MIA'S POV
"Hoy!" sigaw ko kina Sharon habang nagkakarate sila ni Sharmine, si Daisy at si Rosmae naman yung nagkakalaban habang si Angelie ay naka-upo lang sa grass at nag-selfie-selfie.
"Arayyyy !" rinig kong sigaw ni Sharon kay Sharmine.
"Sharmine 'wag mo namang seryosohin magkapatid tayo okay." dugtong niya pa.
"Dapat focus ka parin Sharon." sabi ko sa kanya.
"Pasalamat ka magaling ka magkarate." sabi niya sa akin sabay kunot ng noo.
"Oy, Rosmae ang galing mo na ah." sigaw ko kay Rosmae habang papalapit sa kanila.
"Hahaha , ang hina kasi ni Daisy." sabi niya sa akin sabay tawa.
"Ehh!" sabi ni Daisy.
Lumapit naman ako kay Angelie.
"Angelie bakit kaba hindi sumali sa p.e.?!" tanong ko sa kanya.
"Alam mo naman na may asthma ako!" pangangatwiran niya sa akin.
"Kung makapagsalita ka, wala rin akong asthma!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi ko alam , baka magaling kalang talaga magkarate.!" sabi niya sa akin.
"Bahala ka nga diyan!" sigaw ko sa kanya sabay lakad papunta kay sir Bwis*t dahil tinawag niya ako.
"Mia gusto mo bang sumali sa larong volleyball? tanong ni sir sa akin.
"Sir, karate po yung alam ko hindi VOLLEYBALL !" sigaw ko kay sir.
Walang hiya talaga to si sir , tinalikuran lang ako. Kainis bakit naman niya naisip na isali ako sa volleyball team eh sa karate lang ako magaling.
"Aghh!" natumba ako dahil kay Mike sabi nila heartthrob daw siya ng school namin. Paano kaya siya naging heartthrob eh ang pangit naman niya, ang laki kaya ng ilong niya. Bago pa ako makapanlait ng over dito lumapit ako sa kanya, hindi ko hahayaang Hindi ako makapaghiganti sa ginawang niya pagtadyak sa akin sa dapit bewang ko. Ginawa niya akong punching bag para sa karate.
"Hoy!" sigaw ko sa kanya sabay tadyak sa likod niya.
"Arayyy!" sigaw niya habang hinahaplos yung likod niya.
"Gusto mo pa ng isa?!? sarcastic na pagkasabi ko sa kanya.
"Sorry Mia ." takot na sagot niya sa akin.
"Ayusin mo hah. Kung ayaw mong maging punching bag sa karate!" sigaw ko sa kanya.
Tumalikod ako at lumakad papalayo sa kanya nang may nararamdaman akong kakaiba.
"Shit!" sigaw ko.
Kinuha ko yung paa niya tapos pinaikot ko siya at nakahandusay na siya sa grass. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko yung T-shirt niya malapit sa may leeg habang sinasakal ko siya.
"S...sorry .. Mia!" pagmamakaawa niya sa akin.
"Sorry?! kainin mo yang sorry mo!" susuntukin ko na sana siya pero natigil ko yung kamay ko dahil bigla lang hinawakan ni Dreyson.
"'Wag lang makialam pwede ba?!" sigaw ko kay Dreyson.
"Huwag mo na yang patulan!" sabi niya sa akin.
Nakita ko naman na pumalibot na sa amin yung mga classmates ko.
"Mia pakawalan mo na si Mike!" sigaw ni Angelie.
"At bakit ko naman yun gagawin?" sabi ko sa kanya at linipat ko yung tingin ko kay Mike tapos nagsmirk ako sa kanya. Kitang-kita ang takot sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Mission Unacomplished
RomansaEach secrets has it own reason why he/she kept his/her true side. How long he/she can keep it? Can they sacrifice themselves just for the sake of love? Masasaktan ba sila ng dahil lang sa isang sekreto? Genre: Action & Romance. (First time ko po...