Kabanata 3

15 0 0
                                    






"Teka. Seryoso ba to?"Namamanghang tanong ko kay tyler. Grabe ikaw ba naman ang pahihiramin niya ng isang racing car na mamahalin! Adik kasi ako sa racing.


Mapakabayo man o sasakyan go lang ng pero may may limitation din! Grabe ang yaman talaga niya. Edi siya na ahahahahha. L



"Oo. Seryoso yan. Pambawi" saad ni Tyler kaya nagkatinginan kami ni nic-nic at nagtawanan.


"Ready ka na?" Bigla akong kinabahan dahil sa tanong ni Tyler. Nung huling race ko kasi nasira yung sasakyan ko.


Sa bilis kasi ng pagpapatakbo ko para manalo nakalimutan kong may sira na pala yung makina kaya nagkadaletse letse


"Aina okay ka lang ba? Hay naku. Huwag mo ng isipin yung sasakyan mo. Ang isipin mo na lang isang malaking panaginip na lang yung nangyari dati. Mag-ingat ka na ngayon ha? Its not about winning, its about your happiness when you're driving in that track. Just remember this is a place where you can feel so much happiness" Yinakap ako ni nic-nic at binulungan ng.."HAPPINESS IS FOR REAL" Napangiti ako sa sinabi niya.



Actually tatlo kaming racer kaya nga nagkakasundo kami. Mga bata palang kami heto na ang hilig namin. Kasi dito malaya naming nagagawa yung mga gusto namin. Sa racing ko lang naalis lahat ng sakit ng ulo ko. Kapag nakikipag race ako pakiramdam ko lumilipad ako.


Parang ako lang yung tao sa lugar na yun. Bawat pagdrift ko pakiramdam ko isa isang nawawala yung sakit sa puso ko. Sakit na naramdaman ko nung mawala  yung nagiisang kapatid ko. Siya ang pinakabestfriend ko. Nung mawala siya dahil sa isang walang hiyang tao. Wala naman siyang ginawang masama.



Naalala ko nanaman.

** Flash Back **


"Kuya paano mo nagagawa lahat ng yun?" Nagtatakang tanong ko kay kuya Thomas


"Wala naman akong ginagawa ah. Ano ba yun?"nagmamaang-maangan niyang tanong. Hay naiinis na ako sakanya! Just spill it!


"Kuya naman eh" Ginulo niya yung buhok ko. Buti nalang nagkulot ako ng buhok ko kanina kaya hindi gaanong halata. Nakakainis talaga siya.



"Nanjan kasi kayo na inspirasyon ko. Kung iniisip ko kayo lumalawak yung mga pangarap ko. Yung imahinasyon ko. Sa mundo ng art lahat nagagawa mo. Doon ko nailalabas lahat lahat. Alam mo kapag nagpi-paint ako pakiramdam ko nagiging realidad lahat ng yun. Yung sa panaginip lang natin nakikita pero kapag naipaint na nagkakaroon ng buhay. Sa isang painting maraming meaning ang nakapaloob doon. Makikita mo doon kung malungkot ba yung painter, masaya at kung ano ano pa." Napansin niya sigurong wala akong naintindihan sa sinabi niya kaya bigla siyang tumawa.



"Hay naku bata ka pa. Hindi mo pa maiintindihan lahat ng yun. Halika nga dito. Payakap nga" lumapit ako sa kanya para yakapin siya ng sobrang higpit. Mahal na mahal ko tong kuya ko. Kasi lumaki kaming wala sa tabi namin sila mama at papa at sobrang close namin



"Pag laki mo. Magpapakabait ka ha? Huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo si mama at papa. Sobrang likot mo pa naman. Ilang taon ka pa lang pero ang dami mo ng tanong. Maging mabait ka lang ha? Have courage and get rid all of your fears. Tuparin mo lahat ng pangarap mo. Okay?" Pagkasabi niya nun. Tumango ako at hinalikan ni kuya thomas yung ulo ko


Red StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon