Ang pagtatagpo

120 3 2
                                    

"Nina..nakikiramay kami.."sabi ng mga nakikiramay sa pagkamatay ng Nanay ko..










"Maraming salamat po sa inyong lahat.." tugon ko.










Halos nag alisan na ang mga tao,,,iilan na lang kami natira sa puntod ni nanay habang hinihintay na malagay ang lapida sa puntod niya...







"Nina..anu balak mo...pwede ka sa akin tumira..tutal wala naman ako kasama sa bahay..paupahan mo na lang anak ang bahay na iniwan ng nanay mo.." sabi ni ninang Fely...bestfriend siya ni nanay ko at matandang dalaga si ninang.











'Hindi ko po alam ninang...para pong blangko ang isip ko.hindi ko po alam kung saan at paano ako magsisimula.."











"Una na kami Nina..Fely..."sabi ni Aling Choleng at ilang mga kapitbahay..












"Maraming salamat po Na choleng.."tugon ko...kahit paano naibsan ang lungkot ko..ang dami nakiramay sa kin...patunay na maraming nagmamahal kay nanay..














"Halika na anak...umuwi na tayo...ipinapangako ko sa puntod ni nanay mo..hanggang buhay ako,,aakuin kitang parang tunay na anak...ako ang magiging nanay at ninang mo.."sabay yakap ni ninang sa akin...














"Salamat po ninang...napakabait nyo po..tulungan mo po ako ituro kung saan at paano mag uumpisa...ang daya daya ni nanay...hindi man lang niya sinabi na maysakit siya..kung kelan malala na tsaka siya nagpagamot...ang daya mo nay..sana naagapan pa ang sakit mo.."buong hinanakit ko sabi,,ang sakit pala.wala na nga ako tatay tapos kinuha pa agad si Nanay...paano na ko..tanong ko sa sarili ko..

















Ipinasiya ko na paupahan ang bahay..malaking tulong din ito para sa paag aaral ko..matatapos na ko sa kursong commerce..24 na ko..hindi ako regular student dala ng kapos kami ni Nanay sa budget para tuloy tuloy ang pag aaral ko.pangarap ko maging banker..gusto ko maranasan magbilang ng maraming pera kahit hindi ko pera...ang naiwan pera ni nanay ang pang umpisa ko..hindi din ako pwede magtamad tamaran...si ninang ay may maliit na pwesto ng tindahan sa malapit na school kaya nakakahiya na sa kanya ko pa aasa ang pangangailangan ko.














Araw ng linggo..nagpunta ko sa memorial park para dalawin si Nanay...may dala ko isang tangkay na pulang rosas...













"Daddy....daddy....daddy...."















Nakarinig ako ng iyak..nung nilingon ko..nakita ko ang batang babae na palinga linga at umiiyak...agad kong nilapitan..














"Baby...bakit ka umiiyak...nasan ang mga kasama mo..."? Sa tantiya ko nsa apat na taon na ang bata...














"Si daddy ko kasama ko...nawawala siya...."bahagya pa ko natawa sa sabi niyana daddy niya ang nawawala.
Sabay hawak sa kamay ko...nanlalamig naman ang maliit niyang palad..umupo ako kapantay niya.











"Baby...baka ikaw ang nawawala hindi si daddy mo...dont worry...dito lang tayo sa malapit sa daan ng park at sigurado ko dadaan dito daddy mo...tahan ka na ha...ang umiiyak pumapanget..."pag aalo lo sa bata.agad naman itong ngumiti at nakiupo na din...muka siyang anak mayaman..makinis...nakatingin lang siya sa akin at mukang kinikilala ako.marahil natatakot siya.














Believe In Me...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon