Who's KA ?

39 4 2
                                    

*Xylee Steff Villarin*

P

agkarating namin ni Blake sa tapat ng bahay. Parang nakita ko yung kotse ni Andrea..

Anong ginagawa niya dito? Sino yung pinuntahan niya?? Aist! Baka naman hindi si Andrea yun, kapareho lang siguro ng kotse niya.

"Salamat sa paghatid, Blake.." Nginitian ko siya at lumabas na ng kotse niya.

Malaki ang pasasalamat ko kay Blake sa paghatid niya at pagsundo saken kapag may pasok sa school. Yung kotse ko kasi hindi na pinapagamit saken ni Dad. Ewan ko ba kung bakit? Last week kinuha nalang niya bigla saken yung key ng car ko.

Sigh. Pumasok na ako sa loob ng bahay. Pagpasok ko sa loob.. As usual, tahimik at walang kabuhay buhay... Di tulad noon.

Agad kong pinunasan yung luha ko sa pisngi.

I missed my mom...

Kung sana nabubuhay pa si mommy katulad parin kami ng dati. Masayang pamilya parin sana kami hanggang ngayon.. (_ _)

Napadaan ako sa office ni daddy. Ang tahimik. Out of town kasi si daddy at may inaasikasong trabaho. Kaya ako lang at si Manang Beth ang naiwan sa bahay.

Pero kahit naman nasa bahay si daddy parang wala din siya. Parang hangin lang ako kung itrato niya. Parang hindi ako nag eexist dito sa mundo.. Kaya sobrang miss na miss ko na ang daddy!

Kinuha ko yung picture frame na nakalagay sa study table niya.

Kailan kaya kami babalik sa dati??

Sigh. Lumabas na ako sa office at dumiretso sa room ko. Tinapos ko muna yung mga assignment ko bago bumaba sa kusina para magdinner.

Ang lungkot. Ako lang ang magisang kumakain. Kaya naman tinawag ko si Manang Beth at sinabe kong sabayan niya ko sa pagkaen dahil nakakawalang gana kapag magisa lang.. (_ _)

Pagkatapos kumaen. Umakyat na ulit ako sa kwarto ko. Tumingin ako sa orasan. 7:30 pm na. Kaya napag desisyunan ko ng matulog..

Pero hindi ako makatulog!

Iniisip ko kasi si.... Baekhyun!

Aist! Bakit ko ba kasi iniisip yung baklang eyeliner na yun?! Inis ako sakanya diba? Inis.ako.sakanya.period

Kinuha ko yung laptop ko at binuksan ang facebook ko. Antagal ko na palang hindi nakakapagbukas ng fb.

97 notification

201 friend request

3 message

Tinignan ko yung notification.. Puro likes lang sa post ko. Sunod na tinignan ko yung friend request.. Yung iba hindi ko naman mga kiala eh! Hanggang sa nakita ko yung name ni Baekhyun..

Byun Baekhyun send you a friend request

Accept     Delete request

Hindi ko alam yung gagawen ko. Amp! Hindi naman kami friend kaya delete request nalang. Pero....

You're now friends with Byun Baekhyun

Bahala na! Friends lang nman sa fb eh. Sunod na tinignan ko yung messages..

Kay Andrea. Kay Baekhyun at sa KA.. Eh? Sino naman yung KA?

Una kong binasa yung kay Andrea.

Andrea

I missed you bhes....

Sinend niya pa saken 'to nung last last month kaya hindi ko na siya nireplyan. Kahit namimiss ko na rin siya...

Baekhyun

Hi. ;)

Tch. May smile pang nalalaan?? Haha. Ang weird talaga ng baklang eyeliner na 'to! Hindi ko na din siya nireplyan FC much eh! XD

Tinignan ko nalang yung profile niya. Oist! Diko siya in-sstalk ah! Gusto ko lang makita yung mga picture niya.

As i expected... Lahat ng photos niya puro may nakalagay na eyeliner sa mata niya. Siguro nga beki siya. Tch. Sayang pogi pa naman! What?! Wait did i just say that he's handsome?!!

Ha-ha! Joke lang yun! Ang pangit niya kaya!

Tinigilan ko na yung pagtingin tingin sa photos niya. Binasa ko na yung last message galing sa KA.

Sino ba 'to?!

KA

I will kill you!!

Tapos nag-send siya ng picture ko na puro dugo!

Wtf?! Sino ba 'tong KA na 'to?! Hindi ko na namalayan na nanginginig na ako sa sobrang takot!

Pa-papatayin niya ko???...

KA

Do you miss your mom huh??

Nireplyan ko siya dahil nakita kong online siya. Sino tong hudas na to?!

Me

What the f*ck?! Who the hell are you?!!

KA

I'm going to kill you like what i did to your mom! Hahahahaha!

Nagsend siya ng picture namin ni mommy kagaya nung nauna puro dugo din.

My eyes widened! Si-siya yung pumatay kay mom?!!

------------------------------

Omg! So creepy! 0_0
Sino kaya yung KA?? At ano ang kinalaman niya sa pagkamatay ng mommy ni Xylee???
Abangan sa next update! Lols!

Vote and feel free to comment!!

Inlove ako kay EyelinerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon