much love, G4's

14 0 0
                                    

Chapter 7: Note

Casseyufi's P.O.V.

After ng mahabang discussion ni ma'am, recess na. Dali-dali naman kaming nagpunta sa canteen.

Pagdating namin dun, ang haba ng pila. But oh well, transferees kami. Alangan namang sumingit, diba?

Nang malapit na kami, bigla akong kinalabit ni Aly,

"Cas, tawag ka oh", Aly

Napalingon naman ako sa tinuturo nya and,

>________<

"Hi Yufi!", then Reyn winked

Bwisit talaga yun! Arrrrgh!

"What's going on between you and that Reyn huh Cas?", Yzo

"Ha? Ewan ko sa lalaking yun! Wala lang yung magawa sa buhay =,=", ako

"Aba malay natin, he will be the one who can heal your broken pieces.", Aly at umarteng parang kinikilig

Yuck. Never in a million years! >,<

"Ha ha ha so funny.", ako

Ako kasi yung nasa huli ng pila kaya nauna na yung tatlo, sina Aly, Anj, at Yzo. Pagkatapos nilang bumili,

"Sige Cas, hintayin ka namin.", Anj

"Mauna nalang kayo sa room, malapit lang naman eh. Susunod nalang ako, okay?", sabi ko ng ngumingiti

"Okay, sabi mo eh.", Anj replied with a smile as well

Pagkatapos kong bumili, tumalikod na ko pero,

Sh*t.

Ang lapit ng mukha namin. 5 inches.

"Ang ganda pala ng mga mata mo, Miss Sungit ;)", Reyn

Naknang!!! Siniko ko nga tapos linagpasan ko lang siya.

"Yufi! Hintay! Sabay na tayo, classmates naman tayo diba? ^______^", Reyn

"You know what? Can you please leave me alone? Wala akong panahon sa mga trip mo, okay?!", sigaw ko

"Gusto ko lang naman makipagkaibigan eh, masama ba?", malungkot nyang sabi

"Oo! Kaya please lang lumayo ka sakin! Naiintindihan mo ba yun Castillo?!", singhal ko

"Loud and clear.", he said then turned around and walked away

Medyo naguilty naman ako pero naahhh, wala akong pake sa lalaking yun no.

Pumasok na 'ko sa classroom dahil baka ma-late pa ako.

Nang magstart na ang class, bigla kong naalala na itext si mama. Araw-araw pa naman yung nagpapatext.

Patago akong nagtext sa kanya, pero nung isend ko na,

"Sh*t! Out of balance! Ano ba yan! Ngayon pa talaga ako naubusan ng load. Naknang tupa!", bulong ko sa sarili

Since wala akong load, naisipan kong makitext kina Aly, kaya lang wala siyang load eh, pati rin si Yzo. Si Anj kaya? Kaya lang, ang layo nya eh. Nasa unahan siya nakaupo :(

So what i did, i crumpled a piece of paper and threw it towards Anj but,



Fck.

Ang teacher ang natamaan.

Sh*t Cas!!! You're in big trouble!

"Who threw this?", asked ma'am

Silence.

Patay ka talaga Casseyufi! Arrrgh!!! Ang tanga mooooo!!!

Silence.

"Who the hell threw this?!", the teacher asked again

Tatayo na sana ako ng biglang tinaas ni Reyn ang kamay nya.

No. Castillo, don't even think about it.

"Ako po ma'am. Ako po 'yung naghagis nung papel.", nakayukong sabi ni Reyn

"Castillo, Reyn. Detention. Now!", sigaw ni ma'am

Sobrang natakot kaming lahat sa galit ni ma'am. Pinakaayaw pa naman nyang naiinterrupt yung klase nya.

But before Reyn could go out of the room, he turned to me and gave me a weak smile.

Damn. Kinakain na ko ng konsensya!!!

Angeline's P.O.V.

Nagtataka talaga ako anong nangyari dun kay Castillo. Kahit wala akong pake dun, ang hirap pa rin madetention no!

After class, sabay na kaming lumabas nina Aly, Cas, at Yzo.

Pagdating namin sa parking lot, bigla nalang nagsalita si Cas,

"Guys, may sasabihin ako. Uhm, ako kasi dapat yung nadetention eh. Pero inako ni Reyn yung kasalanan. Ako naman kasi yung naghagis nung crumpled paper eh.", nakayukong sabi ni Cas

"Ha? At bakit mo naman hinagisan si ma'am ng papel? Naboboringan ka din sa klase nya? Naku Cas, parehas talaga tayo! Pero di ko nalang hinagisan ng papel, takot ko nalang madetention!", Aly

Bigla namang natawa si Cas pero mahina lang

"Tungeks! Hindi no! Anong naboboringan ka dyan! At talagang nandamay ka pa ha? Hahahaha anyways, binato ko yung papel kay Anj pero di sya yung tinamaan eh! Kung minamalas ka nga naman oh!", sabi ni Cas

"Ha? Bakit sakin?! o.O", tanong ko kay Cas

"Ganito kasi yun. Itetext ko sana si mommy kaso wala akong load tsaka wala rin tong sina Aly at Yzo kaya sayo nalang sana ako makikitext kaya lang ang layo mo te. Kaya yun, binato kita nung papel habang nagsusulat pa si ma'am sa blackboard. Di ko namang inasahang siya yung tatamaan eh :(", Cas

"Naku Cas, paano yan? Kawawa naman si Castillo. 10hrs pa naman ang detention. Gagabihin yun.", Yzo

"Bukas. Babawi ako sa kanya. Pero bukas na. Hiyang hiya pa ko sa kanya eh. Nagkasagutan kasi kami sa canteen. Alam nyo namang asar na asar ako dun eh.", Cas

Oo nga hahahaha sobrang asar! Pero astig din tong si Castillo eh! Tinataboy na nga siya ni Cas, bumubuntot pa rin XD Lovestruck yata !

Pagkatapos nun, nagpaalam na kami sa isa't isa. Sumabay na si Cas kay Aly since madadaan lang din naman ni Aly ang condo ni Cas.

Pagdating ko sa bahay, dumiretso na ko sa kwarto ko. Naalala kong may assignment nga pala kami. Kinuha ko na yung notebook ko sa bag pero nang buksan ko ang bag ko, may biglang nahulog na papel.

"Brace yourself for my sweet revenge, Fuentes."

O--kay? What is this? o.O

Tinignan ko lang yung papel at nakita kong may nakasulat sa likod,

L. Rocksford

No way.

Earth, swallow me now! As in now naaaaaaa!!! >______<

much love, G4'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon