Byun Baekhyun

204 9 7
                                    

*Xylee Steff Villarin*

"Kaklase talaga natin yung transfer student!"

"Oo! Grabe nakita nyo na ba? Ang gwapong koreano!"

"Kyaa! Ang swerte natin!"

Napapikit ako sa ingay na naririnig ko. Tanginang mga babae to! Puro kalandian ang pinag-uusapan!

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang adviser namin na si Mrs. Reyes.

"Quiet class!!" Sita nito sa mga kaklase kong maingay.

Silence.

"Alam ko na nabalitaan niyo na may bagong transfer student dito sa school. So, I want you all to welcome your new classmate...Mr. Byun?" Sumenyas ito sa may pinto. Pumasok sa loob ang transfer student.

He was tall. Napansin ko agad ang nasa mata nito na eyeliner.

Tss. Bakla...

Binalik ko na ulit ang atensiyon ko sa binabasang libro. Habang ang ibang mga kababaihan kong kaklase ay halos mahimatay na sa sobrang kilig. Mga malalandi!

"Hi! My name is Byun Baekhyun a transfer student from Korea. I am half Filipino and half Korean. I am seventeen years old. Hope you all be nice to me. Thank you!" Pakilala nito saka nagbow.

Napangiwi ako sa ingay. Ano ba to? May concert ba sa loob ng room? Tsk!

"Quiet class!! Okay, Mr. Byun you may sit beside..." Naghanap ng bakanteng upuan si Mrs. Reyes. "Miss Villarin."

Nagulat ako ng marinig ang apelyido ko. Lahat ng kaklase ko napahinto at napatingin sa direksiyon ko. Habang si Baekhyun naman ay nakangiting tinungo ang upuan sa tabi ko.

"Myghad! Sa lahat ng makakatabi bakit si Lee pa?!"

"Tsk! Kabadtrip! Sana ako nalang yung katabi niya!"

"Arrgh! Nakakinis!!!"

Rinig na rinig ko yung bulungan ng mga kaklase kong babae. Tiningnan ko sila ng masama pati itong lalaking umupo sa tabi ko.

"Hi!" Masiglang bati nya saakin.

"Move." Sabi ko sa malamig na boses. Nakita ko pang kumunot ang noo nito. Ang slow naman ng isang to.

"I said move." May halong inis na ang boses ko.

"O-okay..." Natatarantang inusog nito ang upuan niya palayo saakin.

Inlove ako kay EyelinerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon