Chapter 10: Half-a-strawberry
Alexa's P.O.V.
Pagdating ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko and checked my mac.
Lord, sana di nya ginalaw tong mac ko *cross-fingers*
Pagbukas ko, hmmmm, wala namang bago. Nothing mysterious. Phew! Buti na lang. Makakahinga na ko ng maayos.
Nagfacebook lang ako.
Scroll...
Scroll...
Scroll...
Hmmmm, walang bago. Boring kaya nagtwitter na ko.
Uy! May 1 notification!
Pagkaclick ko,
"Caaaaaaaaaaaaaaarl!!!" >,<
Sinasabi ko na nga ba eh!
Bigla namang pumasok ang maliit na mokong.
"Hi Lex! Been so long! So, did he dump you? Hahahahahahahaha", Carl
Langyang bata to oh.
"Hoy bata! Who the hell gave you the permission to touch things in MY room huh?! Pucha naman oh!", ako
"Oh did i? Oops haha sorry not sorry!", carl laughed then went out
Now what?! Argh!!!
Balik sa screen...
Ito lang naman kasi ang tinweet nya kay Seth, "Hi Seth! I love you kahit di mo ko napapansin!"
Then Seth replied.
"Talaga? Mahal mo ko? ;)"
Ano nang irereply ko dito?! I cant leave him hanging. Tsk.
I replied, "Hello Seth! This is Alexa Salvador. Sorry for the last tweet, it wasnt me but my cousin. Sorry talaga."
1 notification?
Seth Perez? Ang bilis naman yata niyang magreply?
"Expectation leads to disappointment. Haha i shouldve thought of that. Good night miss."
O--kay? What is this supposed to mean? o.O
Utak ni Aly, gumana ka pleaseeeeee !
Yzobelle's P.O.V.
Marc Klein. Hmmmm, sinearch ko sa facebook. Wala. Sinearch ko sa twitter. Wala din. Sinearch ko sa instagram. Mas lalong wala. Wala ba tong social media life?! Saang planeta ba yun galing?
Makatulog na nga.
Kinabukasan sa school...
(Lunchbreak)
Pagkatapos kong kumain sa canteen kasama sina Aly, Cas, at Anj, pinauna ko na sila sa room dahil feel kong bumili ng panghimagas XD
Habang pumipili ako ng snacks kahit kakakain ko lang, bigla akong nakakita ng isang strawberry donut! Yun oh! *_*
Dali-dali kong kinuha pero nang dadamputin ko na sana yun, may biglang humawak at nagkabanggaan tuloy yung kamay namin.
"Ay sorry, sige sayo nalang."
Marc?!
"Talaga? Sige, sabi mo eh hahaha", ako
"Ah, binayaran ko na yan ha. Sige, una na ko.", Marc
"Hoy teka lang!", ako
Kinuha ko na yung donut tsaka sinundan sya.
Nasundan ko naman siya sa rooftop ng Rocksford.
"Ah Marc!"
"Yzo? Oh bakit mo ko sinundan?"
"Gusto kasi kitang makausap eh. Pwede?"
"Sure, upo tayo?"
I chuckled then sat beside him.
"So, what do you wanna talk about?"
"About you. Sobrang mysterious ka kasi eh. Pero unang-una, tatanungin kita, sure ka bang di ka mahilig sa strawberries?"
"Hahahaha ang kulit mo. Di ako mysterious, mahiyain lang talaga.
At strawberries? Di naman talaga ako mahilig dun eh. Pero natutunan kong mahalin ang strawberry dahil mahal ko siya. Mahal ko si..."Pinutol niya ang pagsasalita niya at bigla nalang tumingin sa langit. Tumingin rin ako XD
"Marc? Anong tinitingnan mo?"
"Ang langit. Kasi kahit alam kong di ko siya kasama, malapit man kami o malayo sa isa't isa, basta alam kong nasa ilalim lang kami sa iisang langit, makikita ko siya. Mahahanap ko rin siya. At nararamdaman kong malapit na yun."
"Nasaan ba kasi siya? Sino ba yan?", ako
"Kaya nga di ko tinuloy yung sinasabi ko eh, kasi di ko alam kung sino siya. Tanging alam ko lang, mahal ko siya. Nagmamahalan kami. Pero wala siya sa tabi ko ngayon. Di ko siya kasama kasi may nangyari."
Habang nagsasalita siya, nakatingala pa rin siya sa langit.
"Naku, okay lang yan Marc. Alam ko, mahahanap mo rin siya. Pero medyo mahirap yan lalo na at di mo siya kilala.", malungkot kong saad
"Kilala ko siya. Pangalan at mukha lang ang nakalimutan ko pero kilalang kilala ko siya. Alam ko ang mga ayaw at gusto niya. Kilala ko siya."
Haaayy...naaawa na ko kay Marc. Bakit ba kasi siya iniwan nung babaeng yun? Okay naman si Marc eh. Ano kayang nangyari talaga? Nagka-amnesia pa talaga siya ha?
"Tutulungan kita Marc. Mahahanap mo rin siya. Nararamdam kong malapit na yun.", and i gave him an encouraging smile :)
"Salamat. Ah Yzo? Wala kang class?"
Oh noes! Di ko namalayan ang oras!
"Meron! Nakuuuuu! Sige una na ko Marc! Kitakits ha?"
"Hahaha halika na nga, ihahatid na kita sa klase mo.", Marc
Tumayo na siya nang biglang may nahulong,
"Marc! Nahulog oh!"
Mula sa bulsa ni Marc, nahulog ang isang necklace. Ang ganda. Sobra. It's a strawberry necklace. Silver. Kaya lang, half lang eh. Para bang, nasa ibang tao yung kalahati.
"Amin na!"
Bigla niyang hinablot.
"Sorry, importante lang kasi eh. Halika na.", Marc
Wow. Ang sentimental naman ng lalaking to. Mysterious na nga, sentimental pa. Haynaku.
Umalis na nga kami at dumiretso na sa room ko. Pagdating ko, buti na lang at magstastart pa lang si sir.
Nagpaalam na ko kay Marc at pumasok na.
Bigla naman akong tinanong nila.
"Hoy saan ka galing?", Anj
"At bakit mo kasama si Marc?", Aly
"May something kayo no?", Cas
-________-
"Magtigil nga kayo jan! Galing kami sa rooftop dahil may tinanong lang ako sa kanya about sa strawberries dahil napansin kong medyo mahilig siya dun at walang something sa'min okay?!", ako
Tumahimik na nga sila. Buti naman XD echoserang mga to hahahaha nakinig nalang kami ni sir hanggang sa magring na yung bell.
Pero bago kami makalabas, may pahabol pang sinabi si sir.
"Class, may program nga pala dito sa school the day after tomorrow. Baka may gustong mag-intermission number? Just go to the admin office at magpalista okay? Dont worry, may points kayo. Goodbye class."
Program? Sounds interesting. Then i spoke,
"So, whats the plan?"
![](https://img.wattpad.com/cover/54826741-288-k999566.jpg)