Fin. :">

8K 77 6
                                    

Writes block:

I know. Bitin. Kasi nga lame writer. What can I say? I need to start a new! Magtutwenty fourteen na ito pa rin ba ang pagkakaabalahan ko? Naadik na ako sa K-Pop ngayon. Specifically sa bigbang specifically ulit, kay Kwon Ji-Yong and I have to say, kailangan ko na gumawa ng story about him para mawala na ang iniisip kong ito. I'm going bananas! Ieedit ko to soon. Kagaya ng ginawa ko sa My Mysterious Novelist <--------------- plugging btw. :)

So many feels while typing this. Listening to Big bang's Fantastic baby. Masyado akong inspired. Aww. :"> Saranghae dogja!

Nasa External Link yung 3HT Series #2

------------------------------

Natatakot ako. Hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi niya sa akin na pinatay ni Liam yung kapatid niya! Ang kinakatakot ko ay yung parteng iiwan niya ako. Ano ako aso? Palalahian lang niya tapos iiwan na?

Kasalukuyang nagriring ang phone ko. Ugh. Ang aga aga pa! Sheez...

Tinignan ko ang wall clock ko saka binalingan ang cellphone ko...

Liam calling. Agad ko naman ibinaba ang phone ko sa gilid ko at suminghal.

"Iniiwasan mo ba ako?" nabigla ako sa tanong sa akin kaya agad-agad akong napabalikwas sa kama ng makita ko ang lalaking nakasuit and tie na nakabrush up ang buhok.

Nanliit ang mata ko lalo para siguraduhing hindi ako namamalikmata. Na siya talaga yung nasa harapan ko. Tumayo ako ngayon sabay hawak ko sa pisngi niya. Habang siya ay nakitingin sa tyan ko.

hmmm... Baka nananaginip lang ako. Gising na ba ko?

 I tilted head to the left para macheck na hindi nga ako namamalikmata.

"What are you doing Phoebe?" bakas sa boses niya ang pagkairita.

Agad na lang akong nagiwas ng tingin at tumalikod. This is so not good. Bumalik agad ako sa kama. Why is he here? Wala siguro si mommy. I sighed. Hindi pa nagsisink in sa akin yung mga sinabi ni Sora nung nagkita kami. Was it really true?

"He killed her" walang atubiling sabi niya.

 

Nanlaki ang mata ko. Akmang magsasalita ako nung bigla ulit siyang magsalita..

 

"They were having an affair or much to say, a relationship hanggang sa nalaman ni Liam na may balak si Johan na pormahan ka. Iniwan niya yung kapatid ko. Wala lang namang ibang ginawa si Alice kundi ang mahalin si Liam! Anong sabi niya sa kapatid ko para daw mapatunayan niya na mahal talaga niya si Liam!? Sabi niya magpakamatay siya! Pansinin mo Jade! Biglang umiwas sa'yo si Johan nung high school kayo tapos nung college nagkaroon siya ng lakas ng loob!" angil niya..

 

"Iniwan rin ako ni Johan because--"

 

"Because he paid him! Masamang tao si Liam Sy Jade!"

 

I gasped in disbelief. Alam ko iyon. Kaya nga may business si Johan na clothing line ngayon eh. Pero ano bang pupuntahan ng usapang to?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In His Bed (major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon