much love, G4's

17 1 0
                                    

Chapter 3: Rocksford

Angeline's P.O.V.

Pagkatapos magsalita 'nung lalaki sa unahan, bigla nalang nagkatensyon sa pagitan nila ni Cas. Magkakilala kaya sila? Bakit parang ang init yata ng dugo ni Cas sa kanya? Mmmmmm, i smell something fishy >____>

But before magkaeksena pa sa classroom, hinila ko na si Cas at naghanap na kami ng upuan kasama sina Aly at Yzo. Mahirap na, hindi pa naman namin alam ang kayang gawin nitong si Cas, ngayon lang nagkakilala eh.

Nang maupo na kami, nagstart na 'yung teacher. Skip nalang natin yung intro part dahil boring. Names lang naman daw ang sabihin eh sabi ni ma'am para mabilis daw, kailangan pa naman naming sulitin 'yung oras dahil 'diba nga? 3hrs lang kapag first day of class? XD

Pansin ko lang, 'yung lalaking kumausap kay Cas kanina, panay ang sulyap kay Cas. Ano nga bang pangalan 'nung lalaking 'yun? Reyn yata? 'Di kasi ako masyadong nakinig 'nung introduce yourselves eh tsaka wala naman akong pake 'dun sa lalaking 'yun. But one thing's for sure, trip nya si Casseyufi.

Si Cas naman, ewan ko kung nakikinig ba 'to, tumitingin nga sa harap pero parang tagos naman sa blackboard ang tingin. Haaaayy :(
Ngayon lang kami nagkakilala nitong mga 'to, pero feeling ko attached na 'ko sa kanila. At nararamdaman kong si Cas ang pinaka-may problema. Siguro, ang bigat ng dinadala nya? Tsk.

Goal : know more about your new friends...and make Cas feel a lot better :)

Casseyufi's P.O.V.

Arrrrrrrrrrgh!!! Langyang buhay 'to oh! Kung minamalas ka nga naman!!! >______<

At talagang classmates pa ha?! Nyeta lang talaga. Ganun na ba kagalit ang mundo sa'kin?! Ayoko naaaaaaaa!!!

Habang nagsasalita sa harap 'yung teacher, nakatingin lang ako sa blackboard pero spaced-out ako. Here i go again. Thinking. Deep. Zack na naman. Siya nalang palagi. Naiiyak ako pero wala. Walang luhang tumutulo. Naubos na yata eh hahahaha. Ikaw ba naman, gawing routine ang pag-iyak, 'di ka ba maubusan ng luha.

Oo, siguro nagpapakatanga ako dahil araw-araw kong iniiyakan ang g*gong 'yun. Pero kasi, 'di 'nyo alam ang pinagdaanan namin.

Saan ba ako nagkamali? Binigay ko naman sa kanya lahat. Tapos, hindi ko lang masuko ang pagkababae ko, iiwan na 'nya ako? Ang unfair naman 'nun! Para namang sinampal 'nya sa'kin na ni minsan, sa 3yrs naming pagsasama, 'di 'nya ko minahal! Kasi tang*na ang sakit! Ang sakit sakit lang! He doesn't have a single idea how much he broke me. No. He destroyed me. Beyond repair.

Habang nagmumuni-muni ako, biglang tumunog ang bell which brought me back to reality.

"Cas, are you okay?", sabi ni Yzo

"Yeah, i'm fine.", i said with a smile plastered on my face

"Let's go guys, time to tour around the campus!", sigaw ni Aly

"Sabay na tayong maglunch ha?", ani Anj

Aalis na sana kami ng biglang may tumawag sa pangalan ko,

"Miss Sungit-na-Casseyufi-pala-ang-pangalan!!!", sigaw 'nung impaktong lalaki =,=

Nilingon ko siya with a sweet smile and please note the intense sarcasm.

"Yes mister? Ano nga pala 'yung pangalan mo? ^_____^", sabi ko

Lumapit siya and offered his hand.

"That's more like it! You, smiling ever so sweetly. Reyn nga pala. Reyn Castillo.", sabi nya

Teka lang. Familiar sa'kin ang Castillo. Oh well, wala nga pala akong pake sa kanya.

"Well, hi there Mr. Castillo. It seems you are so giddy and all seeing me so pissed. But mind you, you don't have any idea what i can do.", sabi ko still with my sweet smile

"Ha? No, you got it wrong. Hindi kita inaasar. Kaya lang, simula 'nung nabunggo kita kanina sa hallway, i don't know but there's something in you that interests me so damn much. Anyways, i'll see you around, Sungit :P", sabi nya sabay takbo

Aba't !!! Patay ka talaga sa'kin Castillo! Arrrrrrgh!!! Tinik ka talaga sa lalamunan!!! >,<

Paglingon ko nila Yzo, tumatawa sila. Wow, so may nakakatawa sa nangyari, ganun? Badterp.

"Alis na nga tayo. Gutom na 'ko.", sabi ko nalang

Yzobelle's P.O.V.

Grabeh! Hoooooooooo! Priceless talaga 'yung mukha ni Cas 'nung nakausap 'nya kanina si Reyn! Hahahahahahahahaha XD

'Di talaga namin mapigilan ang pagtawa. Pati si Anj at Aly, sumasakit nang tyan sa kakatawa XD

Paano kasi, inis na inis na nga si Cas, kumekeso pa 'yung Reyn! Muntik na tuloy sumabog si Cas hahahahahahaha buti tumakbo na ang mokong, feeling ko mabigat ang kamay ng Casseyufi na 'to eh XD

Habang naglalakad kami, tumatawa pa rin kaming tatlo at bigla nalang nagsalita si Cas,

"Nakakatawa talaga 'yun no? Grabeh dami kong tawa, mga singkwenty. =,=" sabi ni Cas ng nakapokerface

Ayun! Tumawa tuloy kami ng mas malakas!!! XD
Astig din magjoke 'tong si Cas eh, silent nga pero 'pag nagsalita na, grabeh, parang walang pinagdadaanan!

Don't get me wrong ha. 'Di ko naman talaga alam. Pero base sa mga nakikita namin sa kanya, may pinagdadaanan nga siya. At dahil instant magkaibigan na kami, kailangan namin siyang tulungan kung ano man 'yun :)

Habang nagtotour kami sa campus, biglang tumunog 'yung tyan ni Aly XD

"Canteen tayo? Doon 'yun 'diba?", sabi ni Anj ng medyo natatawa

Dumiretso na kami sa canteen since kumukulo na talaga mga tyan namin.

Maganda talaga ang Rocksford. Tatlo ang olympic-sized swimming pool nila. Dalawang soccer field at isang rubberized track. About 8 buildings ang mayroon sila. Each has 4 floors.

Nang ready na kaming kumain, may lumapit na lalaki sa table namin,

"Mind if i join you?"

much love, G4'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon