Chapter 6: Better watch out
Angeline's P.O.V.
Yesterday was great! I met new friends and the school was nice. I really hope 'di ako magkaproblema dito.
Another day has just begun. Ginawa ko na ang routine ko every morning and immediately went to school. Ayoko nang ma-5mins late no XD
Pagdating ko sa Rocksford, mangilan-ngilan pa lang ang students. 9:30am pa lang eh. May 30mins pa bago magstart ang class. Pagpasok ko sa room, wala pa sila. Sina Aly, Yzo, at Cas. Sila lang naman ang gusto kong makasama eh ^_____^v
Nabagot ako kakahintay kaya lumabas muna ako at nagstrolling hahahaha sa hallways lang naman eh. Habang naglalakad ako, may nakita akong isang babae, she was crying and some boys are surrounding her. 'Di na 'ko nakatiis at nilapitan ko sila.
"Hey you! Stop that or i'll tell the admin!", sigaw ko sa parang leader ng mga goons na 'to
Oo. Goons tawag ko sa kanila. Akalain mo, 'nung nalapitan ko, nakita ko pang dinuduro-duro 'nya 'yong babae?! Langyang lalaki to ah! ~_~
"Sige, magsumbong ka. Wala akong pake.", he answered coldly
"Magsusumbong talaga ako! Bwisit!", tsaka nilapitan ko 'yung babae at hinila palayo 'dun sa mga lalaki
Bigla namang nagsalita 'yung lalaki bago kami nakalayo,
"You better watch out miss. I don't choose my prey. Kahit babae, pinapatulan ko. Chivalry is not in my vocabulary. And what you did a while ago? Tsk tsk tsk. Wrong move.", then an evil grin formed in his face
Kahit na medyo nathreatened talaga ako, sumagot pa rin ako.
"Oh really? Takot akooooo!", then acted as if takot nga talaga ako in a very sarcastic manner which made his "alalay goons" laugh
But stopped when,
"You better be.", he said then walked away
Oh sh*t. Am i into big trouble?!
O_____O————————
While i was walking back to the classroom, naalala kong kasama ko nga pala 'tong umiiyak na girl.
"Hey, what happened back there? And who are those goons?", ako
"Ate, salamat po talaga sa pagtulong. Pero sana po, 'di 'nyo nalang ginawa. Napahamak pa tuloy kayo.", sabi nya na parang maiiyak na
Napahamak?!
"Napahamak? Anong ibig mong sabihin?!", medyo taranta kong saad
Ayoko naman ipahalatang natatakot ako sa mga goons na 'yun no. Chin up, beautiful!
"Hindi mo ba talaga sila kilala ate? Oh kahit 'yung isa man lang sa kanila? Kahit 'yung nakausap mo kanina?", siya
"Hindi eh. Bakit ba? Kailangan ba talagang kilala ko sila?", ako
"The guy who just threatened you, he is the son of the owner of Rocksford. Lucas Rocksford III. Lord Luke. At 'yung mga kasama 'nya kanina, barkada 'nya 'yun. Sila ang tinuturing ng mga bullied students dito na nightmares of Rocksford. Alam mo ba ate, may namatay nang student dahil sa kanila. Kaya walang ni isa ditong kumakalaban sa kanila. Kaya sorry ate, napahamak ka pa.", sabi 'nya habang yumuyuko.
"It's okay. It's my choice na tulungan ka. At 'wag kang mag-alala, 'di ako takot sa kanila. I'm Angeline Fuentes nga pala. Ate Anj nalang. 12th grader. You are?", sabi ko while trying to compose myself
Hindi ko pwedeng ipakitang natatakot ako!
"Anika del Mar. 9th grader po. Salamat po talaga ate Anj. Sorry po talaga. Mag-iingat nalang po kayo palagi ha?", Anika
"Oh sige, salamat din. Sabi nang 'wag ng mag-alala eh. Lumakad ka na, baka ma-late ka pa 'nyan. Sa susunod, mag-iingat ka na ha? Ayoko kasing may napapahamak dahil lang sa mga taong walang magawa sa buhay.", sabi ko with my oh-so-sweet smile ^_____^
Pagkatapos 'nun, umalis na siya. Dumiretso na 'ko pabalik sa classroom and there, nakita ko na silang tatlong nagkwe-kwentuhan. Umupo na 'ko and tried my best to act na parang walang nangyari. Nakichika na 'din ako habang wala pa si ma'am.
Yzobelle's P.O.V.
"Tu--lungan 'nyo po--"
"Belle, ma--hal kit--"
Everything turned in to black.
Black.
Black.
I heard a woman crying.
A man shouting for help.
Then boom! I woke up. Gumising akong hinahabol ang aking hininga. It was just a bad dream. Phew! Unlike my routine every morning, nag-jog ako within the village. Since maaga akong nagising, may time pa naman ako. Pagkatapos kong mag-jogging. Nagpahinga muna ako sandali tsaka naligo, nagbihis, at kumain. Nagpaalam na 'ko sa parents ko then pumunta na ng Rocksford. 9:50am na pala. Shoot! Makaabot pa sana ako *cross-fingers*
Pagdating ko sa classroom,
"Haaaaayy, salamat! 'Kala ko talaga late na 'ko eh! Si Anj?", pagdating ko, si Aly at Cas lang 'yung nakita ko. Nakita ko 'yung bag ni Anj but she's out of my sight. Saan kaya 'yun?
"Wala rin kaming alam eh, pagdating namin dito, we saw only her bag but no sign of her. Baka naglakad-lakad lang sa campus, maaga sigurong dumating. Anyways, nagkita kasi kami nitong si Cas 'dyan sa labas kaya sabay na kaming pumasok.", sagot ni Aly
"Okay. Hintayin nalang natin. Parating na siguro 'yun.", i said with a smile
"Oh Cas, how are you na? Okay ka na ba?", i added
"Oo. Thanks to you guys, medyo nabawasan ang sama ng loob ko. Kaya naman, 'di na 'ko umiiyak. Paminsan-minsan nga lang.", sabi 'nya and laughed softly
Buti naman medyo okay na siya. Ayoko talagang may parang naa-out of place sa barkada kaya as much as possible, we'll do our best to comfort her :)
"Mabuti 'yan Cas, sana tuloy-tuloy na 'yan. Basta pakatatandaan mo ha? Barkada na tayo. Makikialam na talaga kami sa buhay mo. Whether you like it or like it, you have to like it. Hahahahahaha XD", tumatawa kong sabi
"May choice pa ba 'ko?", Cas habang tumatawa rin
Natawa na lang din si Aly sa'min. Buti na lang talaga, nagkakaclose na kami. These girls are much more than i've imagined.
Bigla namang dumating si Anj.
"Oh Anj, saan ka galing? Ba't parang pinagpapawisan ka? 'Wag mong sabihing nag-jogging ka sa labas?", tanong ni Aly
"Ah eh, hindi! Mainit lang talaga sa labas kaya ganun.", sabi ni Anj
No. Something's not okay. Matanong nga 'to mamaya.
"Guys, nandyan na si ma'am! Let's chika later nalang, recess time ;)", ako
Blah blah blah. Nakikinig naman ako pero alam ko na lahat ng dinidiscuss eh :/
I mean, 'di naman sa nagmamagaling ako pero consistent honor student kaya 'to! 'Di nga lang first XDTuloy pa rin ako sa pagmumuni-muni ng biglang may pumukaw sa'king atensyon.
Nakaupo kasi ako sa tabi ng bintana and beyond the window are the school grounds. Sa baba, may nakikita akong mga students na nagjojog-in-place.
P.E. yata nila ngayon. Suddenly, nakita ko 'yung Marc! But that's not the best part, he was the only one wearing a printed white tshirt! Anong nakalagay sa tshirt 'nya? Strawberry. Isang malaking strawberry.'Di naman siya masyadong mahilig sa strawberries no? o.O