She's Back

22 3 0
                                    

*Byun Baekhyun*

Bwisit!

Bwisit!

Bwisit!

Nakakainis! Kanina lang andito si Lee pero bigla nalang siyang nawala?!

Shete! Namalikmata lang ba ako kanina?? Haist! Pero imposible naman siguro yun! Nakita ko pa nga kasama niya si Blake eh!! Bwisit talaga!!!

"Oppa kanina pa nakabusangot yang mukha mo.. May problema ba??"

Isa pa 'tong si Jenny eh. Kanina pa tawag ng tawag saken ng 'Oppa' nakakabanas na! >.<

"Okay nga lang sabe ako!!" Yan! Nasigawan ko tuloy siya

"Ga-galit ka ba??" Parang maiiyak na siya

Peste naman! Nakakakonsensiya!

"Hindi ako galit. Sorry kung nasigawan kita.. May iniisip lang ako"

"Okay." ngumiti ulit siya.. Ang bilis talaga magbago ng mood ng babaeng 'to.

"Gusto ko ng ice cream! Bili mo ko ng ice cream oppa..please!!" Nag puppy eye pa siya at effective naman . Leche! Bakit ba kasi ng cute ng babaeng 'to?!

"Sige."

"Yehey!" Pumalakpak pa siya na parang bata. O isip bata lang talaga siya?? Tsk.tsk.

Pumunta na kami sa bilihan ng ice cream

"Oppa gusto ko strawberry flavor ah.."

"Oo na bibili na kita.."

So ..Bumili na ako nga ko ng ice cream strawberry flavor.

"Thank you! Oppa!" Kiniss niya ko sa cheeks na kinagulat ko

At sa di kalayuan tanaw na tanaw ko si Lee na nakatingin samin.. saken.

Bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko.. Ang sama ng tingin niya saken yung tipong gusto niyang pumatay ng tao.

Nakaramdam tuloy ako ng kaba.. Nagagalit ba siya saken dahil sa nakita niyang hinalikan ako ni Jenny sa pisngi??

Hindi ko maiwasang ngumiti.. Kung ganoon nagseselos siya?? At kung nagseselos siya?? Ibig sabihin may gusto siya saken!

Hahahaha!!! Nababaliw na ako!!

Parang babae naman ako kung mag assume na may gusto saken si Lee..

Nawala ang ngiti sa labi ko ng bigla nalang akbayan ni Blake si Lee at tumingin sa direksiyon ko.. Nakita ko siyang ngumiti ng nakakaloko!

Anakng! Eh kung sapakin ko kaya siya?!!

Inaya na niya si Lee na maglakad palabas ng amusement park.. Ako naman hindi ko malaman kung susundan ko ba sila o hindi.. Kasi kung susundan ko sila paano naman 'tong kasama kong Si Jenny??

Baka magalit siya kapag iniwanan ko siya bigla..

Kaya sa huli hindi ko na nasundan sila Lee..

--------

M O N D A Y ngayon. At may pasok na naman syempre!

Hayy, parang tinatamad na naman akong pumasok sa klase.. Baka kasi hindi na naman pumasok si Lee. Kaya sa rooftop ang punta ko ngayon..

Naglalakad ako sa hallway ng marinig ko ang pinaguuspaan ng mga estudyante

"Totoo ba?? Nagbalik na siya?!!"

Inlove ako kay EyelinerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon