Kabanata 1

49 0 0
                                    






Hay first day nanaman ng klase. Bakit kasi nauso pa ang summer class. Imbes na mag enjoy ang aatupagin ko kasi natapos nanaman ang dalawang semester. Heto ako ngayon papasok nanaman.


Pagtingin ko pa lang sa baba ng hagdan nakita ko agad ang magaling kong bestfriend


"Goodmorning Ainang panget!"


Wow hyper. Makapanlait naman. Anong meron sa first day at sobrang saya neto? Umagang umaga tinutupak nanaman.


"Ano? Anyare sa pagmumukha mo? Ano ka ba first day na first day. Para kang natatae na ewan. At huwag mo nga akong mataas taasan ng kilay pwede ba?"


Oo nga umagang umaga nandito ka. Kaya nababadtrip agad ako.


"Bipolar" saad ko. Yan lang kasi ang tanging nabigkas ko. Hahaha. Tama naman diba? Bipolar siya. February kasi ipinanganak kaya pag minsan hay basta yun na yun. Pasensiya na yan kasi paniniwala ko.  Char


Pagkababa ko lumapit agad siya at yinakap ako ng pagkahigpit higpit. "Haaay. Namiss kita bestfriend. Bakit hindi ka nagpaparamdam? Ayaw mo na ba sa akin?" Para siyang aso. Really. Nagpapacute pa siya. Hindi naman bagay sa kanya.


Tinaasan ko nanaman siya ng kilay. Teka nahehersisyo na ang aking magagandang kilay dahil sa kanya"Hindi pa naman kasi ako patay para magparamdam sayo. Heto ako buhay na buhay. Pangit ka kasi kaya ayaw kitang makita. Sinisira mo yung araw ko" halos mangiyak ngiyak na siya sa sinabi ko kaya nagpout na siya.


Biro lang yun. Sobrang ganda kaya ng bestfriend ko. Artistahin. Opposite nga kami eh. Siya habulin ako palaging nabu-bully sa school. Ayos diba?!


"Bakit ba ang hard mo. Gusto mo nanaman ba ng marshmallows?" Biglang nagliwanag ang aking mga mata. Hay grabe adik na adik ako sa marshmallows kung alam lang nila. Para ngang nagheart yung mga mata ko. Hahahha. Kidding. L


"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa nakangiti kong Bestfriend "Halika pakakainin kita ngayon at bibigyan mo ko mamaya ng mallows" pagkasabi ko nun. Bigla siyang tumawa ng pagkalakas lakas.


Ay walanho. Bahala ka jan. Mamatay ka sa kakatawa. Sa ganda niyang yun dinaig pa ang speaker sa lakas ng tawa niya. Iniwan ko na siya sa sala mag-isa. Magutom siya!!


"Goodmorning ma" lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi "Goodmorning sunshine. Tawagin mo na si Nicole nang makakain na kayo" bakit kasi nandito pa to. Imbes na kakain na kailangan ko pa siyang tawagin. NAPAKAVIP talaga nun.


"Good morning tita." Nagpapacute nanaman. Hay buhay "Kumain na po ako. Tita pasok na po kami ni Aina. May daaanan pa po kasi kami. Ba-bye tita. Love you" pagkasabi niya nun. Bigla ba naman akong hinila. Ni hindi pa nga ako nakakapagpaalam sa nanay ko. At pangalawa nagugutom kaya ako. Umagang umaga! Humanda ka sakin mamaya Nic-nic! Humanda ka talaga!


Saan kaya kami pupunta? Hindi pa sapat ang energy ko para sa lakad na to. Kumbaga para akong namamanhid. Eh sa ganito yung nararamdaman ko pag gutom ako eh. Pake nila.


"Dalian mo nga! Ang tagal mo talaga!" Wow siya pa ang galit ngayon? Upakan ko na kaya nang matauhan!


"Huy nic-nic pinapaala ko lang sayo. Wala pang laman yung tiyan ko. Nagugutom na ako!" Napasigaw tuloy ako ng wala sa oras. Bwisit to. Hindi man lang makaramdam.


Red StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon