"Bakit ba?!" Naiiritang tanong ko sa sunod ng sunod sakin. Isang linggo na siyang ganyan! Parang aso!"Kasi pinagtitingin ka ng mga tao" naiiritang sagot niya sa sinabi ko
"Oh? Ano naman yun sayo? Anong pakialam mo?" Pagtataray ko. Hindi ko talaga maiwasan magsungit lalo na kapag siya yung kausap ko
"Bakit umiksi na yang mga suot mo? Pwede bang magpalit ka ng damit mo? Huwag na huwag kang gagaya sa iba! They're flaunting everything!" Nag-aalala ba siya o nagsisimula nanaman siyang bwisitin ako!
"Aba? Kailan pa naging concern ang kagaya mong halimaw?" Naparoll eyes na lang ako at huminga ng malalim
"Bakit ba galit na galit ka sakin? Dahil ba sa nangyari sayo nung nakaraan? Pasensiya ka na kung ganun! Dapat hindi kita iniwan doon na parang tanga at nagsorry sana ako agad" malungkot niyang sabi. Tss konsensiya! Hindi mo ako makukuha sa ganyan
"Galit na galit ako sa buong pagkatao mo!" Pagkasabi ko nun iniwan ko na siya
Naramdaman ko naman na hindi na siya sumunod sakin. Wala na akong buntot! Sa wakas! Sana nga tumigil na siya. Lalo akong minamalas kapag alam kung nasa paligid lang siya
Totoo naman yung sinabi niya! Paiksi ng paiksi yung suot kong mga damit! Pakiramdam ko tuloy wala na akong hiya sa katawan! Ito yung naidulot ng panlalait nila sakin! Baduy? Talaga? Ano sila ngayon? Nakanganga kapag nakikita nila ako!
"Aina nakita mo ba si Four?" Tanong ng isang kagrupo namin sa thesis
"Hindi" matipid kong sagot sakanya
"Nasa kanya kasi yung gagawin natin ngayon. At kung wala naman siya wala din tayong matatapos ngayon!" What? Hmmmmm! Kakaiba talaga! Bakit ngayon pa hindi sumulpot yun kung kailangan na kailangan
Tinignan ko siya at nagisip ng ibang gagawin bukod sa mga natapos na binigay nila kay Four
"Aina kailangan daw natin magpasa before 5:00pm sabi ni Sir. Kung hindi magdrop na lang daw tayo" sabi ko isang kagrupo kong hingal hingal. Sheeeet! Napamura na lang ako sa isip ko!
Ako ang leader kaya dapat ako lang ang mapaparusahan kung nagkataon pero yung drop? Sobra naman. Ang dami na naming puyat dito!
"Ganito gawin natin maghiwa-hiwalay tayo para hanapin si Four! Magkita kita tayo ulit after one hour kapag nahanap na siya. At kung wala naman kailangan talaga nating ulitin lahat ngayon!" Nadismayang mga mukha nila. Sorry mukhang kasalanan ko pa. Nakonsensiya tuloy ako
Baka dahil nasa likod ko lang siya kanina kasi pupunta din siya dito sa meeting place namin para sa thesis. Naku naman Aina! Isip isip din pag minsan!
"Aina yung grupo niyo daw mauunang mag pass sabi ni Sir. Tapos update niyo na lang daw kami pagkatapos" sabi ng kaklase ko sa thesis.
Kung sinuswerte ka nga naman oh! Kinuha ko yung cellphone at wallet ko sa bag at nagsimula ng maghanap sa halimaw! Sobrang luwang ng school na to! Saan ko kaya yun hahanapin?!
30 mintues na yung nakalipas pero wala padin akong Four na nakikita! Pagod na pagod na ako! Takbo dito takbo doon! Kinakabahan na ako para sa thesis namin.
Napadpad ako sa isang rooftop! Malay ko ba? Halos tanaw lahat doon eh. Ang tanga ko no? Paano ko makikita ang isang tao kung nasa pinakamataas ako na gusali sa school! Nagbabakasakali lang naman ako
BINABASA MO ANG
Red String
Teen FictionIsang araw magigising si Aina na may kasintahan na siya sa katauhan ni Four. Aina tries to forget about the romance pero isang araw she caught herself smiling for no reason then she realized she was thinking about Four. Si Four na nga kaya ang pri...