Ara, The Masochist

144 6 0
                                    

Tanghali na ng pumasok si Ara sa office nito. Dumaan pa kasi siya sa puntod ng ama bago dumaan sa resto at tumuloy na sa office.

"Hi Erika." Bati niya sa secretary nito.

"Hi po, Miss Ara." Bati naman ng dalaga.

"Anything for me today?" She asked.

"Opo, iniwan ko na po sa table niyo ang mga pipirmahan niyo and I forwarded some e-mails from our clients sa e-mail account niyo po." Tumango-tango lang si Ara habang nakatingin sa folder na iniabot ng secretary nito. "And, may client po na naghihintay sa inyo sa loob." Pahabol pa nito.

"Ok. Thanks." That's all what she said without even asking if who is that client. She took her steps and walked inside her office. When she turned around after closing the door, she stopped in a while upon seeing if who was sitting infront of her table. Kinabahan man siya but she managed to hide it.

Tumayo naman ang nakaupong kliyente na animo'y binuhusan ng timba-timbang yelo. Naninigas na nanlalamig. "A-ara?" Yun lang ang lumabas sa bibig niya.

"Miss Valdez, please sit down." Alok naman ni Ara dito. Pinanatili niyang casual ang tono nito pero ang totoo niyan ay gustung-gusto niyang yakapin ang kaharap niya ngayon. "So, what can I do for you?"

Imbes na sagutin niya ito, "Kumusta ka na?" Yan ang isinagot niya sa taong hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ng puso niya.

"I'm good, so far." Sagot nito.

"Where have you been? I've never seen you in how many days, weeks, months? Ni wala man lang makapgsabi sa akin kung nasaan ka o saan ka lumipat? At....at dito lang pala kita matatagpuan. May bago ka na palang business." Si Alyssa.

Nakatingin lang si Ara sa kausap. God, how I missed this woman. The woman who always choose to break my heart. The woman who still owns my heart. Wika niya sa sarili. "Really Alyssa? As in really? Nagawa mo pang maisip ako sa kabila ng hectic schedules mo?" She smiled bitterly but deep inside, labag 'yun sa loob niya.

"Yes." Sagot naman nito. Magsasalita pa sana si Alyssa ng biglang may kumatok sa pinto. Si Erika. Dumating na daw ang kasama ni Alyssa. Pinapasok naman niya ito. And Ara wasn't surprise anymore. 'Pag mimamalas ka nga naman oo. Wika niya sa sarili.

"Mr. Ravena, please come in." As she gestured him to sit on the other chair next to Aly. Sumunod naman ang isa.

"Grabe ka naman Ara, Kiefer na lang, puwede? Para naman tayong hindi nagkakasama sa school." Nakangiti siya habang sinasabi ito kay Ara. Nakatingin lang naman si Aly sa babaeng matagal niyang hinintay na makita muli.

"Ok, Kiefer." Sabay shakehands dito. "So, ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Ara asked. Itinanong mo 'yan tapos sasagutin ka na kokontratahin ka nilang organizer ng engagement nila, eh di nganga ka tapos iiyak iyak ka na naman? Saway niya sa sarili.

"Birthday kasi ng mommy ko next month eh, susurpresahin sana namin siya sa ganitong paraan. Puwede mo ba kami tulungan dito?" Si Kiefer.

Wow! Sa loob-loob ni Ara. "Sure, 'yun lang pala eh." Hindi nakaligtas sa mga mata nito ang mga kamay ng dalawang nasa harap niya na magkaholding hands na. Napansin naman 'yun ni Aly kaya dahan-dahan niyang hinablot ang kamay nito mula sa pagkakahawak ni Kiefer. Saka naman natauhan si Ara.

Biglang nagring ang handphone ni Kiefer. Agad naman niyang sinagot ito. Pagkatapos ay nagpaalam na ito sa kanila. May emergency meeting daw sila para sa nalalapit na namang UAAP Season nila.

Walang gustong maunang magsalita kina Ara at Alyssa nang dadalawa na lang sila sa loob. Nagpapakiramdaman. Parehong nagnanakaw ng mga sulyap sa isa't-isa. Pareho na yatang pipi. Until Alyssa earned the courage to talked first.

♡☆♡ Looking Through Your Eyes ♡☆♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon