Pebrero 19,1981

120 3 0
                                    

Sa wakas ay nairaos na namin ang binyag ni Aivy mahal. Kahit papaano ay marami namang naging handa kaya lang naging matagal at nakakapagod ang preparasyon.

Tumulong ang mga magulang at kapatid mo, hindi lang sa pagluluto at paghahanda gayundin sa pinansiyal, malaking tulong din dahil 'yung naipon kong pera ay maaari ko pang ilaan para sa iba pa naming gastusin ng anak natin.

Si Erwin, isa siya sa kinuha kong ninong ni Aivy. Patawarin mo ako mahal kung pinag-isipan ko noon ng masama ang pinakamatalik mong kaibaigan matapos niyang ihatid sa akin ang balita ng pagka-wala mo. Ni minsan ay hindi ko na binalak pang ungkatin ang nakaraan pero hindi ko naiwasan mahal. Marahil ay iyon lamang ang paraan ko para itanggi sa sarili ko ang katotohanan.

Si Helen, natatandaan mo ba siya honey? Siya yaong nurse sa ospital na laging kasama ng doktor kapag nagpapatingin ako noong ipinag-bubuntis ko pa si Aivy. Siya pa nga ang personal na nag-alaga sa akin noong ma-confine ako dahil sa selan ng pagdadalang-tao ko hindi ba? Naalala mo ba? Hindi ba at natuklasan pa nga natin na hindi pala kalayuan ang bahay natin sa kanila. Nag-boluntaryo pa nga siyang dalawin ako sa bahay para matignan kahit wala sa ospital. Kinuha ko din siyang ninang mahal, mabait siyang tao at alam kong magiging magandang ehemplo siya para sa ating anak.

Halos kakatapos lang din naming mag-bukas ng mga regalo para kay Aivy, madalas ay mga terno ng damit ang nakuha namin. Marami din ang medyo malaki pa sa kanya ngunit aasahan naman naming magagamit pa ito paglaki-laki niya pa nang bahagya. Nakakatawa nga mahal kasi marahil may isang naimbita sila Mama o kaya ang mga magulang mo na hindi alam ang kasarian ng anak natin. May nagbigay ng damit pang-lalaki pero ayos lang. Kahit siguro para sa pinsan na lamang niya.

Pasensya na mahal ha? Gustuhin ko mang pahabain pa ang sulat ko sa iyo ay mukhang hinsi ko na magagawa. Hinihila na ako ng higaan at sadyang pagal na rin ang aking pangangatawan.

Mahal kita Sebastian. H'wag mo kaming kakalimutan.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To the Father of My ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon