Chapter 4: Strawberries
Yzobelle's P.O.V.
"Mind if i join you?"
O-kay. Sino naman to?
"Of course, not. Com'on. You can sit anywhere.", Aly
Kakilala 'nya?
Natigilan naman ako 'nung tumabi siya sa'kin. Teka, sino ba talaga 'to?
"Mind introducing yourself to us?", ako
"Oh! Yeah, i'm Marco Klein. Call me Marc. 12th grader. From room 204. Kayo?", wika 'nung boy
Si Anj na ang nagsalita in behalf of us.
"I'm Angeline. Anj nalang. This is Casseyufi here, Cas. Alexa, call her Aly. And beside you is Yzobelle--"
"Yzo nalang.", pagputol ko sa pagsasalita ni Anj
He smiled. He looked so innocent. But his innocence kinda hides something. Para bang 'pag tumitig ka sa mga mata 'nya, naaakit ka? Demigod ba 'to?! Aishhhhh >,< stop Yzo. Stop. Compose yourself.
Nag-hi naman sila Cas at Aly sa kanya. Tsaka kumain na kami. We were talking while eating.
"So, gaano na kayo katagal sa Rocksford? 'Di ko yata kayo napapansin sa campus? Dito na kasi ako since 7th grade eh.", Marc
"Actually, transferees kami dito. This is our first day here.", Aly
"Talaga? Nakakatawang isipin na ngayon 'nyo lang talaga naisipang magtransfer na 12th graders na kayo hahahaha", Marc
Medyo nainis naman ako 'dun. I mean, alam kong slightly absurd talagang isipin na sa last yr na namin naisipang magtransfer pero pwedeng magtanong muna sa dahilan? Tss ~_~
"We have our reasons.", i said coldly
"Oh, i'm sorry. That's not what it's supposed to mean.", Marc
I just smiled and we continued eating. Napansin kong parang may nakasabit sa bulsa 'nya. When i looked at it,
"Mahilig ka pala sa strawberries?", i asked
"Ah ito ba? Hindi. Pero ang babaeng mahal ko, mahilig.", sagot nya habang hawak 'yung keychain na strawberry
'Di ko alam pero the rest of the time we were eating, i was just staring at the keychain.
Sino kaya 'yung girl? Okay. May pagkachismosa nga pala ako, sorry naman XD
Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na si Marc pero bago siya umalis,
"Bye! Thanks for being so friendly. We'll meet again. Obviously, dahil schoolmates lang tayo hahahaha at eto!", Marc sabay hagis 'nung keychain 'nyang strawberry sa'kin
o.O
"Sa'yo na, may pagnanasa ka yata 'dyan eh. It was nice meeting the four of you. Especially you, Yzo.", pagkatapos ngumiti siya ng pagkatamis-tamis
At talagang napansin 'nyang kanina pa 'ko tingin ng tingin sa keychain na 'to?! Naknang. Napahiya ang lahi ko 'dun ah
(–,–")"O-kay? What was that Yzo? Ehem.", Anj
"Anong what was that? Magtigil ka nga! Wala. Gusto ko lang 'tong keychain. Cute kasi. Period.", sabi ko
"Sure kang ang keychain ang cute? Tsk tsk tsk. Ikaw Yzo ha, first day pa natin ngayon.", Anj said with this creepy look on her face
"–_______–", ako
Nakuuuuuuuuuu !
Note to self: maypagka-usisera din 'tong mga new friends ko =,=
Pagkatapos 'nun, naglakad-lakad pa kami sa campus. Napansin naming kanina pa talaga 'di umiimik si Cas. Malala na'to.
"Casseyufi, since friends naman na tayo, may pakialam na kami sa'yo. Please naman, magsalita ka naman paminsan-minsan oh.", sabi ko
"Oo nga Cas, since halos nalibot na natin 'tong campus, oras na para magkakilanlan na talaga tayo.", Anj
"Yes, maybe ngayon lang tayong apat nagkakilala pero does that even matter? Magkakasama din naman tayo this whole school year, then might as well enjoy the company of each other. Dahil ako? My first day wasn't as bad as i thought. Akala ko, madaming bullies sa school na'to since it's exclusive for elites but not until i met you guys. 'Nung nakita ko kayong tatlo sa admin office kaninang umaga, sorry but i really thought you're creepy hahahaha but oh well, first impressions don't often last.", wika ni Aly
Napangiti naman ako 'dun :)
Nang biglang nagsalita si Cas...
"A month ago, i had a horrible break-up. So horrible that i even tried killing myself. Paano namang hindi kung ang tanging lalaking minahal mo, iiwan ka nalang just for a petty reason?! Pucha naman! Iniwan 'nya ko dahil ayaw kong ibigay sa kanya ang pagkababae ko?! Tang*na! Sinong ginag*go 'nya?! For years, we shared nothing but love. He promised me nothing but the love he can give. He promised me the world even though having him is more than enough. Grabeh, ang dami na naming pinagdaanan pero sa pag-ayaw ko lang 'nung hiningi 'nya ang pagkababae ko, nawala lahat. Sa isang iglap, everything turned into bubbles and just f*cking popped! Akala ko mahal 'nya ko. Akala ko magtatagal kami. Akala ko 'sya na talaga. Tang*ina! Akala ko lang pala.", Cas habang humahagulgol
Ang sakit. 'Di ko alam pero ang sakit. Nasaktan ako para kay Cas. Now i understand why she acts the way she do. 'Di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Ganun din sina Aly at Anj.
"Kung ang kapalit ng ligaya ng pagmamahal ay ang pagkababae ko, sana pala, hindi na 'ko nagmahal. Edi sana, 'di ako nasasaktan ng ganito. Kasi pagod na 'ko eh. Pagod na pagod na 'ko. Kaya ayaw kong sumaya eh, 'di naman nagtatagal.", dagdag ni Cas na umiiyak pa rin
Umiiyak na kaming apat. Grabeh, i thought i've been through worst 'nung naaksidente ako pero mas malala pa pala 'yung pinagdaanan 'nya.
"Sorry Cas, kung wala kaming magawa para maibalik siya. Sorry kung nasaktan ka sa kanya. Sorry kung nahihirapan ka na. Ganyan talaga 'pag nagmamahal eh, nasasaktan. Dapat 'nung una pa, alam mo na 'yan.", umiiyak din na wika ni Anj
"Alam ko naman eh pero 'di ko akalaing ganito kasakit. Akala ko talaga, kagat lang ng langgam eh, pero pucha! Parang walang katapusan akong sinasaksak sa dibdib ko.", sabi ni Cas sabay yakap kay Anj
Hinahagod naman ni Aly ang likod ni Cas habang nakayakap ito kay Anj
"Shhhh, tahan na Cas. Everything happens for a reason.", Aly
"But sometimes, i wish i know what the reason is.", Cas
"Don't worry Cas, now that we're here, tutulungan ka namin. Nandito lang kami para sa'yo. Ngayon lang tayo nagkakilala, oo. Pero handa ka naming icomfort palagi. Maaasahan mo kami, okay?", i said then smiled
'Wag kang mag-alala Casseyufi. That jerk's gonna regret what he did. He'll see.
"Pause muna ang drama, snacks muna tayo oh. Gutom na si me XD", sabi ko sabay abot sa kanila ng sliced bread
"At talagang may dala kang sliced bread sa bag mo Yzo?", sabi ni Anj na medyo natatawa
"Aba'y syempre! Mahirap na, palagi pa naman akong gutom! Hahahahaha", i said
Ayun oh! Tumatawa na si Cas :')
Buti naman medyo okay na siya, nailabas 'nya na din ang napakabigat 'nyang dinadala."Bili tayo ng spread! Ang plain naman ng sliced bread lang.", Cas
"No need. I brought these! Eto oh.", sabi ko while handing them my jar of strawberry jam
Then we ate happily.
Pansin ko lang, mahilig yata ako sa strawberries? Hay naku! Kalokang buhay.