I will protect you

20 3 0
                                    

*Byun Baekhyun*

Pagkatapos gamutin nung nurse yung sugat ko sa braso nilapitan ako ni Xylee at tinanong kung okay lang ba ako.

"Okay lang nga sabe ako." nakangiting sabe ko.

Natutuwa ako at nagaalala siya saken at kinakausapnna niya ako..ng maayos. Yung hindi niya ko sinusungitan :))

"Sa-salamat pala. Kung hindi dahil sayo baka napahamak na ako." nakayukong sabe niya parang nahihihya pa. Ang cute.

"Wala yun.."

Paglabas namin ng clinic bigla nalang sumulpot si V.

"Baek! Anong nangyare sa braso mo? Sinong gumawa niyan?!" may halong galit sa boses niya.

Kahit ganyan yang kapatid ko. Ayaw niyan na may nananakit saken kaya mahal ko yang kambal ko eh..

"Wala lang 'to.." sabe ko nalang.

"Tss. Kilala mo ba kung sino ang may gawa niyan sayo??!"

"Hindi ko alam. Masyado siyang malayo samen kaya hindi ko masyadong nakita yung mukha niya.."

Naalala ko pa kung paano pumorma ang ngiti sa kanyang labi. Para siyang demonyo kung ngumiti

"Si Lee ang gusto niyang barilin..pero ako ang sumangga sa bala kaya ako ang tinamaan." paliwanag ko.

Nakita ko na tumingin si V kay Lee pero agad din siyang nagiwas ng tingin

"Naiintindihan ko.. Sa susunod mag iingat na kayo." sabe niya at umalis na.

*****

( Third Person's POV )

"WHAT THE F*CK KENNETH?! Ang usapan natin ay wala munang masasaktan?!! Pero ano 'tong ginawa mo?!!" sigaw ko sakanya pagkarating ko sa lugar niya.

Naiinis ako sakanya! Masyado siyang excited gumawa ng eksena! May pinagusapan na kami noon pero ano tong ginawa niya?!!

"Easy lang, couz.. Masyado kasing pakelamero ang-----"

"Kahit na!"

"Ano bang problema mo?! Sakanila kana ba kumakampi?? HA?!!" nakita kong naglabas siya ng baril at itinutok saken.

Wala akong pake kahit patayin man niya ako ngayon.. Dahil matagal na akong handang mamatay!

"Ang saken lang.. May pinagusapan tayo.. Ginagawa ko ng mabuti ang inuutos mo saken kaya gawin mo din ang parte mo!"

"Tss. Fine!" binaba na niya ang hawak niyang baril .

"Pero sa susunod na humarang ulit ang pakelamerong lalaking yun! Hindi ako magdadalawang isip na patayin din siya!" ngumiti siya ng nakakaloko "Kaya dapat lang na gawin mo ng mabuti ang inuutos ko sayo.. Maliwanag ba?!!"

"Basta tumupad ka sa usapan!!" pagkasabe ko nun umalis na ako.

Hindi ako papayag na mangyare ang gusto niya..

Sisiguraduhin kong dadaan muna siya sa bangkay ko bago pa siya makapatay ng ibang tao!

*****

*Xylee Steff Villarin*

Nang maguwian na inalok ako ni Baekhyun na ihahatid niya ako samen pero tinanggihan ko siya.

Ang alam niya kasi sa bahay parin ni daddy ako nakatira pero ang totoo hindi na.. Sa bahay ni Blake ako ngayon tumutuloy.

"Sigurado ka hindi ka magpapahatid? Pero baka mapahamak ka!" nag aalalang sabe niya.

Naglalakad kami ngayon sa hallway at pinagtitinginan ng mga estudyante.. Pero wala akong pake.

Nakapag desisyon na ako simula kanina na hindi ko na lalayuan si Baekhyun.

Hindi dahil sa may utang na loob ako sakanya dahil sa pagligtas niya sa buhay ko---kundi dahil ito ang gusto ko.. Ang mapalapit sakanya.

"Okay nga lang sabe ako hindi ako mapapahamak." paninigurado ko sakanya.

Pero mukhang nagaalala parin siya saken.

"Ayokong mapahamak ka..." seryosong sabe niya kaya napatigil ako sa paglalakad.

Tinitigan ko siya sa mata at ngumiti "Alam ko."

Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat.

Eh?? Anyare sakanya? Parang nakakita ng multo.

"Ngu-ngumiti ka..." hindi makapaniwalang sabe niya.

Natawa tuloy ako bigla parang engot kasi siya eh. Pft! Kunsabagay.. Ngayon lang ulit ako ngumiti .

"Tu-tumatawa kana ngayon!" tinuturo pa niya ako na para bang isa akong multo. Nakakatawa talaga siya!

"Haha! Tigilan mo nga yan para kang tanga!" sabe ko at hinampas siya sa braso.

Natawa na din siya.

"Sana lagi ka nalang nakangiti.. Mas lalo ka kasing gumaganda kapag nakangiti ka." sabe niya at feeling ko ay namula yung pisngi ko.

"Wag kang mag alala.. Lagi na akong ngingiti basta ipangako mo na hindi mo ako iiwan." hindi ko alam kung bakit ko nasabe yun basta ang alam ko lang ..ayoko ng maging magisa..ayoko ng iwan ako ng mga taong mahal ko.. Kagaya ni daddy (__ __)

"Hindi kita iiwan.. At poprotektahan kita.. Pangako." ngumiti siya saken at niyakap ako.

Niyakap ko din siya. Ang sarap sa feeling. Sana lang ay tupadin niya ang pangako niya...

Nagpaalam na ako kay baekhyun na mauuna na akong umuwe .. Dumiretso ako sa parking lot dahil panigurado hinihintay na ako ni Blake kanina pa.

Sabe ko kasi sakanya sa parking lot nalang niya ako hihintayin...

"Antagal mo naman----Woah! teka... XYLEE IKAW BA YAN?!!" namamanghang tinitigan ako ni Blake.

Parang ewan lang.. Pareho sila ng expression ni Baekhyun kanina

(-_____-)

Nawala tuloy yung ngiti ko sa labi.

"Sa tingin mo sino ako??" Nababanas na sabe ko.

"Si X-Xylee.." nag aalinlangan pa niyang sabe. Tss.

"Alam mo naman pala eh." nag seatbelt na ako.

"Hindi kasi----Naninibago lang ako sayo..."

"Pwes ngayon masanay kana."

"Anong nangyare?? Bakit ata bigla bigla ka nalang nagbago ng katauhan ngayon?? From being a cold-person to a happy-person."

Pft! Natawa naman ako sa sinabe niyang happy-person.

Happy talaga ( --.--)

"Secret." Tipid kong sagot.

Ayokong sabihin na dahil sa isang lalaki kaya ako nagbago ng biglaan..

Basta ang alam ko.

Eto na ang simula ng pagbabago ko.

Gusto ko ng ibalik ang Xylee na masyahin noon...

Ayoko ng magpabalot sa dilim. Gusto ko ng liwanag. Masaya ako sa mga nangyayare ngayon...

Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Kagaya nalamang ng nangyare kanina..

Hindi ko parin kilala kung sino yung taong gustong pumatay saken. Wala akong ideya kung sino man ang taong yun...

Inlove ako kay EyelinerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon