Chapter 8: Payback
Angeline's P.O.V.
Umaga na. Ewan ko kung nakatulog ba ko. Di mawala sa isip ko yung note sa bag ko. Paano napasok yun sa bag ko?! Langyang buhay naman to oh. Bago pa nga lang ako sa Rocksford, napagtripan na ko ng anak ng may-ari. Juskooooooooooooo!!!
Pagkatapos kong magmuni-muni, naligo na ko at dali daling nagbihis at kumain. Pagdating ko sa carpark, tinignan ko ang phone ko. 9:30am. Maaga pa.
Dumiretso na ko sa classroom. Pero habang naglalakad ako sa hallway, napansin kong parang may sumusunod sakin.
Mga schoolmates mo lang yan Anj, chill.
Paglingon ko, wala namang tao. Halos ang mangilan ngilang students, nandun sa grounds. Ewan ko pero kinakabahan ako. Something's not right.
Habang naglalakad ako, may lalaking biglang humarang sakin. Tatalikod na sana ako dahil creepy makatingin yung lalaki kaya lang pagtalikod ko, may mga lalaki din.
Damn. Ito na nga bang sinasabi ko.
Sinubukan kong lagpasan yung mga lalaki nang biglang may humawak sa braso ko mula sa likuran at nagsalita,
"Not so fast.", sabi nung Luke.
Di ako lumingon pero alam kong yung Luke ang nagsalita dahil fresh pa saking memories ang mga pagbabanta nya sakin kahapon."Anong kailangan nyo?", sagot ko
"Naku Fuentes, wala silang kailangan sayo. Ako, meron.", he said with a smirk
Ew. Creepy.
"Oh bakit? Anong kailangan mo? Bilisan mo at papasok na ko sa classroom ko. Tss.", i said as if not nervous when deep inside i am
Hello?! Ako lang yata tao dito sa hallway eh! Maliban nalang sa mga goons na to!
"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko.", he answered
"Tss. Hoy, ikaw! Tinatakot mo ba ako? Baka di mo ko kilala hoy! Kung--hoy!!!", hindi na ko nakatapos sa pagsasalita dahil bigla nalang nya akong hinila kung saan
Pagdating namin dito sa parang madamong lugar dito sa school, ewan ko basta mukha siyang garden na di naalagaan. Bigla niyang pinaalis yung mga kasama nyang goons.
"Hoy lalaki! Kung ano ang kailangan mo sakin, sabihin mo na agad! Wala akong panahon sa mga walang kakwenta-kwentang--", and again, di niya ko pinatapos dahil bigla niyang inilapit sakin ang mukha niya
Sobrang lapit.
Di ako makagalaw.
Pumikit ako. Di ko alam kung bakit pero bigla nalang akong napapikit.
Nang buksan ko ang isang mata ko, malapit pa din siya pero this time, nakasmirk na.
"Anong akala mo? Hahalikan kita to make you shut up? Sorry pero di kita type.", he said then inilayo na niya ang mukha niya sakin
Aba't!!! Ang hangin naman ng taong to oh! Naknang!!! Arrrrrrgh!!! >,<
"Ang kapal naman ng mukha mo! At ano sa tingin mo? Type kita? Kahit ikaw nalang ang nag-iisang lalaki dito sa mundo, di pa rin kita papatulan hoy! Bwiset!", sigaw ko
"Alam mo bang ang daldal mo?! Tang*ina! Tumahimik ka kung ayaw mong mapatay kita ng wala sa oras!", sigaw niya
Okay. 1,2,3, zip. Tatahimik na ko. Below the belt na yun ah. Shet lang.
"Simple lang naman ang gusto kong mangyari Fuentes. Magiging alalay kita sa loob ng isang linggo. 'Wag kang mag-alala, 'di ko ipagkakalat na alalay lang kita.", Luke
"Alalay?! Sa ganda kong to gagawin mo kong alalay?! Hoy lalaki! Wag mo kong gag*guhin dahil di mo ko kilala!", sigaw ko naman
"Angeline Fuentes, 18. Daughter of Shiloh and Howard Vince Fuentes, the son of Bernard Fuentes, the famous business tycoon in the elite circle. Ano pa? Ano pang di ko alam sayo?", he said while giving me a bored look
Stalker ko ba to?! O_____O
"Wag kang masyadong feelingera. Di mo ko stalker. I just, know everything.", sabi niya
And i didn't know he can read minds as well!!! Creepyyyyy >__>
"Music room. After class.", Luke said then left
Haaaaaa?! Me?! Alalay?! Nooooooooo!!!
I. Am. So. Dead.
Yzobelle's P.O.V.
Prayer na pero wala pa rin si Anj, late yata siya ngayon? Sana naman di nag-absent.
When the prayer ended, saktong dumating si Anj kaya sumabay nalang siya sa pag-upo namin. Di naman nakahalata si ma'am XD
Mamaya nalang namin to tatanungin, after class.
In the middle of the discussion, may biglang kumatok
"Excuse me ma'am. Good morning. Will you please excuse Ms. Ferrer from your class? Pinatatawag po siya ng admin.", sabi nung girl na kumatok
Tumango naman yung teacher ko kaya nagpaalam na ko at kila Aly, Anj, at Cas
Bakit kaya ako pinapatawag? Mmmmmm, wala naman akong nagawang mali o ano? o.O
Pagdating ko sa admin office, kinausap na niya ko
"Good morning Ms. Ferrer, pinatawag kita to ask you about your forms. May kulang ka kasi. Can i expect it by tomorrow? Kailangan na kasing iencode eh.", sabi nung admin
"Yes, po. Dadalhin ko nalang po bukas.", i said with a smile
Aalis na sana ako nang bigla niya akong tinawag
"Ms. Ferrer? Pwede bang tulungan mo muna ang assistant kong mag-ayos ng forms dun sa loob? Para naman may idea ka what your form looks like kapag kinuha mo na to.", sabi nung admin
Tumango naman ko at pumasok na sa loob para mag-ayos ng forms.
Nang makapasok ako, nagulat ako ng,
"Oh Yzo! Hello! Nandito ka? Diba class hours mo?", Marc
"Marc? Assistant ka ng admin?", tanong ko
"Ah oo, free sched kasi ako sa mga oras na ito. Sayang naman kung di ko magagamit diba?", sagot niya
Wow. Nahiya naman ako sa kasipagan ng lalaking to.
"Sipag natin ah. Naghahanda na sa future? Hahahaha", patawa kong saad
"Oo, hinihintay ko kasing bumalik na siya.", malungkot niyang sabi
"Siya? Sinong siya? Mama mo?", tanong ko
"Hindi. Yung babaeng mahal ko.". Marc
"Ha? Bakit? Naghiwalay ba kayo? Nag-abroad siya?", usisa ko pa
"Di ko rin alam eh, gumising nalang ako isang araw, wala na siya.", Marc
Sasagot pa sana ako nang biglang pumasok ang admin at may kinuha sa loob. Naputol tuloy yung pag-uusap namin! Paglabas ng admin,
Silence.
Awkward silence.
Ayokong magsalita. Naaawa ako sa kanya. Para din kasi siyang si Cas eh :(
May napansin akong peklat sa braso nya kaya tinanong ko,
"Ah Marc? May peklat ka oh. Saan mo yan nakuha?", tanong ko
Pero imbes na sagutin, ginulo niya lang ang buhok ko at tumawa
Okay rin tong kausap eh =,=
Pagkatapos naming mag-ayos, bumalik na ko sa classroom.
Nagtataka talaga ako. Medyo parehas din kasi kami ng pinagdaanan eh. Nagising nalang ng wala na ang minamahal. Haaaaayy, sana mas makilala pa kita...Marco Klein.