Enero 17, 1981

79 3 0
                                    

Natanggap na ako sa trabaho honey. Ang totoo niyan nagsimula na ako kanina. Hindi naman kahirapan ang trabaho, para lang din akong nasa bahay, ang kaibahan lang marami akong papeles na kaharap.

Oo nga pala, ngayon pa lang ay hihingi na ako ng paumanhin sa iyo mahal. Hindi na ako makaka-sulat nang ganoong kadalas. Marami na din kasi ang darating na trabaho at kahit pa umuuwi ako sa hapon ay kailangan ko pa ring asikasuhin si Aivy. H'wag kang mag-alala, hindi ka naman mawawala sa isip ko kahit ano ang mang-yari. At asahan mo ding susulat ako sa iyo kapag may mahahalagang pangyayari sa buhay namin ng anak mo. O kapag may okasyon.

Sisiguraduhin kong makaka-sulat ako sa iyo sa susunod na buwan. Nais na kasi naming mabinyagan siya sa lalong madaling panahon. Ide-detalye ko sa iyo ang mga pang-yayari sa pagdiriwang.

Mabait nga pala ang mga ka-opisina ko kaya huwag kang mag-alala sa trabaho ko. Malapit lang din sa bahay nila Mama kaya kung gugustuhin kong umuwi ay maaari kong gawin. Sana talaga nandito ka mahal. Hindi sa nagrereklamo ako dahil kinailangan kong mag-trabaho kundi dahil sana dapat ikaw ang napapag-sabihan ko nito. Ng personal, hindi ko maiwasang isipin kung ano kaya ang isasagot mo kung sakaling sinabi ko sa iyo ang mga ito.

Nasasabik pa rin ako sa malambing mong tinig. Kahit alam kong kahit kailan ay hindi ko na iyon muling mauulinigan pa. Tulungan mo akong tanggapin lahat ng ito. Asahan mong hindi ako titigil sa pag-sulat. Ito na lamang ang koneksiyon na meron ako sa iyo.

Sana nararamdaman mo ang pagmamahal namin para sa 'yo. Mahal ka namin Sebastian. Hanggang sa muli...



To the Father of My ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon