Happy Lang Dapat

24 3 0
                                    

Andrea Esguerra

Anla? Bakit may POV ako dito? (-____-)

Tss. Nvm. Si author talaga ( -,-)

Anyway, Andrea Esguerra is the name hindi ko na masyadong ipapakilala yung sarili ko, tinatamad ako.

Ex-GBF (Girl BestFriend) ni Xylee. Wag na kayong magtanong kong bakit Ex-GBF na lang kami. Its a loooooong story!

Sigh.

At ayaw ko na ring balikan ang mga nangyare noong araw na yon.

Actually, kinalimutan ko na talaga ang pagiging magkaibigan naming dalawa ni Xylee. Pero nagulat nalang ako isang araw bigla nalang niya akong binati, nakangiti saakin na para bang okay lang kaming dalawa.

Naguluhan talaga ako eh. Pero syempre masaya ako, babalik na kaya kami sa dati? Umaasa ako.

Huminto ako sa paglalakad ng matanaw ko si Bacon na patungo sa direksyon ko.

Agad akong nagtago para hindi niya makita.

lub.dub,lub.dub

Napahawak ako sa dibdib ko. Shit! Eto na naman yung weird feelings ko.

Sa tuwing nakikita o kahit nasa isip ko si Bacon nagsisimulang tumibok yung puso ko at parang may mga paro-parong gustong kumawala sa tiyan ko.

Takte! Ayokong isipin na nagkakagusto ako sakanya kaya naman pilit ko siyang iniiwasan.

"Hey!" Nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ang boses niya.

"Ba-bacon..."

Kumunot yung noo niya pero agad ding nawala.

He smiled at me. Parang gustong manlambot ng tuhod ko sa ngiting yon.

"Saan ka pupunta?"

"D-diyan lang he-he." I forced to smile.

Binigyan niya ko ng weird-look. Omg!

"Si-sige alis na ako." Aalis na sana ako kaso nahagip niya yung braso ko.

"Wait. Iniiwasan mo ba ako?"

"Ha?! Hi-hindi ah. May gagawin pa kasi ako. Bakit ko naman gagawin yon?"

Nagkibit-balikat siya. "May problema ba??"

"Wala naman. Kailangan ko na talagang umalis." Tumakbo na ako palayo sakanya. Hindi ko na talaga kaya tong bilis ng tibok ng puso ko.

Baka tuluyan na kong mag-collapse sa harapan niya.



Byun Baekhyun


"Anong problema non??" Napakamot ako sa ulo ko.

"Something is really wrong with her. Tss." I shook my head.

Pumasok na ako sa loob ng room, nakita ko si Lee nakaupo at busy sa librong binabasa niya. Lagi naman siyang ganyan eh.

Naalala ko na naman yung kahapon na nagdate sila ni V. Tsk! Nababadtrip na naman tuloy ako! Peste!

Pumwesto ako ng upo kung saan malayo kay Lee. Hindi naman sa ayaw ko siyang katabi.. nagtatampo lang talaga ako sakanya.

Napatingin siya sa direksyon ko at nagiwas din agad.

Tsk. Mukhang wala naman siyang pake kahit saan pa ako umupo.

Inlove ako kay EyelinerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon