11: TRUTH or DARE

45 0 0
                                    

CHAPTER 11: TRUTH or DARE 

POV

~Karl

;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;:::::::::::::::::::::::

Nakita ko si Lyn, naglilinis sa isang room. Papasok sana ako nang nakita ko siyang sumasayaw at kumakanta. Napangiti na lang ako, ang galing niya pala. Pero nagtataka ako bakit siya lang naglilinis nitong room?

Naalala kong ito pala ang parusa niya sa ginawa niyang makikipag away, Hayyyy! Palaban nga siya, pero siya rin naman napapahamak. Napaisip ako bigla. SIYA LANG MAG-ISA GUMAGAWA NG PARUSA NIYA? Naalala ko yung usapan namin ng kapatid niya.

FLASHBACK

"May parusa si Lyn sa nangyari kanina" sabi ni Jel

"Ano yun?" tanung naman ng isa sa mga bestfriend niya Erika ata yun.

"Kailangan ng dance room para may magamit ang mga dancers natin. Diba may dalawang budega? Sa 2nd floor, ung first room at fifth room. Yung first room ang dapat niyang linisin at ayusin. In 3 weeks only, pero may tutulong sa kanya, dalawang lalaki lang. Kung sino lang yung may gusto" paliwanag niya.

Naalala ko din na sabi niya next week na lang siya mag start sa parusa niya, So? Last week, siya lang magisang naglilinis?! THE FVCK! Ayaw niyang sabihin, siguro yung ang dahilan kung bakit lagi siyang wala sa lakad namin. Gusto niyang solohin ung parusa niya.

Napalingon ako sa kanya, mukhang masaya siyang naglilinis. Napa buntong hinga na lang ako sa kanya. Naramdaman kong nag vivibrate, buti naka silent lang. Bago ko ito sinagot at umalis, lumingon muna ako sa kanya at bumulong

"Sa ayaw at sa gusto mo, tutulong kami nang hindi mo malalaman"

_ _ _ _ _ _ _

POV

~Lyn

Monday na naman ngayon, 2nd weeks na lang natititra sa akin para matapos ko na yung parusa ako. Pag pasok ko sa school, nakatingin silang lahat sa akin. Ano na naming meron huh?!! Di ko na lang sila pinansin at pumunta na sa room.

Pagpasok ko umupo na ako sa upuan ko, nakita kong nakangiti sa akin ang Best buddies, tumango lang ako. Maagang umalis ang mga kapatid ko, may meeting kasi sila. Dumating na din ung teacher naming, nasabi niya din na this week ang exam naming. Kailangan daw naming magreview kung ayaw naming bumagsak.

May mga binigay ding mga projects na kailangang gawin. Tatlo ang projects, may mga assignments. Ang daming gagawin, pag uwe sa bahay ito agad ang ginawa ko. Ayaw kong bumagsak, kahit ito na lang ang magandang gift ko sa parents ko sa lahat.

Habang sa sumunod na araw naging busy na din ako sa ilang projects minsan nakiki overnight na din ako para matapos na namin. Simula Monday hindi ko na naasikaso ung parusa ko, ilang days na lang. Lahat kami busy, hindi ko alam ang gagawin ko. Naiiyak na lang ako minsan, bwisit lang.

Thursday ngayon, bukas na ang exam at pasahan ng mga projects. Pauwe na ako galling school. Ang dami naming ginawa, gusto ko ng matulog at magpahinga. Nandito na ako sa bahay, sakto nagtatawag na si Mama para kumain. Kakatapos lang namin kumain, nandito na ako sa kwarto. Nagshower muna ako at natulog na.

Exam ngayon, maaga akong nagising. Medyo madali lang ung test kaya maaga din akong natapos at pinauwe na din agad. Dumaan ako sa room na nililinis ko, walang pinagbago. Ganun parin ito, sa Monday na lang ulit ako maglilinis. Kung di ko man ito matapos, bahala na. sorry nalang.

Kinabukasan, lumabas kami ni Mama para mamelengke at mag grocery. Naubos na din lahat ng pagkain eh, inubos lahat ni ading. Tch! Pagkauwi, nadatnan ko ang barkada sa sala. Ang ingay at ang gulo nila, anong meron? Pag pasok namin ni Mama, nag bless sila.

Walk AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon