9: Pagod na ako

63 1 0
                                    

POV

~lyn/?

;;;;;;;;;;;;;;;;;;

Hindi ko alam kung bakit ganun ang nasabi ko sa kapatid ko, sinumpong na naman kasi ako ng kabad-tripan eh. Bwisit lang! Dalawa na ang parusa ko, sino naman ang hahanapin kong makakatulong sa akin? Lalaki pa talaga eh!

Naglakad lakad lang ako, hanggang may naramdaman akong sumusunod sa akin. napalingon ako bigla. Kumunot ang noo ko. "Problem? Bakit mo ako sinusundan?" sabi ko.

"Wala lang, bawal ba?" sabi niya ng nakangiti. Oky! ikaw na cute! Tsk!

"Di naman" sabi ko na lang at naglakad ulit. Ngayon magkasabay na kami ni Karl, napaisip agad ako. Pwede kaya siya? Debale na lang.

"Ahmmm.. Sige mauna na ako ahh? may gagawin pa kasi ako eh." sabi ko sabay takbo.

Papunta ako ngayon sa Principal Office, Itatanung kung kelan pwede magsimula. Para matapos na.

PRINCIPAL OFFICE ...

Kumatok ako "Pasok!" sabi naman ng nasa loob. Pumasok na ako.

"Gud Afternoon Ma'am. can i ask kung kailan pwede mag simula dun sa parusa ko?" sabi ko.

"Anytime. Kailan mo ba gustong mag simula?" tanung naman niya.

"Bukas Ma'am" deretso kong sabi.

"Oky, I mark the calender. Bukas simula mo, you just have 3 weeks to do it." paalala niya. di ko na kailangan alam ko na. Tsk!

"Oky ma'am. Thank you. Bye" sabi ko at umalis na. Syet! hiram ng buhay. Napatingin ako sa relo ko. Uwian na pala, buti nalang wala na akong klase.

Pauwe na ako ngayon, dating gawi naglalakad lang ako. Hanggang may nakita akong sinasabunutan ng grupo ng mga babae ang nakaupo sa sahig na umiiyak.

Bully? Jusko! Uso ba yan dito? Lumapit ako sa kanila.

"Hey you! Don't dare! Pinagsabihan kana namin ah!" sabi nung isang babae na ang kapal ng make-up.

"Bakit ba? Wala naman akong ginagawang masama ah! Umiwas ako! Pero ung kanina tinulungan niya lang ako!" sabi nung babaeng binubully.

"Kami lang dapat ang tinutulungan ni Papa Karl! Kami lang!" sigaw naman ng isang babae na parang dora sa bangs niya. Apat silang babae, Kaya ko kaya? napatingin ako sa kanang braso. Ginalaw ko ito, di naman na masyadong masakit.

"Para yun lang? Kailangan niyo ng manakit huh?" singit ko sa usapan nila. Napalingon sila sa akin, Damn! away nanaman ba to? Hayyy!!

"Ohh! Girl, wag kang mangealam dito! Maghintay ka ng oras mo" sabi nung mukhang dora

Huuhh?? Maghintay ng oras? For what?

"For What" sabi ko ng nakataas ng kilay.

Ngumisi silang apat at binitawan nila ung babae na kanina pa nila sinasabunutan.

"Masyado ka kasing pasikat eh! Nilandi mo agad ung PAPA KARL namin! Ngayon nagpapaka super hero ka, lubus lubusin mo na! Tignan na lang natin kung mapapansin ka pa niya" sabi nung isa na parang bubuyug dahil sa headban niya. Tsk!

Bigla silang lumapit sa akin at sasabunutan dapat ako kaso inunahan ko na sila. Tinulak ko silang apat, binuhos ko ung lakas ko para mapatumba sila. Tumayo ung parang clown, sasampalin niya dapat ako ng hinawakan ko ung kamay niya at siya ang sinampal ko. Nakatayo na ang tatlo niyang kasama, susugurin na dapat ako nang may biglang nag salita.

"Tumigil na nga kayo! Wala na ba kayong magawang matino kung hindi mang-bully!" sigaw niya. Napalingon ako sa kanya, Oh! Meron pa pala siya ditto. Hay! Thanks to him.

Walk AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon