POV
-lyn:;;;;:::::::
Hindi ko na alam kung paano 'to titigilan ang sakit! Bumalik lahat nang sakit nung nakita ko siya.
Hindi ko alam! Hindi ko na alam! Habang naglalakad kami ni Mike. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.
Huminga ako nang malalim at pinunasan ung luha.
Pilit akong ngumiti at humarap kay Mike. "Tara na? Balik na tayo sa school, next time mo nalang ako ilibre" sabi ko.
"Ayos ka lang ba? Kaya mo pa ba?" sabi niya. Nakita ko ung lungkot ng mga mata niya.
"Kaya na ano?" tanung ko naman sa kanya.
"Kaya mo pa bang labanan ang sakit? Mukhang hindi eh" sabi niya naman.
Kaya ko pa Mike, kaya ko pa. Tapos na 'to, dapat di na ako nasasaktan. Huli na 'to.
Naka ngiti ako sa kanya "Kaya pa, don't worry" sabi ko.
Tumango nalang siya at ngumiti nalang din.
Sumakay na lang kami sa kotse niya."Pwedeng magpatugtog?" tanung ko sa kanya habang nag dridrive.
"Sige lang" sabi niya naman.
Pinindot ko nalang un radio. Ang malas naman, Love ang topic ni DJ.
Hinayaan ko nalang, maka kuha pa ako nang advice.
"Sabi niya mahal niya ako DJ, pero bakit niya ako niloko, bakit niya ako sinaktan, bakit niya yun ginawa" sabi ni Ate
"Di lahat nang tao perpekto, kaya ka nasaktan. May ibang tao na gago, katulad mo naloko. Kung mahal ka niya, di ka niya sasaktan, di ka papaiyakin. Bakit niya nga ba nagawa un? Diba? Ang sagot lang ay HINDI ka niya totoong mahal. Marami pang ibang deserve jan, di lang siya. Kaya ka niya mahalin at di sasaktan" sabi naman ni DJ
Tama si DJ, kung mahal ka di ka niya sasaktan, iiwan, lolokohin at paiiyakin. Sa lahat nang bagay may mga rason, pero ano nga ba ang talagang rason bakit nila nagawa un? Bakit nila sinasaktan ang damdamin ng mga babae? Anong rason?
Nabigla ako nang pinatay ni Mike ung radio, napatingin ako sa kanya.
Malungkot ang mga mata niya, "Umiiyak ka na naman, ang kilala kong Lyn matapang at palaban" sabi niya.
Pinunasan ko ung luha ko, Ohh Yez!! Di ko namalayan na may tumulong luha na naman. Nakakasawa nang umiyak, nakakapagod na, Lagi nalang, pero di parin natin 'to mapigilan.
Ngumiti na lang ako, napalingon ako sa paligid, malapit na pala kami sa school. Nag re-touch muna ako.
Nang nakarating na kami, bago ako bumaba. May sinabi muna ako kay Mike.
"You!" sabay turo ko. "Di ka pa tapos sa akin! May atraso ka pa! Malalagot ka talaga sa akin. Makikita mo ang tunay na ugali ko, maling tao ang binangga mo!" sigaw ko sa kanya.
Tumawa nalang siya na parang ewan. Problema nito, Badtrip.
"But thanks" sabi ko, sabay baba ng kotse niya.
Di pa ako nakakalayo nang may sinasabi siya sa akin.
"Akala ko, malungkot kana ngayong araw. Tsss! Moody mo rin pala ahh! Bigla nalang magagalit" sabi niya dere-deretso siya naglakad habang sa nilagpasan niya ako.
Biwist to ah! Pasalamat siya nag thank you pa ako. Tsss!
Naglakad lang ako papuntang room, pumasok nang wala sa sarili. Naalala ko nanamn kasi ung nangyari kanina sa shop.
BINABASA MO ANG
Walk Away
General Fiction"Iniwan niyo akong lahat! Lahat kayo! Bakit!? Ano bang ginawa ko, at iniiwan niyo ako?? Ayaw ko na! AYAW KO NA!!!" - Lyn ::::::::::::::::::::: Makakaya pa ba ni Lyn ang mabuhay lalo nang iniwan na siya nang mga mahal niya sa buhay??