, si Ady at Jamie naman ay 1st yr. college

We're childhood friends. Dahil na rin magkakaibigan ang parents namin ilagay na natin na isa sa dahilan ay negosyo.

Kaibigan rin namin si Johan pero ang alam ko ay hindi close si Liam at Johan for some reason. If I am right, tungkol ito sa pagiging ball captain.

Wala naman masyadong naging problema noong mga panahon na iyon dahil busy kami sa kanya kanyang courses namin hanggang sa I get to know Johan.

Umabot sa ligaw na araw araw hatid sundo. Walang special occasion pero mayroong flowers at chocolate.

Hanggang sa I'm getting there stage na ako...





Biglang isang araw...

"Jade. We need to talk. Meet me at the park..." mga ganitong pagtawag ang ikinakakakaba ng puso ko. Dalawang bagay lang kasi yan. Masasaktan ka sa sasabihin niya p matutuwa ka. Pero sa nangyari sa akin noong araw na iyon? Yung unang bagay ang nangyari sa akin.

Nang makarating ako sa park ay agad kong binati si Johan. Naaalala ko pa ang suot niyang white na v neck at board shorts kasama ng tsinelas. Sa pormang iyon... Kahit simple, para sa akin, lakas ng dating!

"Hi Joe.." bebeso sana ako pero umiwas s'ya.

Instead of being sweet...

may binigay s'ya sa'kin na mga pictures doon nagumpisa gumaralgal ang boses niya.

"Jade... Akala ko ba okay na tayo? Akala ko ba you're getting there?"

habang nagsasalita si Johan, tinitignan ko yung mga pictures which I really don't remember...

May kasama akong lalaki. We're making out.

Hindi ko makita kasi nakatalikod yung lalaki.

Medyo blurry din yung image.

I was about to explain but he cut me off
"Johan... This..."

"Ano? Hindi totoo yan? Tignan mo naman mabuti. Pa'no magiging peke 'yan!?"
Dito ko na naumpisahan ang pagdampi ng ambot sa aking balat.

"Johan... I don't know how to explain this. And look Jo--"

"Jade! Minahal kita eh. Anong ginawa mo?!"

sabay nun ang pagalis n'ya. Di n'ya ako hinayaang magexplain. Iniwan ako sa gitna ng ulan. Dito ko na naramdaman na kada patak ng ulan sa katawan ko, nakakasugat. Masakit.

Hindi ko alam ang dapat iakto sa ganung sitwasyon.

Iiyak ba ko? Magtatantrums? Suicide?

Walang gana akong naglalakad sa ulan hanggang sa...

**

"AAAAAAAAAAAAAAAH."














Amoy ko yung bvlgari na pabango ni Liam sa paligid. Kahit na hindi siya ang number one na taong gusto ko ay alam ko ang amoy niya. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko pero ipinikit kong muli dahil nasisilaw ako sa ilaw ngunit dahan dahan ko ulit itong iminulat at nakita ko ang bulto ng lalaki na nakatalikod mula sa pinagkalahigaan ko. Broad shoulders na natatakpan ng tuwalya. Si Liam nga.

May itinapat ito sa kanyang kanang tenga marahil ay cellphone nya iyon. Kahit pala masama ang tingin ko sa kanya ay may kabutihan din pala ang isang ito. Sa sobrang nararamdaman ko kanina ay siguro nakita nya ako sa kalsadang nakahandusay.

In His Bed (major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon