25 -

4.3K 42 0
                                    

Chapter 24: What is happening?

Jade's...

"Oh my gosh girl!! 5 mos. na siya!" sigaw ni Ady

Napatingin lang kami ni Jamie sa kanya. Ang eskandalosa talaga.

"Oh ano ngayon?" wala sa mood na tanong ko.

"Alam mo na ba yung gender niya?"

"Hindi pa 7 mos. pa." wala talaga ako sa mood.

Gusto ko ng adobong bibe. Ugh.

"Ano ba yan! Ang boring naman ng ginagawa natin." dagdag ko. Nasa mall kami ngayon. Wala lang. Gusto lang nila magshopping. Kanina pa kami pumapasok sa mga stalls at boutique. Kumuha ako ng ilang maternity dress na pwede ko pa ring magamit kahit hindi na ako preggy. 

"Tara starbucks na nga lang!" aya ni Ady.

"Can't. Baby and coffee aren't compatible." sagot ni Jamie. Buti pa siya.

"Bakit coffee lang ba pwedeng orderin sa starbucks? duh" sabi ni Ady with hand gesture pa. Oo nga naman. Pero ayoko talaga eh.

"Ayoko. May iba akong gusto."

Parehas naman silang napatingin.

"Anong gusto mo?" Tanong ni Jamie.

"Adobong bibe." simpleng sabi ko sabay taas baba ng kilay ko na para bang nagpapacute.

Nilabas ko muna ang phone ko at idinaial ang number ni Liam.

"Liam Sy speaking."

 

"Hey. Uhm..." grabe kahit sa akin formal siya? Pansin ko lang, wala pa kaming tawagan. Pero nitong mga nakaraan, lagi niya akong tinatawag na love with I found cute and sexy.

Nung mga nakaraang araw din ay naging busy na siya. Lagi nga akong ginugulo ni Lucas nun eh.

In His Bed (major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon