Jenny Jung

32 4 3
                                    

*Blake San Diego*

P

atungo ko sa bahay ni Xylee.. Gusto ko kasing masiguro kung nakauwe siya ng maayos ..hindi kasi siya nagpahatid saken kanina pauwe sinabe niya kasing may pupuntahan siya..

Siguro naman nakauwe na siya.. Gusto ko na siyang makita namimiss ko na kasi agad siya eh :"""")

Sa sobrang saya ko.. Hindi ko namalayan na may papatawid na palang tao sa daan.. Muntik ko na siyang madumugan buti nalang muntik lang.

Sino ba kasi 'tong babaeng 'to? Balak niya bang magpakamatay??!

Napansin ko yung uniform niya kapareho ng uniform ng school namin.
Humarap saken yung babae at nakita ko yung mukha niya...

"Xylee?!"

Sh*t! Bakit siya umiiyak?!!

Bumaba ako ng kotse at nagaalalang nilapitan siya..

"What happened to you? Bakit ka umiiyak??"

"Blake!" Niyakap niya ako at humagulgol siya..

Ghad! Ano bang nangyayare kay Xylee? Bakit siya umiiyak ng ganito? May problema ba siya? May nanakit ba sakanya?!

Sh*t! Oras na malaman ko kung sino ang nanakit kay Xylee.. Malilintikan siya saken!!

Arghhh!!

Ayokong nakikitang umiiyak siya nang ganito. Parang dinudurog yung puso ko!

Hindi ko alam ang gagawin kaya pilit ko nalang siyang pinapakalma..

"Ssssshh... Tahan na..." Hinahagod ko yung likod niya..

Pero nagulat nalang ako ng bigla siyang mawalan ng malay..

"Xylee!" Binuhat ko siya at isinakay sa kotse ko..

Fvckkkkkk!!

Natatarantang in-start ko yung kotse ko.

*****

*Byun Baekhyun*

Pagpasok ko sa room. Umupo na ako sa upuan ko.. Napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko..

Sigh!

Hanggang ngayon wala parin si Lee.. Halos isang linggo na siyang hindi pumapasok. Kamusta na kaya siya?? May sakit ba siya???

Hayy,, namimiss ko na siya :(

Hindi ko naman siya magawang puntahan sa bahay nila kahit halos magkadikit lang yung bahay namin.. Kasi naman si Taehyun eh... Baka mahalata niya na may gusto talaga ako kay Lee. Tssk!

Isa pa 'tong kambal ko sa pinoproblema ko! Bakit ba kasi pareho pa kami ng babaeng kinagugustuhan?! >0<

Kainis naman! Saken pa siya nagpapatulong para maligawan si Lee! Tch!

Sa sobrang badtrip ko lumabas nalang ako ng room.. Wala lang din naman kahit pumasok pa ako sa klase eh, hindi rin naman ako nakikinig sa lecture namin.. >.>

Dumiretso ako sa rooftop.. Dito ako madalas tumambay.

Sumandal ako sa pader at ipipikit ko na sana yung mata ko ng may narinig akong boses na tila umiiyak..

Huh?

"May tao ba diyan??" Tumayo ako at tumingin tingin sa paligid.

May nakita kong babae.. Nilapitan ko siya..

Inlove ako kay EyelinerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon