Hunyo 22, 1980

151 8 0
                                    

Kamusta ka na mahal?

Ayos naman ako. Medyo masakit lang ang katawan. Nanganak na ako kagabi. Dumating na ang anghel natin. Hindi ka pa ba uuwi dito para makita siya?

Pinahirapan niya ako kagabi sa labor, pero lumabas naman siya nang ligtas. Alam mo ba, napaka-ganda niya. Kamukha ka nga niya eh. Pero nakuha niya ang labi ko, maninipis.

Pinangalanan ko siyang Aivy, ayos lang ba iyon sa iyo? Hindi ba iyon ang napag-usapan natin noon? Kapag lalaki ang bata isusunod natin siya sa iyo para may magmana ng pangalan mo, pero kapag babae, papangalanan natin siya kasunod ng pangalan ko. Hindi ba ikaw ang nag-isip noon?

Natutulog siya ngayon. Nag-breastfeed ako mahal kasi alam kong makabubuti iyon para kay Aivy, medyo iyakin siya. Mali hindi pala, umiiyak lang siya kung may rason, halimbawa gutom, umihi o kaya gustong magpa-karga, kaya lang mahal sobrang lakas, nakakatawa nga kasi kung minsan nagigising din iyong ibang mga bata dito tapos iiyak na din. Alam ko medyo naiinis na iyong ibang nanay kaya lang wala namang kasalanan si Aivy, natural lang sa isang bata yaong ganoon hindi ba?

Mananatili pa kami ng ilang araw dito. Sana talaga maka-dalaw ka honey. Gusto ka na ding makita ng anak natin. Para naman maranasan mong magpalit ng lampin, kumarga at magpa-dighay ng bata at siyempre magpa-tulog ng isang anghel.

Oras na may makakita sa aking sumusulat pa sa iyo iisipin nila na isa akong malaking tanga. Umaasa pa hanggang sa ngayon na babalikan mo kami. Pero hindi naman masama iyon mahal hindi ba? Pwede namang nagsisinungaling lang si Erwin at niloloko lang ako para magka-sira tayo hindi ba? Di ba nga at nagka-gusto din siya sa akin noong nag-aaral tayo? May posibilidad na gumagawa lang siya ng paraan para makuha ako? Huwag kang mag-alala honey, hindi ako bibitiw sa iyo.

Pag-asa na lang ang hawak ko mahal. Huwag mo kaming biguin ni Aivy ha?

Mahal na mahal kita honey.


To the Father of My ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon