Habang naglalakad ako papunta sa building namin. Nakakarinig ako ng mga bulung-bulungan."Wala pa naman siguro siyang girlfriend ngayon nu?! Ako pa lang ang magiging una dito sa school. Soon!" Wow taas noong sabi ng nakaputing babae. Taas ng pangarap teh? Tss
"Hay naku girl. Ako ang unang lalapitan at hindi ikaw. Ni wala ka pa nga ni katiting sa ganda ko Dream on!" Sabay irap niya kay girl na nakaputi. Aba mas matindi pa pala to eh mas nagmumukha ngang seafood.
"Oh eem gee! Guys nakakalaglag panty talaga yung tingin niya. Feeling ko hinuhubaran niya ako." Napanganga ako sa sinabi ni miss nakayellow. She's drooling. Seriously?
"Sinulyapan ka lang girl. Sakin naman talaga tumingin kanina yun." Sabay silang tumili.
Anong bang nangyayari sa mga tao sa school namin. Tili dito. Tili doon. Nakakarindi. Hindi ko na pinansin yung iba pa. Lalong sumasakit yung ulo ko sa mga sinasabi nila. Baka sadyang gising na gising lang siya nung nagpaulan si lord ng kagwapuhan. Diba diba?!
Ayan na. Nakita ko na ang bagyo. Paparating na. Ihanda ang sarili.
"OH BUTI NAMAN AT NAGPAKITA KA NA! SAN KA NANAMAN NANGGALING?! GANYAN KA NAMAN NANG IIWAN. SABAGAY ANO BANG BAGO DOON? PALAGI NAMAN DIBA? HINDI MO MAN LANG INIISIP YUNG MARARAMDAMAN NG MGA TAONG INIIWAN MO! ALAM MO BA KUNG GAANO KASAKIT YUN?" Intense! Dapat hindi niya sa akin sinabi yun!! Para kay tyler dapat yung line na yun. Hay. Sabi ko na nga ba. Sakit talaga sa tenga. Alam niyo yung boses niya parang nakaspeaker. Grabe nakakahiya. Halos mangiyak ngiyak na. Why so dramatic?
"Grabe ka talaga Aina. Hindi mo man lang ba ako icocomfort man lang?! Ang tigas mo talaga. Why so rude and heartless? Isusumbong kita kay tita. Inaaway mo nanaman ako!" Sabay talikod. Wow as in wow. Ako pa ang nang aaway ngayon? Hindi na nga ako umiimik. Bipolar talaga.
Paano ko ba natitiis tong bipolar na to? Naku kung hindi ka lang mahalaga. Tuluyan na kitang iniwan. Kung alam mo lang nic-nic. Masyado ka kasing madada. Hindi mo man lang hinintay na makapag explain ako bago ka tumalak. Palagi kasi niyang pinapairal yung pagka isip bata at pagkadaldalera niya.
Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa pangalawang subject namin. Hindi kami nagiimikan. Naninibago tuloy ako. Ngayon ko na nga lang siya nakasama ulit tas ganito pa. Namiss ko kaya siya lalo na yung kadaldalan niya.
Kinalabit ko siya pero walang kibo. Kinalabit ko ulit ng kinalabit hanggang sa lalong tumalikod. Hay grabe. Ganun na ba talaga kalala yung pag eemote niya.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi tuloy ako nakapag concentrate sa class na to. CMT pa naman. Major kaya to pero dahil sa pagtatampo niya lutang ako. Anong gagawin ko ngayon?
Isa pa tong si sir. First day na first day nagdiscuss agad. Wala talaga siyang sinasayang na oras. Diba dapat pag first day masaya? Meet your instructors then you can do whatever you want ang peg. Hmm
Habang lutang ako nakaramdam ako ng kaba. Teka may nangangalabit ata sa akin. Back to reality.
Tinignan ko kung sino yung
nangangalabit. Yung kaklase ko pala."Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"May problema ka ba? Kanina ka pa nakatingin sa kawalan" nagtatakang tanong din niya. Ay grabe. May nakapansin pala.
Nung tignan ko wala na yung mga kaklase ko. Wala na din si nic-nic. Ay grabe iniwan na lang ako. Naghihiganti ganun?
"Nga pala. May naghahanap sayo. Kanina pa siya nasa labas. Sige una na ko ha? May gagawin pa kasi ako. Bye Aina" Pagkasabi niya nun ngumiti siya at lumabas na sa room. Ang ganda talaga niya. Parang barbie! Sabi na barbie ehhh
![](https://img.wattpad.com/cover/55015723-288-k115682.jpg)
BINABASA MO ANG
Red String
Teen FictionIsang araw magigising si Aina na may kasintahan na siya sa katauhan ni Four. Aina tries to forget about the romance pero isang araw she caught herself smiling for no reason then she realized she was thinking about Four. Si Four na nga kaya ang pri...