"Nag-enjoy ba kayo?"Tanong ni Tyler sa aming dalawa ni Nic-nic"Whaat? Are you kidding me? That was fun. I really really enjoyed it!" Enjoy na enjoy talagang sabi ni Nic-nic. Nginitian ko sila upang sumang-ayon
"Saan niyo gustong kumain?" Tanong ulit ni Tyler. Sus kahit saan parang busog pa naman ako. Grabeeee talaga hindi pa ako nakakaget over!
Buti may malapit na bilihan ng damit kaya nakapagpalit agad ako kundi magkakasakit talaga ako. Nakapasakitin ko paman din!
"Take out na lang tayo tapos punta tayo doon sa fave spot natin. Bili na din tayo ng maiinom pambungad. Welcome night-life. Again!" with confidence na sinabi ni Nic-Nic sabay akbay sa aming dalawa ni Tyler.
Nagtinginan kami ni Tyler at sabay na napangiwi sa sinabi niya
"Please? Please?!" Nagsisimula na siyang magpacute. Parang aso talaga! I hate that facial expression!
"I'll behave. PROMISE!" Left hand ang una niyang naitaas. Ibig sabihin nagsisinungaling siya
"Ooppssiieee!" Sabay baba at tinaas niya yung kanang kamay niya. Lalong tumaas yung kilay ko sa ginawa niya. What the hell is she thinking?! Magiging wild nanaman siya. Mapapasubo ako kung nagkataon.
Help me Lord. Binabawasan ko na yung pag-inom pero heto nanaman tong flirty bestfriend ko. What am I gonna do? Nag-isip akong mabuti para hindi makasama pero hindi gumagana yung brain cells ko. Common sense nasaan ka na. Shit I need you.
Halos mapamura na ako sa utak ko. Kinagat ko yung ibabang labi ko at pasimple kong inikot yung mata ko sa buong paligid pero wala talaga akong maidahilan
"So? Pupunta na ba tayo? O pupunta tayo?!" Shemay. Yung senyales na papayag na si Tyler. No. This can't be happening
"Fine! Pupunta tayo!" Napilitang tugon ni Tyler. Hindi pa din ako umiimik.
Tinignan nila akong dalawa pero hindi padin ako nagsasalita
"You didn't say No. So?! You practically said yes. I'm very very very happy"Sabi ni Nic-nic. Seriously? Hmm bakit kasi siya pa ang pinakabata sa aming tatlo eh.
Ano pa bang magagawa ko? Habang nagbabiyahe kami dada lang ng dada si Nic-nic. Oo lang ng oo si Tyler. As if naman nakikinig talaga siya. Naririndi na nga ako sa kadaldalan niya eh.
Kung pwede lang magmute ng boses ng isang tao noon ko pa ginawa. Hinanap ko sa bag ko yung earphones ko at sinaksak sa tenga ko. Bahala kayo jan. Nakita kong tumingin si Tyler . Naparoll eyes na lang ako tsaka tumingin sa labas.
Pinikit ko muna yung mga mata ko para makapagpahinga kahit saglit lang. Nakakapagod kaya. Well goodnight sleepy head.
Nagising ako sa kalabit ng kalabit. Tinignan ko siya ng masama, tinging one-more-and-your-dead! Gosh pagod ako. Oo nag-enjoy ako kanina pero tao din ako napapagod! Ngumiti siya ng nakakaloko kaya napilitan akong bumangon.
"What?!" Naiiritang tanong ko kay Tyler.
"Kanina ka pa kasi natutulog mahal na reyna. Nandito na tayo. Nagugutom ka na ba?" Tumingin ako paligid ng kotse para kumpirmahin yung sinabi niya. Napapout na lang ako mg aking heart shape na lips. Echos
"Pwede na ba akong umuwi Tyler?!" Tanong ko pero bigla siyang sumimangot kaya naman napilitan akong lumabas ng kotse.
Hinanap ko kung nasaan si Nic-nic pero hindi ko siya nakita

BINABASA MO ANG
Red String
Fiksi RemajaIsang araw magigising si Aina na may kasintahan na siya sa katauhan ni Four. Aina tries to forget about the romance pero isang araw she caught herself smiling for no reason then she realized she was thinking about Four. Si Four na nga kaya ang pri...