Nagtitilian nanaman yung mga babae. Umagang uamaga palang"Nanjan na siyaaaaa! Sobrang gwapo talaga" Sino ba kasi yung taong yun? Ang sakit sa tainga. Sobrang ingay ng mga babae
"Four I love you so muchhhhhhh" sigaw ng mga grupo ng babae
"Mahihimatay na ata ako mga besh. Gagawin ko lahat mapasakin lang yan. Yummmyyyyy!!!" sabi nung baklang nasa tabi ko kaya napalingon na tuloy ako para tignan yung taong yun.
Bogggggggshhhhhh. Nahulog yung mga dala kong libro galing sa library para sa thesis namin
At dire diretso lang yung lalaki. Aba sobrang kapal ng mukha hindi man lang magsorry! Kanya ba tong school? Ang sakit nun ah! Kaya binato ko ng isang libro sa inis ko
"Yabang mong halimaw ka! Akala mo sayo tong school na to!" Sabi ko sabay pulot ng mga librong nagkalat sa floor
Nanggigigil talaga ako sa taong yun! Tinignan lang niya ako at nagtuloy tuloy kasama yung mga barkada niya! Bwisittttttt! Akala mo sobrang gwapo hindi naman! Halimaw!!!!!!
"Kawawa naman siya. Pangit na nga baduy pa" sabi nung babaeng sobrang kapal ng make up
"Matalino daw yan eh. Sus tatanga tanga pala. No wonder hindi man lang pinansin ni Four" bulong bulungan sa paligid ko. Halos mangiyak niyak na ako sa hiya.
"As if naman magsosorry si Four sakanya. Kahit ako? Hindi no! Dream on girl!" Grabe kayo sakin. Alam ko ordinaryong tao lang ako pero nasasaktan din ako
Pinagbabato nila ako ng kung ano ano! Alam mo kung ano pinakamasakit? Nung tumayo ako may bolang tumama sa paa ko kaya natumba ako. Lalo tuloy nila akong pinagtawanan
Dahil sa isang walang kwentang lalaki! Ano lang ihaharap kong mukha sa madla! Okay naman yung suot ko ah? Hindi gaya ng mga babaeng yun labas na pati kaluluwa
Sabi ko na nga ba eh dapat nagstay muna ako sa library. Hindi sana nangyari to!
Pumunta muna ako sa locker ko para iwan yung mga librong hiniram ko . Kahit sobrang hirap maglakad pinilit ko padin. Hindi na ako pwedeng umabsent sa klase. Makakatanggap na ako ng letter galing SAO!
"Good Afternoon Sir" sabi nung kararating lang na estudyante sa klase namin. Tinignan ko yung oras at late na siya. Ay wow may VIP pala dito
Shet nung tignan ko siya yung lalaking bumangga sakin kanina! Yung halimaw! Nandidilim yung paningin ko dahil sakanya! Gusto ko siyang sigawan at murahin para malaman niya kung anong nangyari sakin kanina!
Kinalma ko yung sarili ko para makapagfocus sa klase namin. Kailangan kong maipasa tong subject na to kaya dapat hindi ako magpapaapekto sa mokong na to
"Okay class. This is your new classmate" tinignan ni sir yung lalaki at sumenyas na magpakilala na
"Hi Im Austine Four Hayes" wow malaanghel yung boses pero demonyo naman! Hindi din bagay sakanya name niya! Sobrang ganda ng pangalan pero bakit sa halimaw napunta?
"Alam kong matatalino na yung laman ng grupo niyo pero kayo lang kasi yung may kaunting miyembro" naku naku mukhang grupo ko ata yung sinasabi ni sir. Huwag po! Nagmamakaawa ako sir! Huwaggggggg!
"Miss Aina?" Napatingin ako bigla kay sir nung tinawag niya yung pangalan ko. At napasulyap sa lalaking halimaw. Nagsmirk pa ang gago!
![](https://img.wattpad.com/cover/55015723-288-k115682.jpg)
BINABASA MO ANG
Red String
Teen FictionIsang araw magigising si Aina na may kasintahan na siya sa katauhan ni Four. Aina tries to forget about the romance pero isang araw she caught herself smiling for no reason then she realized she was thinking about Four. Si Four na nga kaya ang pri...